PROLOGUE

15 4 5
                                    

PROLOGUE

Late na akong nagising dahil may pinuntahan ako kagabi na party. May lakad ako kasama ang mga kaibigan ko. Nag aya kasi sila na mag mall daw kami ngayon, pumayag naman ako at tinext ko ang secretary ko na late na ako makakapasok at ang lahat ng pipirmahan ko ay dalhin na lang sa office ko. Naging busy kami pare-pareho sa mga trabaho namin.

Nang matapos na akong maligo at makapag ayos ng sarili ko ay agad na akong nagmaneho papuntang mall. Hindi naman masyadong traffic ngayon kaya nakarating ako agad sa mall. Pinark ko agad ang sasakyan ko at pumasok na sa loob. Agad ko namang nakita ang dalawa kong kaibigan. Lumapit ako sa kanila at nakipagbeso.

"Tara na, kain muna tayo hindi pa ako kumakain." saad ni Jamaica.

Pumayag naman kami at sinimulan ng maglakad. Habang naglalakad kami ay pinag-uusapan namin kung saan kami pupunta sa birthday ni Kesha. Ang sabi ni Kesha ay ayaw niya daw mag celebrate ng bongga kahit kaming tatlo na lang daw ang magkakasama ay ayos na daw sa kaniya 'yon. Ang suggestion naman ni Jamaica ay pumunta na lang daw kami sa Japan.

Nakahanap na kami ng restaurant kung saan kami kakain. Umorder na rin kami agad ng maka upo na kami.

"Balita ko naka uwi na daw si Xyver." saad ni Kesha.

Natahimik ako sa sinabi ni Kesha. Bakit pa siya bumalik?

"Dapat 'di na lang siya bumalik." saad ko.

"Hindi ka pa rin ba nakakamove-on sa inyong dalawa?" saad ni Jamaica.

"'Wag na lang natin pag usapan 'yan." saad ko.

Tumango na lang sila bilang sagot sa sinabi ko.

"Sa Japan na lang ba o sa bahay na lang namin? Kahit tayong tatlo lang naman na mag celebrate okay lang sa akin 'yon." saad ni Kesha.

"Sa tingin mo papayag si tita na tayong tatlo lang ang mag ce-celebrate?" saad ni Jamaica. "Baka mag invite pa 'yon ng business partner nila."

"Edi kung mag i-invite si mom, i-invite na rin natin 'yung ibang mga kaibigan ko." saad ni Kesha.

"Birthday mo 'yon kahit sino pwede mong i-invite." saad ko.

Tumigil na kami sa pag uusap at kumain na lang muna. Nang matapos kaming kumain ay naglibot muna kami at bumili ng ilang mga gamit. Nandito kami sa boutique ng mga alahas. May nakita akong isang singsing na nagustuhan ko.

"Miss, pwede bang matingnan 'to?" tanong ko sa babae sabay turo sa singsing.

Kinuha niya naman ito at binigay sa akin. Sinukat ko ito at saktong-sakto sa daliri ko. Simple lang siya may diamond sa gitna kaya ko siya nagustuhan. Agad sumulpot sa tabi ko Kesha.

"Bagay sa kamay mo 'yan." saad ni Kesha.

"Wala namang magbibigay ng singsing sa akin kaya bibilhin ko na lang." natatawang saad ko.

Umiling naman si Kesha at naghanap din ng mga alahas.

"Miss, kunin ko na 'to." saad ko.

"Sige po ma'am." saad nito.

Binayaran ko na ito at hinintay ang dalawa kong kaibigan na pumipili pa rin hanggang ngayon. Lumapit ako kay Jamaica at nakita ko itong pumipili ng necklace.

"Crystal, tingin mo bagay ba 'to sa akin?" tanong ni Jamaica.

Tiningnan ko ito at isa itong airplane, nagtanong pa siya kung bagay sa kaniya. Syempre bagay naman sa lahat 'yan e.

