030

36 3 8
                                    

Lou's pov

"Grabe ang tagal naman ng elev dito," pagrereklamo ni Ysa habang abala sa paglalagay ng pulang lipstick sa kanyang labi. Kanina pa siya ganyan.

Feel ko nga gusto na siyang sapakin ng bantay sa elevator kanina pa, hindi lang magawa. Pinagtitinginan na rin siya ng ibang mga tao pero wala talaga siyang pake. Kala mo siya may-ari ng mundo.

Pinagmasdan ko rin tuloy siya, mula ulo hanggang paa. Halos mapairap pa ako sa gayak niya. Naka-black pants, cute na tube at full face make-up. Prepared na prepared ang awra ng gaga, sana all.

Tiningnan kong mabuti ang suot ko. Keri naman. Plinantsa ko naman itong pantalon ko kanina bago kami umalis. Bagong laba at amoy downy rin naman ang suot kong tank top.

Sa totoo lang, ayos naman eh. Meron lang talaga sa loob-loob ko ang nagsisisi. Sana pala kasi pumayag na akong magpa-winged eyeliner sakanya kanina. Para nakaka-bad bitch.

Chos.

"Nakakainis. Ngayon pa ko nawalan ng ganito," Biglang bulong ni Ysa habang tinatanggal ang natirang isang false eyelash sa mata niya.

Kahit sa loob ng elevator ay ramdam kong pinagtitinginan kaming dalawa. Actually, pati yung grab driver kanina kung tingnan kami parang iniisip na baliw kami pareho.

"Hindi ka ba kinakabahan?" Tanong ko sakanya nang mapansin kong pitong floor nalang ang natitira bago kami makarating sa floor ng condo unit ni Archie. 

"Hello? Sa ganda kong 'to kakabahan ako? Bakit? Para saan?" sagot niya at pagkatapos ay nag-hairflip pa.

"Gagi, parang nahihiya ko sa mga chat ko kay Casper, eh... " bulong ko sakanya pero mukhang hindi naman niya sineryoso dahil halos matawa pa nga siya. Kapal ng mukhang tumawa, hindi na nga mapakali kaibigan niya.

Kaya hindi crinushback ng kaibigan namin, eh. Hmp.

"Hoy ano? Kakatok na ko. Oks na ba?" tanong niya sabay siko sa tagiliran ko nang makarating kami sa condo unit ni Archie. Nakailang lunok muna ako bago tumango. Pinilit kong ngumiti nang kumatok na siya sa pinto.

Kung akala ko'y ready na ko, pwes,  doon ako nagkamali. Nang bumukas ang pinto ay halos manigas ako. Parang nakakita ako ng isang multo.

"C-casper..." mahinang bulong ko nang siya ang magbukas ng pinto. Halong ngumanga pa ang bibig ko nang bigla siyang magtaas ng parehong kilay at ngumiti sa akin.

Jusko, kung siya lang rin naman ang multo, handa na po ako huhu.

Until Words Aren't EnoughWhere stories live. Discover now