Chapter 17

2.5K 60 3
                                    

Chapter 17.

Tumakbo.

Days passed, lalong kong napatunayan sa sarili ko na gusto ko na si Wyatt, gustong gusto ko siya.

''Zelie..." Rinig kong tawag ni Wyatt sa akin.

Nandito kami ngayon sa seven eleven, nakain. Dito niya daw gusto dahil first time daw nia dito. Nandito kami sa isang seven eleven na tago at hindi dun sa Bayan na binilhan ko dati. Nandito kami sa tabi ng elementary school sa may Plaza.

Oo, nandito kami sa plaza na kung saan, nakatayo ang munisipyo ni mayor. Malapit kay Mayor pero mas maunti lang ang nakakakilala sa kanya dito kaysa sa kabilang branch, sa may Bayan.

Dalawang seven eleven lang ang nandito sa Alaminos, yung iba nasa Sta. Rosa, Calamba or nasa karatig lugar namin. Ang SM dito ay dinadayo pa sa San Pablo dahil walnag SM dito sa Alaminos. Maliit lang ang Alaminos, halos 'di ito makikita sa mapa ng Region Four—A, pero sobrang malinis at tahimik na lugar.


I wonder kung anong mangyayari sa Alaminos kung si Wyatt na ang naka-upo. Kung siya ang uupo ngayon  marahil siya ang pinakabatang Mayor ng Pilipinas na naupo. Nasa twenties palang siya at kung di ako magkakamali  ay tatakbo na agad siyang Mayor ng A|laminos.

Malakas ang hatak ni Wyatt sa Alaminos at sure akong mananalo siya agad. Kahit di siya tumakbong konsehal or bise mayor ay mananalo na agad siya. Malakas ang hatak ng mga Coronado sa Alaminos, kilala siya sa buong syudad bilang mauti at magaling na nagpapatakbo dito.


Mahal na mahal ng mga taga-Alaminos ang pamilyang Coronado, sikat din sila at madaming naghahabol sa kanila. Madaming nagtatanong kung bakit ayaw nilang tumakbo bilang Governor ng Laguna pero lagi nilang sinasabi na ayaw nila sa mas malaking hahawakan, kuntento na sila sa Alaminos.

I wondr kung si Wyatt na ang u-upo. Shocks, ngayon palang madami ng babaeng mahuhumaling sa kanya. Sa kakisigan ba naman ni Wyatt at angking kagwapuhan, sinong 'di mahuhumaling diyan? Oh well, sa akin siya nahumaling pero 'di nga lang naamin pero nahumaling talaga yangt si Wyatt sa akin! I claim it! Gusto din ako ni Wyatt, shy type lang
talaga itng si Wyatt.


"Zelie!'' Napatalon ako sa gulat ng sinigaw ni Wyatt ang pangalan ko, as in sinigaw! Sigaw!

"What?" Tanong ko.

"Kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka lang diyan. Are you bored?"

Umiling iling ako. "No, I'm not. May naisip lang ako."

"Care to share?" Tanong niya.

"Naisip ko lang kung— holy shit!" Naamura ako sa kalagitnaan ng sinasabi ko dahil nakita ko si Mayor na papunta dito sa seven eleven.

Puta na this!

"What? Anong naisip m—?"

Hindi ko na pinatapos si Wyatt at hinila ko na siya patayo at pumuntang dulong shelf ng seven eleven.

"Why?" Rinig kong tanong ni Wyatt sa tenga ko.

"Si Mayor, papasok ngayon dito." Bulong ko kay Wyatt.

Shit! Paano na kami makakalabas nito? Para kaming tanga na naka-ub-ob dito sa huling shelf at nag-uusap. Halatang may pinagtataguan kami!

Nakita kong sumilip si Wyatt sa itaas at napalaki din ang mata niya sa nakita. Marahil nakita na niya si Mayor na naglalakad lang din sa dito.

"Papunta si Dad dito sa last aile. Anong gagawin natin?" Tanong niya.

''Lumipat na lang tayong aile and then pagnandito na siya sa dulo tara na't lumabas agad agad." Sabi ko.

"Paano 'yung pagkain natin doon sa lamsang naiwan natin?" Tanong niya.

"'E 'di kukunin natin pag nandoon na tayo sa may lamesa at tumakbo na tayo palabas, bayad na naman 'yun kaya don't worry." Bulong ko sa kanya.

"Ayan na si Dad!" Pasigaw na bulong na sabi niya.

Nakayuko kaming pumunta sa may unahang aile namin at doon muna umi-stop dahil may mga tauhan din si Mayor na kasama niya at sure akong makikilala nila si Wyatt.

Naglakad papuntang malapiut sa amin ang mga kasama ni Mayor kaya nakatungong nagtlaikad na kami papuntang lamesa namin at 'dun kinuha ang mga pagkain.

"Oh shit!" Bulong ko na mayb pumasok na namang naka coat and tie, marahil kasama ni Mayor kaya tumakbo kami sa may aile na naman at doon nakatungo.

Hinintay naming makalapit ang kasama ni Mayor sa kanya at doon kami tumakbo palabas ni Wyatt sa seven eleven.

Tumakbo kami hanggang sa may hagdan ng plaza sa may pinakadulo na malapit sa may highway. Hingal na hingal kaming napa-upo 'dun.

"Muntik na tayo makita nila Dad. That was intense, Zelie." Natatawang saad ni Wyatt.

"Oo nga, ni hindi ko nga na imagine na pupunta sa ganong lugar si Mayor, nasa isip ko na magpapa-utos na lang siya sa mga guards niya para bumili ng pagkain niya." Sabi ko.

''I know, kaya nga okay lang sa akin na 'dun tayo pumunta kahit malapit sa Munisipyo pero, ganon na nga, biglang dumating si Dad!"

"Okay lang 'yun, dito na lang natin tapusin ang pagkain." Binigay ko sa kanya ang pagkain niya kanina at nagsimula kaming kumain sa may hagdanan!

Grabeing date 'to! Napaka-intense! Daig pa namin ang nasa movie sa nangyari sa amin! Nakakaloka! Ganito pala pag kasama si Wyatt!

"Zelie..." Tawag niya sa akin.

"Hmm? Bakit?" Tanong ko.

"Ngayong nalaman mo na ang mga pwedeng mangyari kasama ako. Like kanina, 'di tayo pwedeng magpakita kay Dad kasi alam nating pareho na malalayo tayo sa isa't isa kaya tumakbo tayo ng mabilis papunta dito. Now Zelie, gusto mo pa rin ba ang ganitong set up?" Tanong niya.

Di ako makasagot sa tanong niya. Para akong tinamaan ng kidlat sa sinabi niya. Oo nga 'no? Simula pa lang ito ng pwedeng mangyari sa amin ni Wyatt.

"Parang kaharian ni Dad ang Alaminos, madaing siyang mata sa paligid at madami siyang pwedeng utusan na bantayan ako."

Napahinga ako ng malalim dahil 'dun.

"Sana 'di ka mapagod tumakbo kasama ako. Sana 'di ka mapagod na itago ako. Sana sabay nating harapin ang galit ni Dad pagnalaman niyang nagkikita pa rin tayo. Zelie, wag ka sanang mapagod sa akin."


Tumulo ang luha ko pero isang  butil lang. Napakasakit naman ng sinasabi ni Wyatt but in the same time, so romantic.


"Oo Wyatt, 'di ako mapapagod, hinding hindi ako mapapagod tumakbo lalo na't ikaw ang nakataya."


__________________________
Tonyjade.

Vote ang comment.

ALS2: Hiding The Mayor's ChildWhere stories live. Discover now