SecondChance?

1.4K 24 2
                                    

I dont know kung ano ang gagawin ko. Masakit kasi alam kong ako mismo yung bumitaw. Pero ayoko na naman kumapit sa mga pangako nya. Kasi alam ko sa huli ako parin yung talo. Mahal ko siya alam niyo yun. Pero ayoko na. Pagod na ang puso ko.

'Mommy? Are you okay?' tanong ng anak kong babae.

Sa lagay ko ngayon. Maswerte parin ako. Kasi nandito yung mga anak ko. Mahal na mahal nila ako. At alam kong hindi sila mawawalay sa piling ko. Sila lang ang meron ako ngayon at hindi ko hahayaang mawala pa sila.

'Yess babyy. Okay lang ako:))' sagot ko sa anak ko.

'Mommy, It's alright. Nandito po naman kami ee. Mahal na mahal ka po namin.' hayss. sweet ng baby girl ko.

'Kahit nga po hindi na namin siya nakilala okay lang po yun samin. Pero mommy, masakit rin kasi samin kasi nga kailangan din po namin ng Daddy.' dagdag niya ulit.

Kung alam niyo lang gusto ko rin ibalik ang daddy niyu pero ayoko ng masaktan pa.

'Baby. Sorry ha? Alam niyu naman kung bakit ginagawa ni Mommy to. Diba? Nasanay na tayong wala siya dba? Kaya natin to.' sabi ko.

'But Mommy, Gusto po namin ng Daddy' sabi naman ng anak kong lalaki.

'Mga anak, gustohin man natin. Ee malabo yun. Sa simula palang iniwan na tayo, sa pangalawa pa nga?' sabi ko naman ulit. Totoo naman. Hindi ako.naniniwala sa mga second chance na yan. Kasi alam ko naman sa huli talo parin ang nagbibigay ng chance.

'Mommy, wala pong masama sa Second chance. If you really love that person. Hindi ka po magsasawa bumigay ng Chances.' sabi naman ng babae kong anak. Hayss. ano ba to, ba't pinapahrapan pa nila ako?  Gusto nga ba nila bumalik ang Daddy nila?

'Mommy, Si.God nga po hindi nagsasawang magbigay nga Chances saatin. Katulad.nalang ng mga pagkakamali ng mga tao dito sa mundo. Hindi nga po siya nagagalit. Instead po pinaparealize nya satin ang mga bagay bagay na mag papalinaw sa mga isip natin.' OhhmyGod. At saan napulot ng mga anak ko ang mga salitang to? Wala akong maisagot sa kanila.

'Mommy, there is always a second chance. You just have to accept it mom.' sabi naman nila.

Ba't ganun parang nagugulahan ako? Second Chance?

'Mommy, hindi ka namin po pinipilit pero gusto po namin mabuo tayo.' dagdag pa nila.

Alam ko gusto ng maanak ko ng buo ng pamilya pero maibibigay ko ba yun sa kanila?

THE PROMISEजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें