[14]

7 1 0
                                    


𝐒𝐚 𝐃𝐮𝐥𝐨 𝐁𝐚 𝐀𝐲 𝐌𝐚𝐲 𝐈𝐤𝐚𝐰?

Nais kong patahimikin ang aking maingay na isipan
Kaya mata ko'y pinikit nang walang alinlangan
Ngunit lalong nagulo
Sa sobrang dilim ay natakot ako
Kaya't muli akong dumilat
Lamig ng hangin ay dumantay sa aking balat
Nakakita ng iba't ibang ilaw
Ngunit mas nanaig ang kadilimang aking natanaw
Pabilis nang pabilis ang sasakyan
Waring nais nang makarating sa patutunguhan
Umaasang sa dulo nito ay mayroon ng ikaw
Ngunit ang dulo ay hindi pa din matanaw.

ISANDAANG TULAWhere stories live. Discover now