Chapter 09

17 4 0
                                    

"Himala! Ang aga mo yata ngayon ah?" bungad ko kay Gino na kakarating lang.

Hindi ko maiwasang h'wag magtaka kasi kadalasan, aabutin pa ng ilang minuto bago makapag-time in ang isang iyon kaya ganoon nalang ang pagkagulat ko.

Imbes na dumiretso siya sa locker para magbihis, nagtungo siya sa harapan ko at inagaw ang mop na hawak ko. "Pansin ko lang, Addie. Masyado ka na atang interesado sa'kin," sabi niya habang inaangat-angat ang dalawang kilay niya. "Naga-gwapuhan ka na sa'kin 'no?"

I stepped closer to him. I felt him stiffened at that sudden move. "You know what?" I said at nakipagsukatan ako ng tingin. "Ang hangin mo! Diyan ka na nga! Marami pa akong lilinisin e," sabi ko at kinuha ang mop na hawak niya.

"Magbihis ka na rin nang masimulan mo nang maglinis," pahabol na sabi ko bago itinuon ang atensyon sa ginagawa.

May iilan nang customers sa loob ng café at kasama roon ang mga kaibigan ko. Yep! At dito na naman sila manggugulo.

Nagtungo ako sa table nila. May twenty minute break ako ngayon kaya okay lang na makipagkwentuhan sa kanila.

Nakikita ko mula sa counter na busy sa pagc-cellphone sina Hope at Tati maliban kay Ally na nakayuko lang. Parang stressed out ang gaga.

Papalapit pa lang ako nang mapansing, nakasimangot ang kaibigan kong si Ally.

"O? Nakabusangot ka na naman. Ano na naman ang pinanggagawa mo?" tanong ko sa kanya at inilapag sa mesa ang pagkain.

"Ay, grabe siya! Broken-hearted iyong tao o," bungad nito. "Kilala mo ba si Toffer? Iyong taga STEM?" bulalas niya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang kakaibang kislap nito sa pagbigkas pa lang ng pangalan noong lalaki.

Parang ewan din talaga itong kaibigan kong 'to. Kani-kanina lang e parang pasan niya ang buong mundo, ngayon naman parang speaker kung makadaldal.

"Toffer? Sino 'yon?"

"The one I told you na crush ko. Remember?"

Sa haba ng list of crushes ni Ally, niisa ay wala akong natatandaan. Sorry bes.

"O, bakit? Na-crush back ka na?"

"Hindi sana ako broken-hearted ngayon kung na-crush back niya ako kaya lang hindi e," sabi niya na para bang naiiyak. "Nakita ko lang naman kasi siyang may kasamang babae roon sa quadrangle kanina tapos may pa-holding hands pa," pagsusumbong niya sa'kin.

Kinurot ko siya. Mahina lang naman. "Kung makareklamo ka naman, akala mo girlfriend. Sus!"

Nandito na naman tayo sa isang segment kung saan sasabihin ni Ally lahat ng hinanakit niya tungkol sa mga crush niya. At bilang isang mabait na kaibigan, babarahin ko siya ng bonggang-bongga.

Sinabihan ko na sina Ally na huwag na akong hintayin at mauna nang umuwi kasi matatagalan ako ngayon dahil may monthly inventory kami ngayon sa café.

"Mag-iingat kayo ah? Hope? Diretso na sa bahay ang uwi ah? Wala nang gagala. Sa susunod nalang kapag kasama ako," pagpapaalala ko sa kanila.

"Opo, Momma Adrestia!" parang batang sabi ni Hope.

Napailing nalang ako.

"Mag-iingat kayo."

Hinatid ko sila palabas ng café at hinintay munang makalayo ang sinasakyan nila.

Pagkabalik ko sa loob ng café ay eksakto namang pumasok si Santi mula sa backdoor.

Santi is Miss Celeste's nephew. Nandirito siya kapag hindi masyadong busy sa school para tumulong sa pamamahala ng business ng Tita niya.

"Addie? Patulong naman."

Depths Of LoveOnde as histórias ganham vida. Descobre agora