Chapter 1 (The new beginning)

ابدأ من البداية
                                    

Si Shaira ay umuwi muna sa Japan dahil namimiss niya na ang magulang niya noong nakaraang dalawang buwan. Bibisita nalang daw siya rito kapag nagkaroon siya ng oras at mukhang matatagalan pa 'yon dahil mukhang ipapamana na rin sa kaniya ang company nila. Kasama rin namin siyang grumaduate sa Zercon Academy.

Si Angeline ay hindi namin alam kung nasaan. Pagkatapos na pagkatapos kasi ng gulong 'yon ay nawala nalang siya bigla na parang bula. Sinubukan namin siyang hanapin ngunit hindi talaga namin nakita. Nag-iwan naman siya ng sulat na nagsasabing ayos lang siya at nasa malayong lugar na kaya hindi na kami nagpumilit pa dahil baka gusto niya na ring mapag-isa. Hindi rin biro ang naranasan niya dahil sarili niyang tatay ang kinalaban niya.

Si Devin at Eros ay single pa rin at food is life. Baka hinihintay ni Devin si Shaira na maging ready na. Si Eros? Ewan ko. Wala pa naman akong napapansing babaeng napupusuan niya.

Si Lolo ay namayapa na noong nakaraang isang buwan dulot na rin ng katandaan. Nagiging ayos naman na si Caleb at unti unti ng nakaka-move on.

Si Allistair? Ewan ko. Bahala siya d'yan.

"Baby wife." bulong ni Allistair at sumiksik sa leeg ko habang nakayakap sa bewang ko. Napangiwi naman ako dahil doon.

Ayos na kami. Napaliwanag na niya sa akin, sa amin ang lahat. Halos sapakin nga siya nila Kuya noon dahil sinarili niya lahat ng problema. Kasal na rin kami dahil masyado siyang atat.

Nandito kami ngayon sa pinatayo naming bahay para sa aming lahat. Meron itong five floors dahil ang dami pa nilang kaartehan. Madalas ay dito kami tumatambay, minsan sa sarili naming bahay at minsan ay sa kaniya kaniyang kumpanya.

"Baby wife." nagsalubong ang kilay ko at yumuko para tignan si Allistair ng tawagin niya na naman ako.

"Ano?!" inis na tanong ko sa kakulitan niya. Napanguso naman siya.

"I love you." bulong niya at mas lalong sumiksik sa leeg ko.

Napalabi nalang ako at nag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.

'Ehe, enebe! Ekew nemen eh!'

"Ha! Tama ako! Mamatay siya! Akina pusta mo!" nakangising sabi ni Aster at nilahad ang kamay kay Yoshin na napailing nalang at binigay ang susi ng kotse niya.

Napailing nalang din ako. Milyon milyon na ang nagastos ni Yoshin para sa pustahan nilang laging siya naman ang talo pero mukhang wala lang naman sa kaniya 'yon kaya hayaan na, desisyon niya 'yan. Si Aster naman ay mukhang walang balak magpatalo kahit isang beses manlang. Mukhang balak niyang ubusin ang mga pera ni Yoshin. Wala namang problema dahil magiging mag-asawa rin naman sila. Lahat ng pera ni Aster ay pera rin ni Yoshin at gano'n din si Yoshin kay Aster.

Napahikab ako dulot ng antok. Napatingin ako sa relo ko at nakitang ala una na pala ng madaling araw. Ginala ko ang paningin ko at nakita kong bagsak na rin ang iba ko pang mga kasama.

"Aster, yung t.v." sabi ko sa kaniya ng makita kong hindi na sila nanonood.

Inabot niya naman ang remote at pinatay na ang t.v. Napatingin naman ako kay Allistair na nakatulog na rin habang nakayakap sa'kin.

Napasandal nalang din ako sa ulo niya hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

***

"Ahhh!"

Napamulat ako ng makarinig ng sigaw. Napatingin ako kay Arra na nakahawak sa noo niya na parang meron siyang mabigat na problemang dinadala.

The Queen of Trouble (Season III)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن