Nuno sa Punso (sumpa ng kalasingan)

4 0 0
                                    

Nuno sa Punso (Sumpa ng Kalasingan)by: Si Berto ay isang lasengerong tao at pabigat sa buhay sa kanyang pamilya. Wala syang ginagawa kundi kumain matulog at mag pakalasing kasama ang mga buraot nyang kaibigan na tulad din nyang WASALAK kung tawagin ay walang sawa sa alak. Sila ay nakatira sa di kalayuan na bayan sa MAYNILA.


Isang Gabi ng siya ay papauwi na galing sa kanyang pinag inuman kasama ang mga barkada, naramdaman nyan sya ay nasusuka na habang sya ay nag lalakad. Nag hanap ito ng pwesto o lugar na pwede nyang sukahan. Nakakita sya ng isang Maliit na puno na lagpas tao lang ang taas. Doon nya isunuka ang alak na kanyang nilaklak at mga pulutang nilamon nya habang sya ay nag papakasaya. Sa punong iyon ay may isang maliit na pabundok na lupa ang hugis at dito bumabagsak ang suka na galing sa kanyang sikmura.


Ang lupang iyon ay tahanan na tinatawag natin Nuno. Isa pala itong Punso na kanyanf nasusukahan at nilalampastanganan.


Napansin nya ito at tinawanan pa at dinuruan nya pa. Si berto ay hindi mangmang sa mga ganitong uri ng mga laman lupang nilalang. Nang dahil sa kalasingan nya nag salita pa ito ng " Mga hinayupak tong mga nuno nato dito pa nag tayo ng bahay nila pwe" Nag bitaw din sya ng salita din na kung totoong may nuno sa punso dito sa maliit na punso na ito ay bigyan sya ng kaparusahan at itoy paniniwalaan nya na meron talagang nuno sa punso. Umalis na si berto at nag tungo na sa Kanilang bahay at syempre nang gagalaiti na naman ang kanyang Ina at Ama dahil sa walang kwentang tao at batugan si berto.Kinabukasan ay nag lalakad sya habanf papunta na nman sa inuman, nadaanan nya ulit ang punso na sinukahan nya. Naalala nya pa ang mga ginawa nya kagabi sa Punso na iyon. Natatawa pa sya at sinabing " Sabi na nga ba bahay lang ng Langgam yan yan wala naman iba jan" Sinabi pa nito na mamaya pag katapos nyang makipag inuman ulit ay dadaanan nya ito ulit , Habang nasa inuman si berto ay nag iisip na ito kung anong gagawin doon sa sinasabi nyang bahay ng langgam, Habang ang mga kainuman nya ay nag tatawanan at nag kwekwentuhan Siya ay nag paalam na uuwi na sya dahil senglot na rin si Berto. Nang Malapit na siya sa punso ay nakaisip na ito ng gagawin. Lumapit sya at inihian nya ang punso dahil sa buong pag kakaalam nito ay isa lamang bahay ng langgam.

Hindi kontentado si Berto sa ginawa nya at naiinis pa ito dahil parang sabik na sabik syang sirain at palahin ang punso

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi kontentado si Berto sa ginawa nya at naiinis pa ito dahil parang sabik na sabik syang sirain at palahin ang punso. May nakita syang isang Dos por dos na kahoy at ibinungkal nya ito sa Punso, Pinag tutusok nya ang lupa at pinag hahampas, pinagtatadyakan hanggang maging patag at masira na ang lupa sa punso habang nang gigil at tumatawa. Masayang masaya sya habang papauwi sya ng bahay nila, nakangiti pa sa pag babati sa mga tao sa kanilang bahay. Kahit itoy amats pa sa alak. Laking pag tataka ng mga magulang nito at kahit lasing ay bumabati pa ito ng naka ngiti at parang nang aasar pa.Kinabukasan, nagising si Berto at hindi maintindihan ang nararamadaman. Tila nahihilo sya umiikot ang paningin. Napaupo sya at hilong hilo sya. Napaisip na lang sya na baka hang over lang ang narardaman nya. Kaya itinulog nya na lang ulit. pag kagising nya ay ganun parin ang kanyang nararamdaman. Pinilit parin nyang makatulog at hanggang sa nag patuloy ang ganung pakiramdam na tila pakiramdam nya ay hindi nawawala ang kanyang pag kalasing. 3 araw na ang dumadaan at 3 araw narin ang kanyang pag karamdam ng Lasing na lasing sya habang tumatagal. Nag patingin na ito sa doctor ngunit walang nakikitang kakaiba. Nabahala na ang kanyang magulang dahil mag Iisang linggo na syang LASING ang galawan at pakiramdam kahit hindi na sya umiinom ng alak. Lumalala pa habang tumatagal lalo pang tumataas ang Tama nya na parang lumaklak ng isang case ng Redhorse mag isa.


