09

1.4K 86 21
                                    



"The heck! Why are you wearing an engagement ring?! Gosh, masyado pa kayong bata. Look, turning 18 ka pa lang, baka matanda 'yung fiancé mo!"



Karlyn seemed so shocked and worried at the same time. Nagtatampo nang kaunti. Sabi na, e. Bakit ko nga pala naisuot itong bwiset na ring na 'to? Ah, I remember na. My mom told me na suotin na para raw wala nang aagaw sa amin na kahit sino. Pinigilan ko naman siya, kaya lang may lahing makulit. Masama sa loob kong sinuot 'yon.



Hindi ko naman hilig mag-kwento tungkol sa nangyayari sa buhay ko. Hindi sa lahat kailangan i-kwento ko, uso rin privacy.



Panibagong araw, panibagong kaboringan na naman ang magaganap. Lagi na lang ganito, kaya ang buhay ko ay boring. Ni hindi man lang ako napapa-away. Wala man lang ka-thril. Sumali kaya akong gang? Manghamon ng laban sa Underground? Nice, Lily. Talino mo talaga, maganda ka pa.



Charot! Nag-iisip lang ako pampawala ng inip sa buhay. Nakakatamad kaya makinig sa klase, puro matatanda na, e. Minsan, napapagalitan nila ako dahil puro tulog ginagawa ko sa loob. Ano ngarod sa labas? Joke. Nasasagot ko naman mga tanong nila.



Kung para sa iba, ilang minuto bago makapag-isip nang isasagot, ibahin n'yo 'ko. Kahit tulog ako nang tulog, naga-advanvce reading naman ako sa bahay.



Itinago ko na lang sa bag ko ang singsing baka maiwala ko pa, ako pa may kasalanan. Narito na pala ang professor naming mukhang kinulang sa kape kaya nakakaantok ang pagtuturo niya.



"Lily, hey. Masama tingin sa 'yo ni prof." Kinalabit ako ni Yena na nasa kanan ko. Napatingin naman ako kaagad sa unahan.



"Are you listening?" I just yawned at him. Gusto ko lang maasar siya. Saka may halong totoo na rin 'yon.



"Nope," lumaki butas ng ilong niya sa naging sagot ko. "Lods! Kailangan mo na atang uminom ng kape, o kaya ng energy drink para naman may sigla kang magturo 'di ba?" I giggled.



Malakas na tumawa ang mga kaklase ko dahil sa narinig. Seryoso anong nakakatawa roon? Mga baliw ampota.



"Tahimik! Sinong nagsabing tumawa kayo?!" Natahimik naman sila. "At ikaw naman! Grr sarap mong ibalibag bata!"



Grr pala. Mas bagay ang rawr.



Sa sobra niyang inis bumalik na lang siya sa pagtuturo. Makinig daw kami dahil tatanungin niya kami ng mahihirap na tanong. Sobrang hirap na nakadudugo raw ng utak, chos. Nakinig na lang ako nang mabuti baka lumabas na naman usok sa ilong niya, mahirap na, ano.



"As what I've said, magkakaroon tayo ng recitation quiz. You will answer it within 3 minutes, if not, minus 10 direct to the card." Nilibot niya ang paningin sa kabuuan. "Ah, there. Please stand up Kart."



"Can you explain why people should value their lives?" He raised a brow.



Nakapamulsa at bagot siyang sumagot. "Life is valuable. Kailangan nating pahalagahan ang buhay na binigay sa atin. We should know how to handle our life and enjoy also."



Wala pang sinasabi na umupo siya but he chose to sat down not minding our professor. Napabuntong-hininga na lang siya at nagtawaga ulit ng iba.



"Oy! Paano mo 'yon nagawa? Lods ampota." My tropa asked me, raising a brow. "Sabagay, wala namang takot na mayroon sa katawan mo."



Trouble on the Spot (Teen Series #1)Where stories live. Discover now