Chapter 8

101 6 0
                                    

Maddie's POV:
.
.
~Eat all you can resto~

Nakarating kami sa restaurant na sinasabi ni therese, mukhang masarap nga ang mga pagkain dito dahil sa dami ng tao at marahil dahil bagong bukas ito, halos kumpleto ang mga potaheng pilipino. may seafoods, bbq at iba pa. Naghahanap kami ng table, nang biglang my tumawag sa pangalan ni therese.

"Therese!!" sigaw ng isang boses lalaki, napalingon kami sa pinanggalingan ng boses at hindi nga ako nagkamali si Rex, kumakaway sa aming tatlo. napangiti at kumaway na man pabalik si therese. Sinenyasan kami ni Rex na lumapit sakanila, nung una ay nag alinlangan kami dahil hndi na min kilala ang mga kasama ni Rex pero kalaunan ay nalaman namin na sina Jhoanna at Bea pala ang kasama nya. Si Jho ay nakita na ming kumakaway din, magkatabi sila ni Bea ngayon, Parang biglang may bumara sa lalamunan ko nang makita kong magkasama sila, biglang may stinging pain akong naramdaman sa dibdib. hindi ko man lang namalayan na dinala ako ng aking mga paa sa mesa kung saan sila naroroon.

"Hi, nandito din pala kayo? sana pala sumabay na kami sa inyo" sambit ni therese ng makarating kami saknila.

"Dito na kayo umupo, malaki at mahaba na man tong mesa eh" pag.anyaya ni Rex na agad na mang sinang.ayunan ng dalawa kong kasama, nag si upuan silang dalawa, si therese katapat ni Rex, si deanna kay Jho at ako sa pagkamalas malas na man ay kay Bea pa natapat. Hindi ko ma.explain ang nararamdaman ko, kumakabog ang puso ko na parang naninikip, abala si Bea sa pakikipag usap kay Jho, iniisip ko tuloy kong galit ba sya sa akin dahil sa nangyari kanina or wala lang talaga syang pakialam.

"Ate maddie, let's go, kuha na tayo ng foods, gutom na ako eh." pakiusap sa akin ni deanna na kasalukuyang nakatayo. nginitian ko na man sya, at agad tumayo para sundan sya. nagtama ang tingin namin ni bea ng tumayo ako,so, naramdaman nya rin pala na nandito ako. Agad na mang sumunod ang iba at kumuha ng makakain nila pagkabalik namin sa table ay nagsimula kaming kumain.

"Wow, look who's here?!" tahimik kaming kumakain ng biglang may nagsalita, si Doc Reyes na nakatayo sa kabilang edge ng table kung nasaan sina rex at therese. Napatigil kami sa pagkain at agad na mang tumayo si Rex para batiin si Doc Reyes, napangiti na man so Doc sa inasal ni Rex.

"Doc, kain po tayo, sabayan nyo po kami dito" sabi na man si Jho. lumingon lingon na man si Doc Reyes,saka nag salita.

"Hmmm. mukhang ganoon na nga, angdaming tao ngayon. Ok lang ba? dadalawa kami eh" sagot ni Doc Reyes.

"Oo naman po Doc, may isang chair pa dun" sabi ni Rex sabay turo sa upuan na nasa side namin ni Bea.
Bigla na mang lumitaw si Doc Chu sa side namin ni Bea, napalingon kaming lahat sa gulat ng bigla syang magsalita.

"Pwede bang umupo dito?" pagtatanong ni Doc Chu na may dalang pagkain, relax at hindi naka scrubsuit si Doc ngayon kaya siguro mas lalo kaming nagulat.

"Opo Chief,wala pong problema" saad ni deanna na nakangiti, tiningnan ako ni deanna at saka ako kinindatan. Alam ko ang iniisip ng isang ito eh. pero hindi ko pinansin yun.
inilipag ni Doc Chu ang pagkaing dala nya, umupo na man si Doc Reyes sa side nila therese saka pinaabotan ni Doc Chu ng pagkain.

"Chief, nakakatuwa po na makasama na min kayo sa isang dinner, isang malaking karangalan" pag uumpisa ni Deanna.
"Ikaw talaga Dr. Wong, tigiltigilan mo nga yang pag tawag mo sa akin ng Chief" sagot ni Doc Chu sakanya.

"Chief of ER kayo, kaya ok lang yun, ang astig nga eh" sagot na man ni deanna. tiningnan ko si deanna at sinogurado kong hindi pa sya nakakinom ng alak, ang lakas ata ng loob neto ngayon para kausapin ng ganun si Doc. Chu.

"Oo nga, that's cool. starting today tatawagin na namin kayong Chief, Chief Chu." pakikisali ni therese. rinig naman naming pigil na tawa ni Rex, tiningnan sya ng masama ni Therese at maging kami ay napansin sya.
"Ah wala, para kasing ang weird pakinggan ng Chief Chu.. hahaha" saka tumawa si Rex, sinabayan na sya ni deanna at Bea, pero bigla silang napatigil nung napansin nilang hndi nag.rereact si Doc. Chu at patuloy ito sa pagkain.
"Chief Zoey na lang po or chief na lang" banggit ni Jho para ma.ibsan ang tensyon. "Ano ba kayo, ok lang kahit ano, mahalaga may respeto, walang problema sa akin yun" sabi ni Doc Chu na nagpaluwang sa hininga ni Deanna at Rex, saka naman kami nag tawanan. Ibang iba ang Doc Chu sa trabaho at sa labas ng trabaho, kaya nya rin pa lang makipag. sabayan at kulitan.
"I appreciate you all guys, sa lahat ng hardwork nyo, ipagpatuloy nyo yan, malayo mararating nyo" sabi ni Doc. Chu na nag pangiti sa aming lahat. "Cheers" sambit ni Rex sabay taas ng aming mga sari't saring inumin.
"Nakakakilig ka naman Chief, ang sarap pakinggan pag galing sa inyo" sabi ni deanna na tinawanan ni Doc. Reyes, tinapik na man sya ni therese na parang sinasabi na tumigil kana.

Someone you LovedWhere stories live. Discover now