Naisip ng kanyang mga magulang na Ipatawas at ilapit sa isang albularyo Di ka klayuan sakanila brgy. Pinapunta na lang nila ito. Nang itoy itinatawas na at sinumulan na ang Proseso ng pang gagamot ng albularyo. Napag alaman na Isang Maliit na nilalang na tila nakasimangot ang humugis sa Kandilang ipinatak sa tubig. At Humugis din ang punso na Kayang sinira. Agad na tinanong ng albularyo kung ano ba ang ginawa nito sa Punso na lumabas sa patak ng kandila na nasa tubig. Agad naman sumagot ng dahan dahan si berto dahil nga itoy hirap na hirap ma at di na makabangon dahil sa Sumpa ng Kalasingan. Pinilit nya paring makapag salita na Sinira nya ang punso na iyon, inihian at sinukahan at Nilapastangan nya ang Inakala nyang Bahay ng langgam. Sinabi ng albularyo na sobra ang Galit ng Nuno sa Punso kaya sya binigyan ng kaparusahan o sumpa ng KALASINGAN. Habang ginagamot ay tumitirik na ang mata ni berto na parang mawawalan na ng malay. Agad naman sinabi ng albularyo na kailangang humingi ng tawad ang gumawa nito at Mag alay ng Kung anong Pagkain na maihahandog dito. Agad naman kumilos ang ama at ina ni berto at pinuntahan ang punso kasama ang albularyo. Inilagay nila ang alay na pag kain at kinauaap ang punso na sira habang humihingi ng tawad. ngunit walang nang yari nung sila ay bumalik. Ganun parin ang kalagayan ni berto. Sinabi ng albularyo na baka kinakailangang ai berto mismo ang humingi ng tawad sa nuno sa punso. 


Ngunit paano ito magagawa ni berto kung ito ay di na makatayo. Ipinatak ulit ang Kandila sa tubig at humugis ulit itong Isang Maliit na nilalang na galit na mukha. sinabi ng albularyo na piliting makapagasalita si berto at Makahingi ng tawad at mag sisi sa kanyang ginawa. Pinilit ni berto na mag salita kahit sya ay bangang na bangag na sa kanyang nararamdam. Sinabi nyang " Patawin mo ako sa aking nagawa kung sino ka man na aking nagambala at nalapastanganan." Biglang namatay ang kandila na hawak ng Albularyo at nakita ang Nilalang na maliit sa ilalim ng Papag ni berto na bigla na lang nag laho. Kinabuksan ay Nagising si berto na magaling na at wala ng nararamdaman. Tuawang tuwa si berto at ang kanyang mga magulang. Nangako si berto na mag babago na at hindi magiging lasingero. Bago Umalis ang albularyo sakanila ay sinabi nitong Ma swerte si berto dahil Puting Nuno ang kanyang nagambala at sya ay napatawad. dahil kung ito daw ay Itim na nuno. Mahihirapan na syang makabalik sa Buhay na ito.

Pls follow my Facebook page Pls subscribe sa gustong makinig ng horror story

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nuno sa Punso (sumpa ng kalasingan)Where stories live. Discover now