Natigil ang laro nang magpito ang referee. It was a time out. Nagkumpulan ang mga manlalaro at matapos ang isang minuto ay pumito na ulit ang referee. This time, Blue stood up. Si Josh naman ang out.

Pinanood ko siyang mag-inbound ng bola. Nang maipasa sa team mate ay naging mabilis na ang sunod na tagpo. The next thing I knew, he got six points. Napapalakpak ako kasama ng iba pang nanonood. When his eyes met mine for the nth time around, he smiled so wide. Natigil na naman ang laro nang sumenyas ng time out ang isang coach. Natambakan na nila ang kabilang team.

"Hoy, tumigil ka nga." 

Natigilan ako nang marinig si Bench.

"Huh? Bakit?"

"You seemed so proud. Like a girlfriend." 

Umawang ang labi ko. I stared at him in disbelief. What the heck?! He did say that? Talaga ba?

"Stop it, Bench. You're just hallucinating, come on."

"Yeah and you should see yourself watching Blue."

Nag-ismiran kami ng kapatid ko. Nasira ang mood ko dahil sa sinabi niya. Tahimik nalang akong nanood, at maski pagngiti ay hindi ko na nagawa.

"Gonzaga!" 

Sabay kaming napalingon ni Bench sa sumigaw. Nakakahiya dahil sa sobrang lakas ng sigaw na 'yun, pakiramdam ko napalingon sa amin ang lahat. 

"Benjamin Gonzaga," 

Lumapit sa amin ang isang senior high school na lalaki. He was looking at my brother intently. 

"Bakit pres?"

The president of the student council glanced at me once. He plastered an apologetic smile, like he knew what he did was sort of embarrassing. 

"Tawag ka sa office. May ipapagawa ata si Miss Aviles." sagot ni president sa isang mahinahon at mahinang boses

I looked away. Ramdam ko ang paglingon ni Bench sa'kin.

"Mag-text ako sa'yo kung matatagalan ako roon. Mauna ka nalang just in case, huh?" he reminded me

Tumango ako. Agad namang tumalima si Bench kay president. Naiwan ako sa bleachers pero hindi naman big deal iyon. Tumunog rin naman kalaunan ang buzzer, hudyat na tapos na ang game. Akmang tatayo na sana ako at aalis nang mamataan si Blue. He was walking towards my direction. May towel sa kanyang kanang balikat at may dala-dalang gatorade.

"Hi. Pauwi ka na ba?" he asked with a boyish smile

I twitched my lips as I hesitate answering. Hindi ako nakasagot kaya nagtanong uli siya.

"Si Bench? Nasaan?"

"Uh, nasa faculty."

"Ikaw nalang mag-isa, kung ganun?" 

"You're with me, so I am technically not alone." plain kong sagot

Lalong ngumisi si Blue. Tinawag siya ng mga kasama pero hindi siya nakinig. Instead, he leaned on the railings. Ipinatong niya ang dalawang braso sa bakal na harang. Upang hindi siya mahirapan ay tumayo ako at bahagyang lumapit.

"What do you want to eat? Let's eat outside."

Nag-alinlangan na naman ako. Should I say I already want to go home? Pero tinanong ka na kanina Claudine, hindi ka naman sumagot!

"I want donuts." 

Marahang tumango si Blue. I don't even know if that was the right answer, basta ba ay naging honest nalang ako. I truely am craving for donuts right now. Perfect timing, huh?

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Where stories live. Discover now