Six: Out of town

28 0 0
                                    

Hanggang sa makarating kami sa sinasabi niyang unit raw ng kaibigan niya ay di ko siya kinakausap.

"Eri sorry na.. Sorry for fooling around last night. Peace na tayo please?", sabi niya with matching puppy eyes. Di ko padin pinapansin.

Manigas siyang loko siya!

Pagpasok namin sa loob ng unit ay napa-wow nalang ako. Ang lawak at ang laki naman.. Dinaig pa yung nasa penthouse.

Wala siyang nagawa ng di ko parin pansinin yung pagsosorry niya. Napilitan siyang lumakad sa kwarto at ayusin na lamang ang mga dadalin niya. Grabe..

Kahit kelan talaga padalus-dalos siya. Nakatingin lang ako sakanya habang nakaupo sa couch na sobrang laki.

Panay lang kasi ang silid niya sa mga damit na kinukuha niya sa loob ng maleta.

Wish ko lang may maisuot siyang matino kapag andun na kami.

Maya-maya ng matapos siya ay isinara na niya ang maleta at walang pasabi na naghubad ng suot niya T-shirt.

I stare at the floor pero wala pasaway talaga itong paningin ko. While he was busy changing his top ay pasimpleng tingin naman ako. Ngayon ko lang na appreciate ng sobra..

Ang katawan niya.. Ang ganda pala. May abs siya at..

"I'm done. C'mon", I heard he said. Napahinto tuloy ako sa pagpapantasya. Pagpapantasya?

What? Ako nagpapantasya sakanya? Nainis akong bigla.

Then I saw him smiled.

"What? Anong nakakatawa?", I said on an irritated voice.

"So.. How the view just now?", sasagot sana ako dahil alam ko ang ibig niyang sabihin. Nahuli pala niya ako na nakatingin sakanya. Ganun?

Pero pinangunahan na naman ako ng inis.

"What do you mean?". I raised an eyebrow.

I saw him pointed his fingers at the window infront of me. Sa tapat pala ng couch kung saan ay nagbibihis siya at kung saan ako nakaupo ay may malaking bintana.

Okay..

Tameme na naman ako. Na-boom panes ako dun ah. So what he means ay yung view sa bintana niya??

Sa sobrang kahihiyan na nadama ko ay nagpasiya ako na mauna ng lumabas. And I saw him smirked. Ugh!

Ang salbahe mo talaga! And I frowned.

Pagkalabas ko akala ko susunod na siya but I've waited a few minutes bago siya tuluyang iluwa ng pinto.

Natulala ako.

He was wearing a blue v-neck shirt that is tightly hugging his arms.

A pair of sunglasses and a denim pants.

Ngayon ko lang napagtanto na hindi pa talaga si Baby boy.. Este Justin ang definiton ng pagiging presko at gwapo.

"Hey let's go, I'm done", walang lingon-lingon na sabi niya at lumakad papalayo sa unit niya ng mai-lock na iyon.

Di ako nakakibo. I just end up following him and staring his back at the same time.

Bigla siyang huminto. Di ko iyon inaasahan kaya nabangga ko siya. Dahilan para magulat siya.

Ano ba'ng nangyayari sayo Eri!

Pumihit siya paharap ng mabilis para alalayan ako.

"You okay?", his face look worried kaya agad akong sumagot.

My Absolute LoverWhere stories live. Discover now