"I have an announcement to make." Panimula niya.
Lahat ay nakita niyang nakatingin sa kanya. Lahat ay huminto sa ginagawa.
Ngumiti siya ng alanganin at napabuga ng hangin.
"Are you going to accept me even if I am different?"
Pare-parehong nangunot ang noo ng mga kausap niya. Nagkakatinginan pa nga. Halatang naguguluhan sa sinasabi niya.
"What do you mean different? We know that you're weird. And moody," sabi ni Nik.
Sinamaan niya ito ng tingin at muli ay napabuga ng hangin.
"Different. I mean, I have another preference in terms of dating people."
Halatang hindi na kumportable ang mga kaharap niya.
"What the hell are you talking about?" Seryosong tanong ni Owie.
"I don't like men. I want women." Sa isip ay talagang inaalala niya ang mga ni-rehearse niyang sasabihin sa mga ito.
"Women? What are you talking about, Amere?" Ang lolo na niya iyon.
Naihilamos niya ang kamay sa mukha.
"I am not straight. I am you know..." ibinitin niya ang sasabihin.
Halatang naghihintay ang mga ito ng sasabihin niya. Hindi makasunod sa ibig niyang sabihin.
"I am a lesbian. Geez." Napapailing na sabi niya at dinampot ang mug ng kape at uminom doon.
Wala siyang narinig na sagot sa mga ito. Lahat ay nakatingin lang sa kanya. Mukhang pilit na ina-absorb ang sinabi niya.
"Wow." Si Owie ang unang nagbasag ng katahimikan. "Wait." Napa-ehem pa ito. "You're a lesbian? Are you sure? But you date men."
"And I am done with them. Kaya siguro ako walang matinong makuha. Wala akong maging boyfriend because I don't want men. Men will hurt women." Katwiran niya.
"And women don't?" Sabat ni Emer.
"Whatever. I just want you to know the truth. That's me. And I hope you will still accept me for who I am."
Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanila lahat. Hindi siya makatingin sa gawi ng lolo niya dahil nahihiya siya. Hindi niya alam kung paano nito tatanggapin ang sinabi niya. Lalo siyang kinabahan ng tumayo ito at lumapit sa kanya tapos ay walang sabi-sabi siyang niyakap.
"Whatever you want. Whatever you are, you are still my granddaughter. And I love you."
Yumakap din siya ng mahigpit sa lolo niya.
"Well, at least apat na tayong mag-gi-girl hunting." Nakatawa na ngayon si Nik. "I am going to support you."
Tumingin siya sa dalawang kapatid at parehong nakatingin lang ito sa kanya. Napahinga ng malalim si Owie at ngumiti sa kanya.
"Let's celebrate." Nangingiting sabi nito.
"Ikaw ang manlilibre sa amin mamaya." Sabi naman ni Emer.
Napangiti siya. At least, okay sa pamilya niya. Wala na siyang iintindihin. Makakagalaw na siya ng kung anong gusto niya. Tapos na siya sa mga lalaki na iyan.
Hinintay din siya ng mga kapatid niya para sabay-sabay silang pumasok sa opisina. Hindi na rin naman ito nagtanong ng tungkol sa sinabi niya sa mga ito. Naiintindihan naman nila. Well, she doesn't need to change herself kung sinabi man niya sa mga ito na lesbian siya. Babae pa rin naman ang hitsura niya. Babae pa rin siya kumilos. Babae pa rin siya.
YOU ARE READING
BAD DATE | Bad Series 4 (complete)
RomanceTo save face from a total embarrassment after she made a scene in their university, Amere Tamayo decided to date the guy that her friends kept on telling her to see. Dorian Ambrocio. A bad date that ended up in a one-night stand. After six years o...
CHAPTER NINETEEN
Start from the beginning
