Prologue

0 0 0
                                        

Potangina, ayoko na mabuhay eh. Hayaan niyo na akong mamatay! Ayoko na, hayaan niyo na ako!!” dinig kong sigaw ng isang babae na nakahiga sa roller voaster HAHDHAHSG.

“Sabing hayaan niyo na ako eh! Bingi ba kayo?” sigaw niya ulit.

Mula sa entrance ng hospital, narinig ko hanggang sa nurse's table ang sigaw ng isang pasyenteng dinadala patungo dito. Nang makalapit na sila sa kinatayuan ko, pinatigil ko ang dalawang nurse na tumutulak sa hinihigaan at sinuri ang kalagayan ng pasyente sapagkat panay ang sigaw niya.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at muntik na akong matawa sapagkat paa niya lang pala ang masakit, kung maka-sigaw parang mawawasak na ang mundo.

“Anong nangyari sa kanya?” tanong ko sa isang nurse.

“Balak niya pong magpakamatay, kaso naputol po yung lubid kaya nahulog siya't natipalo yung paa niya.” pagpaliwanag ng nurse.

Dahil doon, natawa ako nang lubusan tsaka tiningnan ulit ang pasyente. Masama ang tingin niya sa akin kaya tumigil ako sa pagtawa. Umubo nalang ako para mawala ang hiya. Potek parang ang unprofessional ko naman nun.

“Balak mo palang magpakamatay? Sa susunod kasi sa building ka nalang tumalon para di ka na magdusa pa.” suggest ko sa pasyente at nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya dahil sa sinabi ko.

Nagulat narin yung dalawang taga-tulak sa bed kaya binawi ko nalang ang sinabi ko.

“HAHAHA PARE KO, JOKE LANG YUN EH. KAYO NAMAN HAHAHA” pilit kong sigaw sabay akbay sa isang nurse.

“Dalhin niyo siya sa X-ray pare.”

Sinunod nila ang sinabi ko at tinulak ulit ang cart papuntang X-Ray. Nakita kong nagulat ang pasyente kaya sumigaw ulit siya.

“Ayaw ko na nga mabuhay eh! Bingi ma ghourl? Ayaw ko na nga eh!”

Napailing nalang ako sabay sandal sa table ng nurse.

“Mga bata nga naman.”

Mga bata..

Napangiti ako sa naisip ko dahil may naalala ako mula sa kabataan ko. Hays, miss ko na mga mata niya.

Kung pwede lang mabalik yung panahong.....

nandiyan ka pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

18Where stories live. Discover now