"Ayoko muna pumasok gabby.." biro ko, pero alam kong hindi niya ko papayagang umabsent.








"Gabb, may gagawin ka ba?" Tanong ko habang kinukusot kusot ang mata ko.







"Ah wala pa naman.." sagot niya.






"Ihatid mo ko Gabb.."






"Sure!"






GABB's POV.

Pagkatapos kong ihatid si Coleen, agad akong bumalik sa unit namin.
Naglinis muna ako dito sa bahay habang wala pang masyadong ginagawa, pumunta na rin ako sa masungit na landlord para magbayad ng utang.









12:pm na, naisipan ko ng magluto. Kakapractice ko natuto na akong magluto kahit papaano.

Hindi kasing sarap ng luto ni Coco. Sinasadya ko talagang wag sarapan ang luto. Kaumay naman pag masarap ka na nga, masarap pa luto mo.





Hayss! Gabrielle kaya napagkakamalan kang ulam e.








Darating na si Coco maya mayang 3pm.
Kaya naisipan ko munang matulog. Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko at huminga ng malalim.
Tuluyan na akong dinalaw ng kaantukan.









Mula sa pagkakapikit, dahan dahan kong minulat ang aking mga mata dahil sa kakaibang liwanag sa paligid.






Dahan dahan akong bumangon kahit napakabigat ng katawan ko.







Inilibot ko ang tingin sa paligid.
May mga gintong pintuan sa harapan ko, hindi ko sila mabilang dahil sa sobrang dami, hindi ko rin alam kung papasok ba ako? At saan ako papasok?







Biglang bumukas ang pinto sa likuran ko, niluwa nito si Bruno. Tama, si Bruno. Kahit medyo malabo ang aking paningin ngayon nakilala ko pa rin si bruno yon.






"B-bruno?" Tawag ko, pero parang walang boses ang lumabas sa bibig ko.

He's wearing a white suite, an expensive watch on his wrist. Parang ang yaman yaman niya.








Nginitian niya ako at may binabangit itong numero. Paulit ulit niyang binabangit ang numero ngunit hindi ko marinig. Parang walang boses ang lumalabas sa kaniya.







Binasa ko na lang galaw ng labi niya hangang sa mapagtanto ko na ang mga numero na gusto niyang sabihin.

"Z-zero four, one two, zero two, three four, Zero eight, one five." Pagbasa ko sa bibig niya.







Mabilis naman itong tumango, sobrang lawak ng ngiti ni bruno, sobrang saya niya.







Bigla itong tumakbo papasok sa isang misteryosong kwarto, agad ko siyang sinundan pero parang napakabigat ng katawan ko habang humahakbang.








Pinilit kong tumakbo pero sobrang bagal pa rin ng usad ko, dahan dahan ng sumara ang pinto na pinasukan ni bruno.







Hangang tanaw na lang ang tanging nagawa ko. Nakita kong yakap yakap niya ang kaniyang ina at parehas silang masayang nagtatawanan.








Huminto na ako sa pagtakbo, naisip kong hindi ko na pala kaylangan pumasok sa kwarto na iyon.







Tuluyan ng sumara ang pinto kasabay ng pagdilat ng mga mata ko sa realidad..








"Re-write."  (sequel)Место, где живут истории. Откройте их для себя