089

12 2 0
                                    

Warning: blood, sharp knife and curses ahead. Please be careful while reading.

Suji.

"Kanina pa nagchachat sa'yo si Junghwan, hindi mo nirereplyan." rinig kong sabi ni Mizuki at hinarap sa'kin ang phone ko.

Nandito kaming tatlo ngayon sa gilid ng pool habang ang ibang estudyante ay abala doon sa hot spring.

"Totoo na ba talaga 'yan? Aalis ka na talaga?" pagtataas naman ng tanong ni Lei.

"Si Ate Hillary na ang nagsabi. Kilala mo naman 'yon." si Mizuki na ang sumagot at napabuntong hininga.

"Kung babalik ka na ng China, sino na ang makakasama namin?" nilingon ko ang dalawa habang pareho silang nakayuko at pinapanood ang mga paa na nakababad sa pool.

"Susubukan kong bumalik dito. Promise 'yan." nginitian ko silang dalawa at napakagat sa labi.

Pinipigilan ko ang pagluha dahil may iilang nagagawi ang mga tingin sa amin. Malamig ang panahon at kaming tatlo lang ang nandito sa pool na naliligo kanina pa habang ang iba ay nagagawa pang mag-agawan sa hot spring at iilang hot shower.

"Kapag nagkaroon ng oras, kami na lang ang dadalaw sa'yo." hindi ko napigilang hindi matawa dahil ang kilala kong Lei na hindi umiiyak ay may luha na ngayon.

"Huwag ka ngang umiyak!" asar kong sabi at lalong naiyak si Lei.

"Yari ka, Suji!" natawa si Mizuki dahilan para ma out of balance siya at masama kaming dalawa ni Lei sa pagkakahulog niya sa pool.

Pagkaahon ay sabay-sabay kaming natawa dahil pati ako ay naluha na. Paniguradong mamimimiss ko ang dalawang ito.

Ilang oras pa kaming nagtampisaw sa malamig na pool at nagdesisyon na kumain na muna sa buffet. Nakakaramdam na ako ng antok kaya pagbalik sa sariling cabin ay agad akong naligong muli at nagbihis ng panggabi.

Pagkahiga sa malambot na kama ay agad din akong hinatak ng antok.

Nagising na lamang ako sa madilim na kwarto at inabot ang phone sa gilid ng kama. Alas otso na ng gabi at nakita ko ang mga missed call ng dalawang kaibigan limang minuto ang nakalilipas.

Nireplyan ko sila na susunod sa buffet na inihanda at maghihilamos na muna bago tumuloy. Binuksan ko ang ilaw ng buong cabin at dumiretso sa cr para maghilamos.

Habang binabanlawan ang mukha ay nakarinig ako ng mga yapak galing sa labas. Hindi ko na rin iyon pinansin dahil baka guni-guni ko lang. Naisip ko rin na magkakadikit lang ang mga cabin kung kaya't hindi na rin ako nabahala pa.

Pagkatapos magbanlaw ng mukha ay inangat ko na ang mga tingin ko sa salamin at nagulat nang makitang nakatayo sa likuran ko si Riva na wagas ang ngiti at may bahid pa ng mga putik sa mukha at katawan.

Hinarap ko siya at nanlaki ang mga mata ng bigla siyang napaluhod at umiyak.

"Suji..."

Umatras siya at tumayo, sinundan ko naman siya at agad na isinara ang pintuan ng banyo at inabot ang phone sa gilid na lamesa.

Habang nakatalikod siya ay agad kong tinawagan ang numero ni Lei. Automatic na ang phone ko na tatawagan ang numero ni Lei hanggang sa siya ay sumagot. Nakamute ang boses ni Lei sa call kaya kahit sumigaw pa siya ay hindi maririnig ni Riva o kahit ako man. Pero ang mga boses namin ni Riva sng maririnig niya.

"Bakit ka pa dumating sa buhay namin? Bakit ka pa dumating sa buhay ni Junghwan!" sa lakas ng boses niya, alam kong maririnig na siya ng ibang estudyante na mapapadaan sa cabin ko.

Nang lingunin niya ako, agad niya akong sinugod at sinakal. Napapikot ako ng mas hinigpitan niya pa ang sakal na ginawa at hindi na makahinga.

"Riva!" may mga narinig na akong katok at nagsimula na akong lumuha.

Sinarado niya ang pintuan ng cabin ko kaya napipilitan ang mga tao sa labas na bungguin nang malakas ang pintuan para masira.

"Suji!"

"Narinig mo iyon? Boses ni Junghwan 'yon, Suji." nginitian niya ako at hinigpitan pa ang pagkakasakal.

Hinampas niya ang ulo ko sa pintuan ng banyo at hinampas pang muli. Nakaramdam ako ng hilo at kirot sa kanyang ginawa.

Nang mabuksan nila ng tuluyan ang pintuan ay doon na ako sinaksak ni Riva sa tagiliran at inalis niya iyon na siyang ikinagulat ko.

Sinakal niya akong muli at hinarap sa mga kaibigan. Nanghihina na ako at alam kong ano mang oras ay hindi ko na kakayanin.

"Suji!" tanging mga hikbi na lang ang naririnig ko dahil hindi ko na maidilat ang mga mata ko.

"Tama na, Riva!" sigaw ni Junghwan at narinig ko ang mga yapak niyang papalapit.

Sinubukan kong magsalita, "Huwag kang lalapit." bulong ko at pinilit na idinilat ang mga mata.

"Dito pa talaga kayo sa harapan ko magmomoment?" naramdaman kong wala nang tigil ang pag-agos ng aking sariling dugo sa sahig dahil natatanaw ko na ito.

"Tatanungin kita, Junghwan." mahinahon na sabi ni Riva habang mahigpit pa rin ang pagkakasakal sa akin.

"Ako o si Suji?" natahimik ang lahat dahil sa tinanong ni Riva.

"Bullshit! Sumagot ka dahil kung hindi, alam niyo ang mangyayari kay Suji!"

Ilang minuto ang lumipas at nandilim na ang paningin ko. Bumibigat na rin ang paghinga ko dahil sa ginagawa ni Riva.

Hindi ko na rin naigalaw pa ang katawan ko nang ihagis niya ako sa gilid at tumama ang ulo sa matigas na upuan.

Baby Picture: S. JunghwanWhere stories live. Discover now