Chapter 4

1.6K 46 22
                                    

A/N:  Helo, wattie people! eto na po ang Chapter 4

Alam ko po na maraming naiinis ke Paul sa ginawa nya ke Maricar. Hindi ko po kayo masisisi pero hayaan po nating si Maricar (at ako) ang magparusa sa kanya. Ha ha ha. JOKE LANG po.

This chapter is dedicated to  Camille "Eli" Chua a.k.a. the_tigress - girl, I' love  your stories!!!

 Happy reading guys!!!!

 _________________________

PAUL's POV

Kanina pa ako nakahiga pero hindi ako dalawin ng antok. Hindi mawala sa isip ko ang magandang mukha ni Maricar.  Grabe hanggang ngayon, ganun pa rin ang epekto nya sa akin. Sa lahat ng babae, sya lang talaga ang niligawan ko. I've dated so many women and bedded most of them but never akong nanligaw. Kadalasan, sila talaga ang nagpapakita ng motibo. Pero pagdating ke Maricar, ginawa ko ang mga bagay na hindi ko in-imagine na gagawin ko to make a woman likes me. Nanligaw talaga ako, ligaw to the truest meaning of it. Sumusundo, nagpapadala ng bulaklak at kung anu-ano, dumadalaw sa bahay at  nagsisilbing driver at bodyguard nya kung saan-saan at todo hintay sa kaniya.  But I don't have regrets in doing those things. I love doing them because I lover her. 

Alam kong kasalanan ko kung bakit sya nakipagbreak sa akin. Karma nga daw ang tawag dun sabi ni Xander. Yes, I dated girls during our relationship but I always tell them that there's no string attach, no commitment. I know I was wrong then but hey, tao lang. I've learned my lessons but sad to say I had to learn it the hardest way, losing the love of my life, Maricar.

Mula ng umalis si Maricar, I never courted anyone else nor thought to enter into another serious relationship. Nagtataka din ako kung bakit pero ngayong nakita ko na uli si Maricar, I already know the answer, I still love her and she's the only one who captures my heart.

Alam ko mahihirapan akong suyuin syang muli pero, gagawin ko ang lahat para patawarin at eventually tanggapin nya ako muli. Walang ibang babaeng pwede kong mahalin, sya lang, si Dr. Maricar Ann Sales.

So ngayon kailangan ko nang umpisahan ang OPERATION: BALIK-LIGAW

For a starter, naisip kong i-text sya. Kinuha ko ang mobile ko at nag-umpisang mag type. Ang tagal kong inisip kung ano ang ite-text ko sa kanya. Dapat ba akong mangamusta?magsorry? o....mang-inis? Ha ha ha. Tama, dapat inisin ko sya para mapansin nya ako. Ganun din naman ang ginawa ko nun una bago ko sya niligawan. Sana lang this time eh maging effective pa rin iyon.

"Hi! So glad to see you again, Honey! You still look stunning and gorgeous! I MISS YOU.... SO MUCH "  Yan! For sure, maiinis yun at maiisip nya ako. Pinindot ko ang contact number nya at saka pinindot ang SEND button. YES!!!

Teka, kailangan ko rin pala ang tulong ni Xander. Matawagan nga. Hindi nga pala pwede istorbuhin yun ngayon at  kasalukuyang nasa "baby project' sya. (A/N: nasa Manila Hotel si Xander at Kim, remember?) . Bukas ko na lang tawagan para magawang kasabwat. 

Kinabukasan, habang hinihitay ni Xander si Kim sa parking lot ng mall pagkatapos nilang  ibili si Alex ng cassava cake, nakita ni Xander na tumatawag Paul.

"Bro, kumusta na ang pre-honeymoon?" tanong ni Paul ke Xander . 

"Bro, wag mo nang alamin at baka mainggit ka pa! ha ha ha" pilyong sagot ni Xander.

"Grabe ka, Bro! talagang hindi ka maawat dyan sa baby project mo!"  patuloy ni Paul.

"Syempre naman, Bro! Almost seven years kaya yun hinahabol namin." sagot nito. "O, ba't napatawag ka?" biglang tanong nito.

Can We Start Over Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon