Fireworks and You

6 0 0
                                    

Nagising ako sa mga mabangong amoy ng bulaklak sa'king tabi habang ikaw nama'y nakasandal sa isang upuan at tahimik na natutulog.

Katulad ng ibang mga eksena sa'king panaginip ay kasama pa rin kita, masaya't patuloy na umiikot ang mundo para sa'ting dalawa.

I was hoping na totoo ito at hindi panaginip pero matagal ko ng alam na wala ka na... at 'di na muling babalik pa. Kaya heto ako bumubuo ng panibagong mundo kung saan malaya kitang nakakausap, nakikita't nakakasama.

"Eros..." Ngumiti ako habang binabanggit ang pangalan na parang ngayon ko lang ulit binigkas mula sa mahabang panahon, saka siya nagmulat ng mga mata at malungkot akong tiningnan.

"Listen, fireworks festival is about to start in any minute now. Could you please fix yourself? I'll wait for you outside" Mapait kong sinilayan ang kanyang maamong mukha, kailan kaya kita ulit makikita?

"Sige..." Kahit labag sa kalooban ko'y hinayaan ko siyang lumabas sa pintong iyon. Hindi bale, nangako siya sa'kin at sa palagay ko naman ay hindi nya ako tatakbuhan sa pagkakataong ito. Kinuha ko ang bungkos ng rosas na nasa lamesa at inilagay ito sa isang vase.

Pagkatapos ay pumunta ako sa walk-in closet ko upang pumili ng isang dress. Hindi ko mapigilan ang sarili kong maluha habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin. I'm aware that this is a dream and yet I'm so happy.

Sorry... I'm so sorry Eros for being selfish. Could you please forgive me?

Nakita ko siya sa labas ng pinto na nag-aabang suot ang kanyang blue na polo na pinatungan nya ng hoodie at jeans sa kanyang pambaba simple lang naman ang suot nya pero ewan ko ba kung bakit hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Marahil dahil alam kong maaaring hindi ko na siya makikita.

"San tayo pupunta?" Tanong ko.

"Let's watch the fireworks at the park." Tipid niyang sagot. Bakit siya ganun... bakit siya tahimik, gusto ko pa siyang makausap.

Sabay naming pinagmasdan ang kalangitan na punong-puno ng mga bituin, dahil doon gusto kong humiling na sana totoo nalang ang lahat. Kasabay ng nakabibinging ingay ang paghanga ko sa mga ilaw na nabubuo mula sa kalangitan.

Hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang kamay dahil natatakot akong baka pagkatapos ng gabing ito. Pagkatapos na magliwanag ang kalangitan dahil sa mga nakakamanghang fireworks... natatakot akong mawala siya sa tabi ko.

"Let's pretend it's real." Pagbabasag nya sa katamikang bumabalot sa'ming dalawa. Mapakla siyang ngumiti at saka tumingin sa akin.

"No. Let's stop this thing." Naguguluhan akong tumingin sa kanya.

"Why?" Tanging sagot ko, na para bang iyon lamang ang kaya kong sabihin sa mga oras na iyon.

"How can you live if you're still here with me, Ever... Everleen. Please stop chasing me. You're making it hard to the both of us." Unti-unti kong naramdaman ang pagbitaw nya sa'king kamay.

"These fireworks are not real... so am I Everleen." Umiyak ako ng walang katapusan.

Nagising ako mula sa pagkakahimbing subalit pagkakataong ito wala ng Eros sa tabi ko.

For Ever (Waiting In The Rain)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon