THIRD PERSON
Hindi na nahintay pa ni Precious o nalingon man lang si Bella nang tumawag ito ("Hoy, Precious!") pagtapos mag-ring ang bell, senyales na dismissed na ang klase. Nagmamadali itong naglakad papunta sa EIC office.
Habang naglalakad ay binuksan niya ang data niya at nagtipa ito ng mensahe para kay Bella.
bell
last seen recently
BELLAAAAA sorryyy huhu di ako
makakasabay sayoooo may usapan
kasi kami ni ate rhea huhuhuhu bawi
ako tomorrow promise talaga sabay
tayo uuwi
16:07 ✓
ingat ka pauwi haaa iluvuuuu
16:07 ✓
Pinatay ni Precious ang data niya at ibinalik ang kaniyang cellphone sa bulsa at tinakbo ang daan papuntang EIC office. Marahas niyang binuksan ang pinto at napatingala naman sa kaniya si Rhea na nakaupo sa sofa at nag-aayos ng mga diyaryo.
"I've compiled all John's article I can find dito sa office. Pati na 'yong mga articles ng ibang writers namin na may something fishy." bungad ni Rhea kay Precious pagpasok nito sa EIC office. "We can never be too sure..."
"Where are we gonna keep all these? We can't keep this in here dahil sa monthly inspection ng mga supervisors, pati na rin 'yong weekly general cleaning ni Manang Jane." tanong ni Precious habang nakakrus ang dalawang braso at nakasandal sa pader sa tabi ng pintuan habang nanonood sa ginagawa ni Rhea. Bahagya pa itong hinihingal dahil sa pagmamadali kanina, "Hindi rin pu-p'wede sa amin dahil naglilinis si Mommy ro'n gabi-gabi."
"Hindi rin puwede sa kwarto ko dahil shared room kami ng ate ko." sambit ni Rhea.
Saglit na napaisip si Rhea sa tanong ni Precious. 'She's right... where are we gonna keep all these?'
"You know that apartment complex down the road? Sa may bungad mismo bago makaakyat ng tulay, sa may kanan?" tanong ni Rhea nang makaisip ng ideya.
"Ahh... that one that looks abandoned?" nakakunot ang noong tanong ni Precious. "That would do. Pero ba't apartment? Wala bang rooms 'yon or something? Hindi ba mahal?"
Bumuntong-hininga si Rhea bago sumagot. "Studio-type naman 'yong mga units do'n, 'tsaka, hindi rin mahal. Kita mo naman 'yong itsura, 'di ba? Sa pagkakaalam ko, two thousand lang do'n, monthly. Share naman tayo sa gastos."
"Mm-hmm, I guess two-fifty off my weekly allowance won't hurt." pagfa-finalize ni Precious habang tumatango. "Abandoned apartment it is, then."
"Nice! Magpapatulong na lang akong makipag-negotiate do'n sa landlord with my friend. Do'n kasi siya nag-i-stay." natutuwang sabi ni Rhea na tinanguan naman ni Precious habang nakangiti.
ESTÁS LEYENDO
Iustitia Sit Sirvivit
Misterio / SuspensoBetrayals. Politics. Friendship. Precious Jewel Asuncion, a curious student of Murrayfield University, gets her life in tangles as she tries to involve herself on their EIC's bizarre suicide case. Patrick James Valencia approaches her and claims tha...