"'Wag maging tanga, Jamaica. Malamang bagay sa lahat 'yan edi bagay sa 'yo 'yan." saad ko.

Tumango naman ito at binayaran niya na rin ang sa kaniya. Si Kesha naman ay hindi ko alam ang binili niya. Nang matapos naming mamili ay nagpaalam na ako sa kanila na kailangan ko ng pumunta sa companya ko dahil may mga pipirmahan pa ako at pumayag naman sila.

Habang nagmamaneho ako ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong hinanap, tumatawag si mom.

"Mom?" saad ko.

"Sweetie, pwede bang dumaan ka muna dito sa bahay?" tanong ni mom sa kabilang linya.

"Sige po, papunta na po ako." saad ko.

Nagmaneho ako papunta sa bahay namin at nang makarating na ako doon ay agad akong pumasok sa bahay at nakita ko naman agad si mom. Nakipagbeso ako dito at umupo sa sofa.

"Anak, mawawala kami ng dad mo ng 2 or 3 weeks." saad ni mom. "Lahat ng mga kailangan pirmahan sa araw na wala kami ipapadala na lang sa company mo para ikaw na lang muna ang pumirma."

"Okay." maikling sagot ko.

May iba pang sinabi sa akin si mom. Nang matapos akong kausapin ni mom ay umalis na rin agad ako at nagmaneho na papuntang office ko.

Papasok na ako ng office ko at binati ako ng mga empleyado ko. Ngumiti naman ako sa kanila at binati rin sila. Pagpasok ko pa lang sa office ko ay may mga paper na ngang nandoon, hinanap ko sa loob ng aking office ang aking secretary ngunit wala akong nadatnan. Agad akong napatingin sa likod ko ng marinig ko ang yapak at hinihingal na tao.

"Ma'am, sorry po hindi niyo ako naabutan sa loob ng office n'yo." saad ng secretary ko.

"It's okay." saad ko.

"Sorry po talaga, ma'am." pagpapaumahin ulit nito."Ma'am nandyan na po pala lahat ng pipirmahan niyo."

Tumango lang ako bilang pag sagot at lumapit na ako sa table ko. Sinimulan ko rin agad ang pagpirma sa mga papel na nasa harap ko. Madami-dami ito kaya kailangan ko itong tapusin ngayon.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagpirma ng lumapit sa akin ang secretary ko.

"Ma'am, may gusto po ba kayong inumin?" tanong nito.

"Coffee please." saad ko.

"Sige po, ma'am. Bibili lang po ako sa may coffee shop ng coffee." saad nito at tumango naman ako.

Kalahati pa lang ang napipirmahan ko at pagod na ako. Sumandal muna ako sa swivel chair ko at tumingala saka ko pinikit ang mata ko. Maya-maya lang ay nakarinig na ako ng yapak hindi ko pa rin minumulat ang mata ko.

"Ma'am Crystal, ito na po 'yung coffee niyo." saad nito kaya minulat ko na ang mata ko."Ma'am may nagpapabigay nga pala nito sa inyo."

Iniabot nito sa akin ang isang bouquet ng bulaklak at paper bag. Pinalapag ko sa table ko ang mga iyon.

"Kanino ito galing?" tanong ko.

"Hindi po sinabi, ma'am." sagot nito.

Tumango at pinabalik ko na ito sa trabaho niya. Kinuha ko ang bulaklak at walang nakalagay doon na kung kaninong galing iyon kaya agad kong binuksan ang paper bag may laman itong isang box at may sobre. Hindi ko ito binasa dahil alam ko kung kanino ito galing.

Alam kong sa kaniya ito galing dahil siya lang ang madalas na nagbibigay sa akin nito noon. Bakit kailangan niya pa ako bigyan ng ganito ulit? Bakit? Kinalimutan ko na siya, bakit kailangan niya pang magparamdam ulit?

My Secret AdmirerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora