Atras, Abante

1.9K 43 12
                                    

Ano ba yung dapat kong gawin? Should I give him a second chance para mabago ang lahat? Natatatakot ako. Sobrang natatakot. Ayoko na talagang masaktan pa.

Pero mahal na mahal ko ang mga anak ko. Gusto ko silang mabigyan ng Buong Pamilya. Ayokong nalulungkot sila. Ayokong na iinggit sila. Ayoko ng ganon.

Kaya napagpasyahan ko ng makipagkita kay Rocky.

Lord sana naman tama tong ginagawa ko. Sana tama po yung pinili kong desisyon. Wag niyo pa sanang hayaan masaktan ako ulit.

Ito papunta na ako sa dati naming tagpuan noong kami pa.

Tanaw ko na si Rocky. Likod palang niya kilalang kilala ko na. I used to be in his arms. Ramdam ko din yung pagmamahal niya noon pero hindi ko alam kung ba't na kaya niyang iwan ako. Kami noong nalaman niyang buntis ako.

Nakita na niya akong papalapit. Masaya siya. Sobrang nakangiti. Mabuti pa siya masaya.

'Leaaaaa!'sigaw niya.

'Ro-rocky' na uutal pa ako.

'Lea, bibigyan mo na ba ako ng second chance? please baby.'  ano ba to? tama yung makipagkita ako? kaya ko ba?

'Ro-ckyy, ano kasi. Ano ba yun.' Ano ba? Ba't hindi ako makapagsalita? Nanginginig ako.

'Baby? Okay ka lang?' tanong niya akmang hahawakan niya ako.

'Wag mo kong hahawakan!'sigaw ko. Hindi ko alam pero sobrang natatakot ako sa desisyon kong to. Ayoko hindi ko kaya.

'Lea, ano ba. Wag ka naman ganyan! Alam kong mahal mo pa ako' sabi niya.

'Mahal? Sa tingin mo mamahalin pa kita? Katapos yung mga ginawa mo samin?' AYOKO. AYOKO na talaga.

'Lea, nakipagkita ka dba sakin kasi bibigyan mo kong ng karapatan para sa mga anak natin. Para sa pag asa na magkaroon tayo ng pamilya? sabi niya.

'Pamilya? Kaya mo nga ba Rocky? Kaya mo nga bang panghawakan ang mga responsabilidad mo?' kilala ko siya. alam kong wala siyang alam. wala siyang balak mag kapamilya. dahil isa siyang taong ayaw magkaroon ng responsabilidad.

'Leaa naman.' sabi ko na ee.

'Nagsasayang lang pala ako ng oras dito' naluluha na ako. 'Ba't pa kasi nakipagkita pa ako sayo? Ee alam ko naman pala yung mga sagot mo? Ikaw maging tatay? Ni hindi mo.nga matanggap ang mga anak mo sa una. Dito pa kaya? Hindi na ako aasa sayo.' nasasaktan ako. sobrang nasasaktan.

'Pero Lea kakayanin ko. Maawa ka naman mga anak ko yun' kakayanin mo? Walang hiya ka.

'Ganun ganun lang yun Rocky. Pero sorry ha. Tinatapos ko na to ngayon din.' di ko na kaya, kaya pinagpasyahan kong tumakbo nalang papalayo sa kanya. mabigat na yung mga mata ko. alam kong aagus na yung mga luha ko.

Takbo ng takbo lang ako.

Hindi ko alam kung san ako pupunta.

Bahala na yung mga paa basta gusto kong mapalayo. Mapalayo sa mga nakakasakit sakin.

'Araaaaayy!' araaaay din no! nagdradrama ako ! ba't ba kasi hindi tumitingin sa dinadaan! alam niyang hindi ako nakatingin ee!

'Ano ba miss! Hindi ka nag shoshooting dito! Kalsada to! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!' waaaaah! na iiyak na naman ako! alam ko namang kasalanan ko!

Nakatakip parin yung mga kamay ko sa mukha ko. Nakakahiya.

'Ano ba miss, Uupo ka lang ba talaga dyan? madumi dyan. Ampupu mga babae talaga' sabi pa niya!

Kung alam niya lang kung ano yung pinagdadaanan ko. Sobrang sakit kaya!

Yung nandoon kana. Tapos umatras kapa.

'Ano miss, Iwan nalang kita dto. Bahala ka dyan. Hayss. Kaya ayaw kong makipag relasyon sa mga babae mga sakit ng ulo!' abaa kuya ha! sumusubra kana. kaya tumayo na ako. Haharapin ko tong sobrang yabang!

Tatayo na sana ako ng makita ko ang mukha niya.

SHIIIT ! Sabi ko sa sarili ko. Nanaginip ba ako? Pwede bang mahimatay ngayon?

'Ano miss? Nganga ka naman ngayon? '

- -

Hello po! Sorryy po kung mabagal po akong mag update.  Naging busy lang po sa school.:))

Abangan niyo po tong istorya. pasensya narin po sa mga errors din.

Lablab PBBR.<3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon