[COMPLETED]
All credits are given to Eowynd, also known as Lilian "Geminis" Bascuñán, from fanfiction.net (This is only a translated version)
Detective Conan X Slam Dunk Crossover
*Translating Spanish to Filipino*
¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
Pagkatapos nun ay umalis na si Conan sa kwarto ni Rukawa at nakasalubong si Fujii na mugto ang mga mata.
"Ok ka lang ba miss?" sabay inabot ni Conan ang kanyang panyo.
Tinignan ni Fujii si Conan at tinanggap niya ang panyo. "Oo, ayos lang naman ako kaya lang hindi ko na maibabalik ang sinabi ko kay Haruko. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya pero mukhang malabo na iyong mangyari."
"Humingi ng tawad?" -Conan
"Nag-away kasi kami nung nakaraan dahil sinabi ko sa kanya na kalimutan na niya ang obsession na nararamdaman niya para kay Rukawa dahil kahit anong gawin niya, hindi siya papansinin nun."
"Ano pong ibig nyong sabihin?" -Conan
"Basketball lang ang pinagtutuunan ng pansin ni Rukawa pero si Sakuragi ang nakikita kong may pagpapahalaga sa nararamdaman ni Haruko." at dahil sa sinabi ni Fuji, napagtanto ni Conan ang posibilidad na gagawin ni Sakuragi ang lahat para kay Haruko.
"Talaga bang magkasama kayong dalawa na nag-aaral buong gabi?" tanong ni Conan
"Oo hanggang 9:30 or 9:45 pm. Naghain pa ako ng tea para sa aming dalawa tapos may tinawagan siya sa telepono gaya ng sinabi niya." -Fujii
"Isang tawag? Kung ganon siya ang unang tumawag sa biktima? At umalis ka na nun?" -Conan
"Ganun nga ang nangyari. Sinamahan niya ako sa Bus Stop at saka na ako nakaalis pero sa palagay ko nangyari iyon bandang 10:30 pm" -Fujii
"Ganun pala" bulong ni Conan sa kayang isip.
"Tara puntahan na natin sila sa sala" hinawakan ni Fuji ang kamay ni Conan sabay naglakad.
Rukawa's Living Room
"Kung ganoon umalis siya kaagad. Dapat dumating siya sa pagitan ng 10:48 o 10:50 pm at pagkatapos ay mayroon siyang 10 hanggang 20 minuto upang patayin ang biktima, linisin ang ebidensiya, at ipaalam sa pulisya ang nangyari, ngunit sinabi ng ibang binata na siya ay narito hanggang 10:45 pm. Kainis naman😑 Naguguluhan na ako." bulong sa isip ni Conan
"Kilala mo ba ang biktima na si Haruko Akagi?" Tanong ni Inspector Megure
"Hindi. Sino ba yun?😑" -Rukawa
"Nagbibiro ka ba?! Siya ang kapatid ni Akagi na palaging sumasama sa mga practice matches natin, Assistant manager ng basketball team, ang number one fan mo tapos sasabihin mong hindi mo siya kilala?" naiinis na si Mitsui sa pagiging ignorante ni Rukawa.
"Marami akong tagahanga kaya hindi ko alam kung alin at sino ang tinutukoy niyo." -Rukawa
"BUWISIT KANG SORO KA. HANGGANG NGAYON HINDI KO PA RIN MAINTINDIHAN KUNG BAKIT KA NIYA NAGUGUSTUHAN?" -biglang panenermon ni Sakuragi kay Rukawa.
"Ibig sabihin, may pagtingin ang biktima sa binatang ito?" tanong ni Detective Mouri
"Oo pero isa lang siyang mayabang na antukin." sabi ni Sakuragi
"Sinasabi mo lang iyan kasi binasted ka niya. 😂"
"MITCHI!!! 😡😡😡"
"Kung ganun mahal mo ang biktima?" tanong ni Inspector Megure.
"Ah... Eh 😳 Opo." -Sakuragi
"Kung tama ang pagkakaintindi ko, ang biktima ay inlove sa taong nagngangalang Kaede Rukawa at nakikita lang si Sakuragi bilang isang kaibigan. Kaya sobra ang pagkamuhi ni Sakuragi kay Rukawa dahil mahal na mahal siya ng biktima pero wala siyang napala. Pero para kay Rukawa, mahahalata na wala siyang pakielam sa biktima gaya ng sinabi ni Fuji. Pero maliban sa larawan, wala na akong ibang maisip na patutunguhan ng kasong ito. Pambihira naman😑" -bulong ni Conan sa kanyang isip.
Dumating ang isang pulis na may dalang mga resulta at sinabing, "Inspector, mayroong isang bagay na kakaiba sa pagsusuri ng pinangyarihan ng krimen."
"At ano ang napansin niyong kakaiba?"
"Ang tanging fingerprints na nakita sa murder weapon ay galing lamang sa biktima."
"SIGURADO KA BA SA SINASABI MO?!" gulat na sabi ni Detective Mouri.
"Opo"
"Pero paano? Imposible iyon." Nagtataka sina Kogoro at Inspector Megure
"Isa lang ang ibig sabihin nun." sabi ni Conan sa sarili. Lumapit siya sa pulis at bumulong sa kanyang tainga. "Neh?! Sabihin mo sa akin, ..."
"Oo totoo iyan."
"Ngayon ay naiintindihan ko na" kaya si Conan ay nagtungo sa kinaroroonan ni Detective Mouri at pinatulog siya gamit ang anesthetic dart.