What now? Shit. Paparazzi are coming like a bee swarm. I felt bad para sa kung sino mang sinusundan nila. They should get a life!

Pero mas lumaki ang mga mata ko, kahit na kanina pa nanlaki ang mga mata ko, dahil sa ako ang pinalibutan nila.

"Sir, nasaan po si Sir---"

"Hunter, how's your stay in---"

"Bakit 'di niyo po kasama---"

Narindi ako bigla dahil sa mga tanong nila. Hindi ko naman sila kilala at tsaka bakit ako ang napili nilang pagtripan? Naiipit na ang mga gamit ko at sunod sunod ang pagbunggong ginagawa nila sa likuran ko. Pakiramdam ko, natunaw na lahat ng chocolates at sumisirit na iyon mula sa bag ko.

Marahas akong nagpumiglas sa kanila, "Wait a minute!"

Unti unting humina ang ingay na ginagawa nila at mataman akong tinignan. Animo'y inaabangan talaga nila ang sasabihin ko. Good. Buti naman pala at importante pa rin ang opinyon ko.

"First of all, hindi Hunter ang pangalan ko. Nagkakamali kayo ng taong ginugulo." Pinagtuturo ko sila dahilan para mapaatras ang iba. Pero 'yung iba, wala na talagang pag-asa.

Biglang may humatak sa akin papaalis doon. Magpupumiglas pa sana ako pero hindi ko na lang ginawa dahil napakalaki ng kamay niya. Napapikit muna ako bago nag-angat ng tingin. 

Shit.

Body builder ata 'tong lalaki o 'di kaya, sumo wrestler. Nakakatakot talaga. Pakiramdam ko, mapuputol ang aking kamay dahil sa pagkakahawak ko. Bukod pa doon, naka-shades siya. Mukha siyang myembro ng Mafia.

God! Ano 'tong pinasok ko? Ito na ba ang sinasabi nilang alagad ng Mafian Boss sa mga fan fictions? Sinasabi ko na nga ba, dapat 'di ko na triny basahin ang fan fictions dahil corrupted na ang isip ko. 

"'Wag kang matakot. Sina boss ang bahala sa'yo." Sabi ng lalaki na nanatiling nakatingin ng diretso at ni hindi man lang ako binalingan habang nagsasalita, kung sabagay, yung height ko... nevermind.

"I don't want this to happen again. 'Wag kayong mandamay ng ibang tao dito. Tignan niyo, dinamay niyo yung bata dahil akala niyo, ako yun. Pwede kayong kasuhan nung bata dahil sa ginagawa niyo. Don't even think that I am not aware of who your bosses are. Don't even think that I don't know the law!" Rinig kong sermon ng isang lalaki sa mga reporters na nang-harass sa akin. Hindi ko siya makita dahil sa mga nakapaligid sa kanya but I am sure, ang lalaki sa harapan ko ay isa sa mga bodyguard niya.

Nang marealize ko na hindi pa rin pala ako nakakagalaw nang maayos dahil sa braso ko ay nagsimula na akong magsalita.

"Ah, Kuya..." Panimula ko.

"Ano yun?" Tanong niya at tulad ng kanina, hindi niya pa rin ako tinitignan.

"Pwede po bang bitawan niyo na ako?" Tanong ko gamit ang mahinang boses.

Agad naman niyang binitawan ang braso ko na pakiramdam ko ay matatanggal na ang mga muscles at mababali na ang joints ko. Ilang saglit pa ay nagsi-alisan na ang mga reporters at ang lalaking kausap nila kanina lang ang naiwan.

Nakasuot siya ng jeans at plain white shirt. Parehas na parehas ang get-up naming dalawa. Bukod nga lang sa kulay ng buhok naming dalawa, ang sa kanya ay pure black samantalang ang akin ay dark brown. Ganun din sa sapatos pero parehas lang ng brand. Marahan siyang lumingon sa direksyon ko at napaawang ang bibig ko.

Wait, he can pass as my relative. Ito na ba ang sinasabi nila na one in a one trillion chance to have someone look like you? 

Alam kong hindi na maipinta ang aking mukha sa mga oras na ito. Para kasi akong nakakita ng multo dahil sa kamukhang kamukha ko talaga siya. Kung hindi lang magkaiba ang kulay ng aming buhok, masasabi kong kakambal ko na siya. Kaya lang, sure ako na walang ibang anak si Mama at Papa. 

PlayboyWhere stories live. Discover now