Prenteng nakaupo si Gian sa sofa. Inaasahan na kasi niya ang pagdating ni Stacey. Walang siyang ibang inaasahang dumating ngayon. Wala ng iba pa kundi si lang. Alangan namang mga bisitang nalate lang ng dating. Kanina pa tapos ang salu-salo.
Stacey's POV
Hapung-hapo na ang buong katawan ko. Sino ba namang normal na tao ang di mapapagod sa mga pinagdaanan ko ngayong araw. Parang binubuntutan ako ng kamalasan. Wala naman akong balat sa puwet ahh..
Nasa harap ko na ang gate. Pipindutin ko na sana ang doorbell nang..
Umihip ng pagkalakas-lakas ang hangin. Patunay nito ang pag-angat ng palda ko. Nalantad tuloy ang panty ko na puti DATI. Ngunit kulay brown na ngayon dahil kanina. Wala akong pakialam. Wala namang ibang tao.
Magkahalong gutom, at pangangati ang bumabalot sa napapagod kong sistema. Ang kati ng buong katawan ko. Especially yung nasa LOWER PART.
Di ko na pinansin ang palda kong naka-angat pa rin. Basta't ang importante ngayo'y makaligo na ako at makakain. Kaya't di ko na ito patatagalin...
dingdong...
dingdong...
dingdong...
Makailang ulit na akong nagdoorbell. Pero tulog na ata sila. Wala naman kasing nagbubukas ng gate. Gusto kong mainis. Pati ba naman dito sa bahay. Kailangan pa akong mag-effort para makapasok. Katulad kanina, buong tiyaga akong naglakad para lang makauwi.
" I'm helpless." Parang bulong na ang pagkakasabi ko ng mga katagang yaon. Hindi ko na maipaliwanag ang hapo na dinaramdam ko ngayon. Nauubusan na ako ng lakas.
Pero, buo na ang loob ko. Kailangan ng matapos ang dinaranas kong paghihirap at sakripisyo.
Kahit mahirap man pero kailangan.
Kailangan ko na itong gawin.
Ang mag-aala akyat bahay, ninja man o kaya'y gang. Wala ng iba pang options.
Inayos ko na ang palda ko. Iniangat ko na ang isang binti ko habang nakaharap pa rin sa gate. Papraktisin ko muna ang dapat kong gawin upang mabilis akong makakaakyat sa pader mamaya.
Angat isang binti. Isunod naman ang isa. Kaliwa kanan. Kaliwa kanan. Focus lang. Focus. Hanggang marating ang tuktok. Hindi uso ang salitang surrender sa akin.
Kasalukuyang nakaangat ang kaliwang binti ko nang...
Bumukas ang gate.
Dahil sa sobrang tuwa at galak, nalimutan ko na atang gumalaw. Na-freeze ang buong katawan ko. Pati kaluluwa ko. Nakataas pa rin ang binti ko.
Blaagg... Tunog iyon ng isinaradong gate.
Whatt?? Isinaradong gate????..
Naku hindi ito maaari.
"Teka muna Ya." Tila hindi niya nakilala ang boses ko. Namamaos na kasi ako.
Kaya naman bago pa mahuli ang lahat at ako'y magsisi. Pinigilan ko na ang kamay ni Yaya Soledad. Hinawakan ko ang kamay niya. Nagtaka ako bakit parang naninigas ang kanyang kamay.
Ahhh... Dahil yata sa shock. Di na ako magtataka. Naranasan ko na yan ehh....
Hinila ko na siya paloob sa bahay. Hindi na ako nag-abala pang sarhan ang gate. Babalikan ko na lang mamaya. What matters most now, ay ang makakain bago pa ako tuluyang mawalan ng malay.
Gian's POV
I could feel her presence now. Pero parang may iba eh. May masansang akong naaamoy. It's like bahong imburnal. O baka guni-guni ko lang. Na overdose lang ata ako sa kape.
"Bakit ngayon ka lang? I won't mind kung hindi lang sana kay Mommy. She's calling you from time to time checking on you."
Nagpapakalma lang ako ngayon. But honestly, right now, gusto ko na siyang bulyawan. I know it's not the right thing to do. It won't resolve the issue.
"But hey! Ang pagkakaalam ko hanggang 10 pm lang ang trabaho mo. Baka naman may pinagkakaabalahan kang iba. Don't worry I won't tell Mom. Basta't make sure that you won't cause a problem to her."
silence
Naiinis na ako. Sa haba-haba ng sinabi ko sa kanya.She didn't utter even a single word.
"Are you guilty Stacy? Tama ba ako?"
silence
"Silence means yes right? You're guilty!"
Napipi na ba siya? Iba talaga! Nakaupo pa rin ako sa sofa sa mga sandaling ito.
Hindi pa rin siya umimik kaya tumayo na ako at humarap sa kanya nang...
dahan dahan
Hanggang sa...
BBAHHH!!!!
Sinubukan niyang gulatin ako. Haha palpak. An epic failure!
Kung kanina parang hindi maipinta ang mukha sa galit. Ibahin niyo ngayon.
hahahahahhahaha.....
Parang mapupunit na ang mga labi ko sa kakatawa. Anong pakulo niya ngayon? She's crazy!
"Explain to me. What happened?"
"Ahmmm... Ganito kasi yun."
She explained everything. From A to Z. Pulang pula na ang mukha ko sa kakatawa.
"Maligo ka na. Ang baho mo!"
"Ehh.. Kanina pa ako nandito pero ngayon mo lang ako naamoy? "She smiles. Alam kong inaasar na niya ako.
"Don't you dare touch me. Nooo!!"
Before I could run, she already grabbed my hand. At yinapos ako.
What the...
Ahhh... Masusufocate na ako sa amoy niya. I can't take it any longer. Kaya naman, itinulak ko siya. Pero slight lang naman.
Para kaming mga batang naghahabulan sa sala hanggang sa dining area. I've never been this happy all my life! It's great.
The best birthday gift ever. It is pure HAPPINESS.
"Naku mga batang 'to. Lumalalim na ang gabi. Huwag na kayong magkalat. Maligo ka na Stacey. Ikaw naman Gian, tulog na. May pasok pa bukas." Tinataboy na kami ni Yaya Soledad na balik na uli sa normal matapos makilala si Stacey.
What a night!!! Nakatulog ako nang may ngiting di mabura-bura sa aking mga labi.
A.N.
~ Ito muna sa ngayon guys. Na delay ang weekend update ko. Soorryyy poo. ^_~
~ Busy po kasi sa pagrereview. Responsible student kasi kuno.
~ENJOY reading!!!
YOU ARE READING
Checker's Note
HumorMagaling ako sa mga bagay-bagay, ngunit bakit ba hindi ko man lang makuha-kuha ang mga kaanik-anikan ng Math na yan.... Major PROBLEM ko ang subject nato. Tinik lang sa buhay ko. Kung sino man ang umimbento nyan... Pinahihirapan mo ang almost perfec...
