What a lovely day!

Start from the beginning
                                    

Nagtanong lang naman ako. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Pinakita ko sa kanya na hindi ako nasasaktan. BUT...

Those words were like a trenchant sword stabbed in me.

Binunot ni ate Ada ang aking buhok kaya nahulog ang salamin ko.

"Arayyy! Ate tama na po, masakit!" Daing ko.

Kinuha niya ang bag ko at tinapon lahat ng gamit ko sa sahig. Nakita niya yung puting subre at kinuha.

"Ate sa'kin po yan." mahinang sabi ko.

Sinampal niya ako, "Wala ka nga talagang utang na loob! Kami ang nagpalaki sa'yo pero ito ang isusukli mo sa amin?!"

"Lumayas ka! Wag ka ng babalik dito! Ikaw ang salot sa pamamahay na 'to! Layas!" Pagtataboy ni tatay habang tinatapon niya lahat ng damit ko sa labas.

Umalis na silang dalawa at sinirado ang pintoan. I tumbled to the ground.

Pinulot ko agad ang aking salamin at isinuot. Ito lang ang nag-iisang regalo at habilin ni nanay sa akin, nasira pa. Nilagay ko ang mga damit na nagkalat sa bagahe ko.

Makulimlim ang langit nang umalis ako. Pinara ko agad yung jeepney at sumakay.

Hindi ko alam bakit nila ako tinitingnan. May dumi ba mukha ko? I touched my face and,

"Aww." Mahinang daing ko.

Kinuha ko agad ang maliit na salamin ko sa bag. Namumula ang dalawang pisnge ko, kaya pala. Mabuti may dala akong face mask, sinuot ko agad iyon at yumuko na lang.

Nagbayad agad ako, "Manong, Memorial Park lang po."

Lumipas ang limang minuto at nakarating din. Bumili muna ako ng puting rosas, chocotops at birthday candle bago pumasok.

Lumuhod ako sa harap ng puntod ng nanay ko at nilagay ang puting rosas. I feel numb.

Adelaida Rodriguez
Born on July 7, 1962
Died on April 28, 2020

"Hi nay, miss na po kita. Alam kong di mo na ako naririnig ngayon. Pero kasi gusto ko lang sabihin na... na namiss kita ng sobra.

Nay okay lang ba? Okay lang bang dito na lang ako magce-celebrate ng bi-birthday ko?"

Kinuha ko ang birthday candle at nilagay sa ibabaw ng chocotops at sinindihan.

"Happy birthday to me. Happy birthday to me. H-happy b-birthday t-to m-me." Awit ko sa aking sarili at hinipan ang kandila.

Hindi ko na natiis ang nagbabadyang mga luha sa aking mga mata kaya ito'y walang pigil na dumadaloy. Kasabay ng pagluha ko ang pagbuhos ng ulan.

Tila sinasabayan at dinadamayan ang aking damdamin. I mourned as the thunder roared.

Hindi ko na alam kung paano at saan ako magsisimula. Nanghihina ang aking katawan at hindi ko na halos makita ang aking paligid dahil sa mga luha, ulan at sirang salamin.

UNINTENDED MATRIMONY Where stories live. Discover now