Four: Closed contract

16 0 0
                                    

Tinanghali ako ng gising. Patay!

"Oh my! Anong oras na bakit hindi ka nag-alarm?", ako na sinisi pa yung cellphone sa di niya pagiingay para magising ako. Maya-maya ay bigla na lamang akong nakaramdam ng pangangawit ng binti.

Kaya naman pala.. May nakadagan saakin. Isang maputing, medyo mabalahibong mga binti.

Teka..

And suddenly, all the things that happened last night registered in my mind that instant.

OH MY! MOMAY!

Marahan kong inalis ang takip ng kumot sa bandang ulunan ng malaking mamang nakadagan saaking mga binti.

And there, reality hits me for the second time. He's sleeping peacefully and I dont know pero ayoko siyang gisingin para lang pagsisigawan dahil sa nafru-frustrate ako sa mga nangyari kagabi.

Na kesyo galing siya sa website na 'Rent-a-Lover' ang title. At ako ang kauna-unahan nilang customer kaya may free fifteen days trial ako. At eto pa.. Pwede ko raw gawin sakanya ang lahat.

Ng makaalis ako sa pagkakadagan niya ay agad kong tinungo ang silid ng kapatid.

Wala na si elisse doon. Pumasok na sa school, ang sipag talaga ng kapatid ko kaya ang sarap magtrabaho e.

"Umalis na si bunso?".

I almost jump in surprise. Nasa likod ko na pala siya. Di na ako nakapalag pa ng bigla niya akong yakapin patalikod.

"Wait, ano ba? Let me go!", panay ang tanggal ko ng kamay niya sa pagkakayakap saakin pero malakas siya at ayaw niyang paawat.

"Why? Hindi mo ba gusto yung ganitong morning greeting? What do you want, this?".

Laking gulat ko ng bigla niya akong hinarap sakanya para bigyang ng kiss sa noo.

Oh well.. Kinilig ako doon. Akala ko kasi magiging aggressive na naman siya tulad kagabi eh.

After that kiss ay pumunta siya sa kusina para magluto. Magluto? Aba! At home na at home na siya ha!

Ang tanong pumayag ba ko sa 15 days trial?

Maya-maya ay may kumatok. I opened it at isang lalaking di pamilyar ang nasa tapat ng pintuan.

He's carrying a suitcase. Pormal ang kasuotan. Mukhang abogado, and mukhang big time.

"Are you ms. Ericka Janine Fontillejo?", nagsalita ang di kilalang mama.

I nodded at laking pagkamangha ko ng basta-basta na lamang siyang pumasok sa loob. Inilatag niya ang suitcase, binuksan yun at naglabas ng mga papeles.

"Baby, sino yung kumakatok?",

Tanong ni Mamang gwapong siraulo.

Baby, baby ka diyan. Matanda na ko noh!

Tsk! Sakit talaga sa ulo yung webpage na yun. Naman eh.

Ng makita ni Mamang ano yung bisitang lalaki na kadarating lang ay agad itong lumapit at sabay silang umupo sa sala. So nakigaya narin ako. Ano bang meron na naman!?

Now I am facing both of them. Mukhang magkakilala sila.

"Ms. Eri Fontillejo meet Daniel Philip. Yun ang pangalan na ibinigay mo sakanya right?", yung mukhang abogado.

Naalala kong bigla na may name nga rin palang included doon sa na fill-out ko kagabi sa website.

I nodded again. So?

"We sent him to you dahil sa natanggap naming response saaming website last night. Ikaw ang kauna-unahan naming customer kaya nagpasya kami na bigyan ka ng 15 days trial for free", pagkukwento niya.

I saw mamang ano na parang siraulo winked at me. I just rolled my eyes.

"Look, trip lang yung ginawa kong pagfill-out ng form sa website niyo kagabi. And this man.. Baka mamaya may nakakahawa pa siyang sakit eh. Hello, I know I have no boyfriend since birth pero di ako ganon ka desperado para umupa pa ng lalaki na magmamahal 'KUNWARI SAAKIN'. So please lang.. Just leave me", I emphasized the word Kunwari. Nakita ko naman na nagbago ang ekspresyon sa mukha nung lalaki. He frowned actually.

Ngumiti lamang yung mukhang abogado saakin.

"By the way sorry for being rude. I am Jack. He's agent. Humahawak ng mga nagiging client niya. Okay Ms. Ericka.. Malinaw na saamin lahat. Kapag pumirma ka sa kontratang ito, it means na isinusuko mo na ang 15 days free trial mo", then he showed me some papers na kelangan ko raw pirmahan nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

Si Cass tumatawag..

"Excuse me sagutin ko lang", I said to Mr. Jack

"Girl you need to make a decision now. Mamayang madaling araw pala ang alis natin kung sakaling makakasama ka. Unexpected pero naipagpaalam na kita kay boss. Ano makakasama ka ba?", di ako nakasagot.

"Girl di mo kelangan magdala ng lover hello, promise di ka maa-out of place doon. It is a beach.. Saka si Marco at Eric di naman maharot at aggressive na katulad ni Justin kaya di sila nakakailang kasama diba", di ulit ako sumagot.

"Hello, are you listening? Sana makasama ka. Please Eri?".

Bago ako magsalita ay nahagip ng paningin ko si Daniel. Naman.. Bakit ba kasi naimbento ang salitang 'INGGIT' eh. Kotang-kota na yun saakin eh

"Okay I'll go", di naman maintidihan si Cass sa kabilang linya dahil sa sobrang tuwa.

Nagpasya akong wag ng pirmahan ang kontrata. It means.. Tinatanggap ko na ang 15 days free trial ko. It means din na may makakasama ako sa out of town na lakad namin mamaya.

I felt happy for the first time. Ewan ko pero bigla nalang akong nagkaroon ng realization ng tumawag si Cass kanina. Bakit hindi nalang kasi pagbigyan ang 15 days trial diba?

Wala namang mawawala saakin.

"Seriously? Tinatanggap mo na ko sa buhay mo for 15 days?", natawa ako ng bahagya. Ang weird niya talaga.

Akmang lalapit siya at yayakapin ako ng bigla ko siyang pinahinto.

"Hanggang diyan ka lang".

Wala siyang nagawa kundi ang umupo ulit.

"Its nice to hear na pwede ko nang i-closed ang contract natin Ms. Fontillejo", mabilis nitong binawi ang papel na kanina ay inabot niya saakin. Inilagay iyon sa suitcase na dala at tumayo na.

I saw Daniel smirked. He's looks are playful. Nakoooo.. Tama ba ang naging desisyon ko?

Bago makalabas ng pintuan si Mr. Abogado ay nagkatinginan muna sila ni Daniel. Nodded and both smiled to each other. Kung di lang mukhang kagalang-galang si Mr. Jack na abogado iisipin ko na may hidden agenda ang pagpunta niya dito eh.

My Absolute LoverDonde viven las historias. Descúbrelo ahora