"By the way, Happy Birthday."

11 0 0
                                    

8 years ago....

"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday happy birthday happ----" Naputol ang pagkanta ni Sarah nang tinakpan ni Nami ang bibig niya.

"Pweh! Mag-hugas ka naman ng kamay paminsan-minsan amega." Sabi ni Sarah.

"Hugas ka diyan. Pwede bang tumahimik ka nalang. Araw-araw ka nalang kumakanta ng happy birthday. Eh malayo pa naman ang birthday ko."

Nahihiya na kasi siya sa mga tao sa paligid nila. Walanghiya kasi ang bisayang babaeng kaibigan niya. Lagi nalang kumakanta ng happy birthday kahit walang nag-bi-birthday. Hindi naman makakailang maganda ang boses nito kasi mga bisaya magaganda talaga ang boses. (insert --- sinong mga bisaya diyan? Palakpakan! Idol ko kayo.)

"FYI amega, malapit na. 2 days, 7 hours, 35 minutes, 41 seconds and counting and it's your birthday! It's your birthday. It's your birthday!" Bumalik na naman ang pagkatopakin nito.

"Sa totoo Sarah? Ako ba talaga ang mag-bi- birthday? O ikaw? Kung maka countdown ka diyan. Wagas."

"Gemma lang yun amega. Ha-ha ang totoo niyan 2 days lang ang sakto dun." Napatawa nalang siya sa kalokohan ni Sarah.

"15 na pala ako noh?" sabi niya ng maalala ang edad niya.

"Anong akala mo ? Lagi ka na lang bata?"

"Huwag kang ganyan. Tandaan mo mag-si-seventeen ka na ngayong taon Ha-ha!" Mas matanda kasi si Sarah ng dalawang taon sa kanya pero mas bata pa itong mag-isip kesa sa kanya.

"Shhhh. Alam mo namang top secret yan." Ayaw kasi nitong malaman ng mga kaklase nila, baka kasi wala ng magkakagusto sa kanya dahil sa edad niya.

"Ha-ha kaya nga tumahimik ka na diyan. Lola."

--------

The awaited day came.

"Hoi, mga kaibigan kong walanghiya. Asan na ba kayo ?!" sigaw ni Nami sa telepono.

Hindi kasi sumipot ang mga kaibigan niya kuno. Di siya makapaniwala kasi nung hindi pa niya birthday, sila ang mas excited kaysa sa kanya kaya hindi niya maintindihan kung bakit hindi sumipot ang mga 'to. Nagpahanda pa naman ang mama niya ng maraming pagkain.

Nasa meeting place na siya at tinatawagan na niya ang mga ito pero hindi sinasagot. "Anong klaseng kaibigan kayo?!" talak niya habang pinipindot ang cellphone niya.

They will celebrate her birthday in a cabin they own just near their house. Their other house. Yeah they're rich, hindi makakaila iyan.

Ang alam niya ay nandun na ang mga kamag-anak niya saka ang pamilya niya. Nagpasya silang mag-kita nalang dito sa mall kasi may bibilhin pa daw si Sarah na pinagbigyan niya pero eto siya ngayon, parang tangang nag-aabang ng milagrong dadating ang mga kaibigan niya.

Biglang tumawag si Nina at dali-dali niya itong sinagot. "Hoi! Ano ba?! Sa'n na ba kayo?!" sumigaw nanaman siya.

Pinagtitinginan na siya ng mga tao. Wala siyang pakialam. Araw niya to at ayaw niyang ma bad-trip kaso eto na, mismong mga kaibigan niya ang nambabadtrip sa kanya.

"Nami?" Nanginginig na boses ang narinig ni Nami sa kabilang linya. Nag-alala siya kay Nina.

"Nina?! Anong nangyari sayo?! Ba't ganyan ka magsalita?!"

"Eh kasi, Nami.." Tapos umiyak ito.

"Nina?!" tumayo siya sa kinauupuan niya. "Anong nangyayari sayo?! Sumagot ka!" Hindi na siya mapakali. Meron siyang masamang kutob sa boses ni Nina.

MISTAKEN IDENTITYDove le storie prendono vita. Scoprilo ora