[16]

7 1 0
                                    

PILITIN NATIN MAHAL

Ilang araw nang ang isip ko'y nanahimik
Ilang araw kong isinantabi ang sakit
Ilang araw na din nang muli kang bumalik
Ngayon, ay nais ko lamang isandal ang ulo ko sa balikat mo at maramdaman ang yaong halik.

Ikaw ang sa aki'y nakakapagpakalma
Bughaw na kalangita'y ikaw ang nakikita
Sa pagsilip sa buwan ay ikaw ang naaalala
Waring pati pagpikit, nararamdaman ko ang iyong presensya.

Nais kong sabihin na wag ka nang umalis
Ngunit ayokong ipagdamot sa'yo ang kapalarang nais
Dahil alam ko para 'yan sa ating hinaharap
Ngunit kung hindi tayo ang itinakda sa isa't isa,
Gusto kong pilitin pa din natin mahal.

Ipilit natin kahit nakakasakit na
Ipilit pa din natin kahit sa una lang masaya
ipilit natin hanggang ang puso'y namanhid na
Ipipilit hanggang kusang bibitaw na tayong dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ISANDAANG TULAWhere stories live. Discover now