PROLOGO

18 3 0
                                    

Tahimik ang paligid. Malalim na ang gabi ngunit mulat pa rin ang mata ni Heneral Lucas. Nakatingin sya sa isang blangkong papel habang hawak ang isang pluma't nag-iisip kung ano ang maaaring susunod na hakbang ng mga rebelde. Kahit na nadakip nila ang lider ng mga ito hindi siya nakatitiyak dahil maaaring may humalili dito.

Makalipas ang ilang minuto nabaling ang kanyang atensyon ng biglang bumukas ang pinto, iniluwal nito ang isang guwardya sibil, pawisan ito at may bahid ng pakataranta ang mga mata.

"Sabihin mo ang iyong pakay." Kalmadong litanya ng Heneral.

"N-nakatakas ang lider ng mga rebelde, Heneral!" Napatayo si Heneral Lucas nang marinig iyon kaya naman kaagad na napayuko ang guwardya sibil dahil sa takot, kilala nila ang Heneral bagama't hindi ito nananakit ng walang dahilan, masama naman itong magalit.

"Estupido! Anong pinagkakaabalahan niyo upang hindi mabantayan ng maayos ang mga preso!" Ayaw na ayaw ng Heneral ang mga taong hindi responsable kaya ganoon na lamang ang naging reaksyon nito.

Hindi sumagot ang guwardya sibil dahil alam nilang mapaparusahan sila ng Heneral sa oras na malaman nito ang kanilang ginawa. Nung mga oras na tumatakas ang lider ng rebelde ay nalibang sila sa pagpupustahan at hindi ito napansin.

Dali-daling kinuha ng Heneral ang kanyang mahabang baril na may bayoneta, lumabas ito ng silid at kaagad tinungo ang mga kabayo upang sakyan.

Batid ng Heneral na delikado ang kanyang gagawing hakbang ngunit naisip niya na ito na ang tamang panahon upang magtuos sila ni Hamin—ang lider ng mga rebelde.

Pinuntahan ng Heneral ang mga karatig baryo ngunit hindi niya nasumpungan si Hamin, ni anino nito'y hindi niya nakita wala ding bakas kung saan ito nagtungo.

Habang lumalalim ang gabi nagiging mapanganib ang paligid ngunit hindi ito inalintana ng Heneral, ang tanging pakay lang nito ay mahanap si Hamin at wakasan na ang lahat. Dahil sa magkahalong antok at pagod hindi namalayan ng Heneral na siya ay napadako na sa masukal na bahagi ng gubat. Tanging tunog ng kuliglig at nagsasayawang dahon ng puno ang maririnig sa paligid may maganda ring tanawin sa langit dahil sa milyon-miyong bituin na nakapaligid sa buwan na nagsisilbing liwanag sa gabi.

Napatigil ang Heneral ng may narinig itong mahihinang kaluskos. Dahan-dahan itong bumaba sa kabayo, tinali niya ito sa pinakamalapit na puno at naging mapagmatyag sa paligid pakiwari'y inuulinigan ang panganib na paparating.

Sa hindi kalayuan ay nakita niya ang isang lalaking may hawak na sulo. Dahan-dahan siya naglakad papalapit dito, ng makita niya na ito ang kanyang pakay ay kaagad niya itong sinunggaban. Sinakal niya ito gamit ang kanyang braso, pilit naman itong nagpumiglas ngunit dahil sadyang malakas ang Heneral ay hindi na ito nakawala pa.

"Ang tagal kitang hinanap Hamin..." Bulong ni Heneral Lucas sa kaniyang taynga.

Hindi ito pinansin ni Hamin. Nang magkaroon ng pagkakataon ay kaagad itong siniko ni Hamin sa sikmura nabitawan siya ni Heneral Lucas kaya dali-dali itong tumakbo papaalis dala ang kanyang itak.

Nang makabawi ang Heneral ay kaagad nitong sinundan si Hamin, pinaputukan niya ito ng ilang beses ngunit hindi ito tinatamaan dahil sa liksi ng kilos nito.

Dahil sa pagtakbo ay hindi namalayan ni Hamin na nakarating na siya sa tabi ng lawa. Lagaslas ng tubig at huni ng kuwago ang himig na maririnig sa paligid.

Nakapokus ang mga mata ni Hamin sa unahan habang tumatakbo dahilan upang hindi niya napansin ang bato na may katamtamang laki na nakausli sa lupa, sumabit ang kanyang kaliwang paa dito dahilan upang mawalan siya ng balanse at matumba tumilapon din ang kaniyang itak patungo sa lawa kaya't labis ang kanyang pangamba na maabutan ng Heneral at paslangin siya ng walang kalaban-laban.

Lumingon siya sa kanyang likuran at nakita ang papalapit ng pigura ni Heneral Lucas, dahil na rin sa takot ay agad na lumundag si Hamin patungo sa lawa ngunit bago pa siya mahulog sa tubig ay kaagad na nahawakan ni Heneral Lucas ang kanyang kanang kamay dahilan upang mapasama ito sa pagkahulog.

Walang hanggang kadiliman at lamig na parang yelo ang madadama sa kaibuturan ng tubig lawa. Unti-unti ay nakaramdam sila ng pagkahilo at nang maglaon ay pareho silang nawalan ng malay ngunit ang hindi nila alam na sa kanilang paggising ay mapapadpad sila sa isang lugar na malayo sa kanilang kinagisnan.

•••••••••

Note: This story is a work of fiction. Names,places, characters and events are either product of my imagination or used in fictitious matter. Any resemblance,living or dead,are purely coincidental.

(Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang pangalan, lugar, tauhan at pangyayari ay bunga ng aking imahinasyon o gawa-gawa lamang. Anumang pagkakahawig, buhay man o patay na, ay nagkataon lamang.

Incorrect grammars and Typographical Errors can be found in this story, my sincere apology to you readers.

(Hindi wastong Gramatika at Kamalian sa Pagtipa ay matatagpuan sa storyang ito, lubos akong humihingi ng paumanhin sa inyo mga mambabasa.)

The legal repercussions of plagiarism can be quite serious. Some plagiarism may also be deemed a criminal offense, possibly leading to a prison sentence. Those who write for a living, such as journalists or authors, are particularly susceptible to plagiarism issues.

Welcome to 21st Century (Series of Time#1)

©All rights reserved

Written by: atemotobeh

Welcome To 21st Century (Series Of Time#1)Where stories live. Discover now