"Okay-"

Naputol siya sa pagsasalita nang tumunog ang aking cellphone. My hunch was right. It was Bench. Hindi raw siya makakauwi ng maaga dahil siya ang inatasan ni Miss Aviles na mag-check ng tambak na quizzes.

I felt Blue's intent stare. Mukhang gustong magtanong kung sino ang nag-text kaya inunahan ko na.

"Si Bench lang." 

"Yeah, I see. Uh, magbibihis muna ako ah? Sorry, pawisan na naman kase."

Pawisan nga siya. Understandable naman dahil napakarami niya ring puntos sa huling quarter. Tinanguan ko si Blue at hindi gaya noong una, naghintay na talaga ako sa kanya sa bleachers.

Abala ako sa pabalik-balik na mga estudyante nang may lumapit sa'kin. Two junior high school girls. Maayos ang pagkaka-drawing ng kilay at pulang-pula ang pisngi. Sa ayos nila, I doubt they're seventh grader.

"Claudine, right?" 

Kinunot ko ang aking noo nang hindi magustuhan ang paraan ng pagtatanong nung isa. Inangat ko ang aking kilay bilang sagot.

"Anong relasyon niyo ni Bernard?" rektang tanong nung kasama niyang babae

Bernard? Bernard. I bit my lips. Oh, I see. May gusto sila kay Blue. 

"Wala." payak kong sagot

Tumalim ang mata nung isang inggrata.

"Anong wala? Bakit kayo nakikitang magkasama?" 

Halos matawa ako. Oh come on, lahat ba ng makakasama ko, karelasyon ko kaagad? Where's their logic?

"What exactly do you want to hear?" 

"Ano nga ang relasyon niyo?"

"Are you deaf? Sabi ko nga wala. He's not my brother, not my cousin and definitely not my boyfriend. Now, will you stay out of my sight?" kalmado ngunit iritado kong tanong

Sabay na umawang ang labi nila at nagkatinginan. I want to show them my devilish smile when I noticed how their ego got bruised by what I said. Hmm. That's what they get.

"Alam mo, sa totoo lang ah. Hindi kayo bagay ni Bernard-"

"Alam ko. Tao kami, hindi bagay." pambabara ko

"Bastos ka ah? Lalong hindi ka magugustuhan ni Bernard-"

"Paki ko? Baka kayo, may pakialam, kase kayo etong may gusto. Kaya nga andito kayo para abalahin ako, hindi ba?"

"How dare you? Teka-bakit nga kayo magkasama?!"

"Oo nga. Kanina nga lang, kitang-kita kayo."

Ang titigas ng ulo. Napaka-immature.

"Ayaw niyo pala kaming makita, bakit hindi nalang kayo pumikit?" problema ba iyon?

Nagtaas-baba ang dibdib nung dalawang inggrata. Kung pula ang mukha nila kanina dahil sa liptint, mas mapula na ito ngayon. Ang mga bruha ay nagmukhang bulkang nalalapit nang sumabog.

"I-Ikaw! Grade seven ka pa lang pero ang lakas na ng loob mong sumagot-sagot sa'min!"

"Where's your respect?"

I rolled my eyes. Tumayo ako dahil nakita kong papalapit na si Blue. With fresh black shirt on and dark jeans.

"Respect is earned, bitches. Hindi iyon libre at lalong hindi ipinamimigay sa mga kagaya nyo. So... maturity is indeed not defined by age, huh?" I mocked

Akmang pisikal akong sasaktan nung babae nang magsalita si Blue sa likuran nila.

"Anong nangyayari rito?" matigas na tanong ni Blue

I maintained a straight face while the two immature girls looked terrified. Gaya ng inaasahan ko, gumawa sila ng storya.

"Sinagot-sagot niya kami, Bernard! Wala siyang respeto. Nanahimik lang kami-"

"Huwag ka nang magsinungaling Sarah. Kahit anong sabihin niyo, si Claudine ang paniniwalaan ko." 

Inikot ko ang aking mata at agad na naglakad papalayo sa dalawang inggrata. Ayokong iparinig pa sa kanila ang mga sasabihin ni Blue. Baka maiyak, eh. Kawawa naman.

"Claudine," 

Hinigit niya ang aking braso. Hinayaan ko siya. Nakalabas narin naman kami ng campus. He scanned me seriously. Mukhang naghahanap ng sugat or what.

"I'm okay." inunahan ko siya

Binawi ko ang aking braso at nag-iwas ng tingin.

"Sinaktan ka ba nila?" kritikal niyang tanong

Umiling ako.

"Sino ang girlfriend mo sa dalawang iyon?" pambabalewala ko

O baka iyong dalawa ang girlfriend niya? Pinagsabay, ganun?

"What?" rinig ko ang gulat sa boses niya

Trip na namang umikot ng mata ko. Pinigilan ko lang dahil nakakapagod narin.

"Wala. Tara-"

"Teka. Wala, wala akong girlfriend. Iyon ba ang sinabi nila?"

Wala namang sinabi pero kung maka-akto, akala mo naman jowa. Nagfe-feeling lang pala. Ang lalakas pa ng loob.

"Claudine, galit ka ba?" 

Napairap na naman ako. Come on, what seriously is wrong with me? Iritadong-iritado ako. Pero sino ba naman kase ang hindi maiirita sa mga babaeng iyon.

"Hindi. Sa susunod nalang pala tayo kumain ng donuts." nawalan na ako ng gana

Nilingon ko siya. Sinalubong ako ng natataranta niyang mga mata.

"Sorry. Sorry talaga." medyo nalilito pa siya

"Why are you saying sorry? Wala ka namang kasalanan." malamig kong sagot

Tiniim niya ang kanyang labi at napakunot lalo ang aking noo nang makita ang kislap sa kanyang mga mata. Nararamdaman kong gusto niyang ngumiti, nagpipigil lang.

"May nakakatawa?" I asked, annoyed by his sudden change of mood

Ngumuso siya.

"Sorry na kase." 

Umismid ako. Ngunit hindi para sa kaniya ang ismid na iyon kundi para sa aking sarili. Hindi ko kase namalayang tumango na pala ako at nangingiti na rin.

"Okay ka na, Claudine?" rinig ko ang tuwa sa tono ni Blue

Hindi ako sumagot dahil alam kong nanunuya lang siya. What the heck is funny and amusing, anyway?

"Shit." 

Sinamaan ko siya ng tingin. Nagmumura pero nakangisi naman. Lalo pa siyang ngumisi nang mapalingon ako. I stiffened when he reached for my cheeks. Pinisil niya iyon, tila ba nanggigil.

"Ang cute mo. Ang lala mo palang umirap kapag nagseselos, no?"

My lips parted, my heart thumped like crazy and I stiffened even more.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Where stories live. Discover now