Part 4: Ang Mahiwagang mundo ng Apresia

8.6K 300 17
                                    

Ang Alamat ni Prinsipe Malik

AiTenshi

Part 4

 

Noong bumalik ang aking malay, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakahiga sa isang papag at doon ay napansin kong wala ako sa aking silid. Nasa ibang bahay na ako at kakaiba ang disenyo nito. "Nasaan ako?" ang mahina kong usal habang pinag mamasdan ang isang matandang babae na may hawak na plato at mangkok ng sabaw. "Mabuti naman at gising kana iho. May masakit ba sa iyo?" ang tanong nito.

"Nasaan po ako? Uuwi na ako!" ang tugon ko naman sabay baliwas ng bangon. "Nandito ka sa aming lugar, natapuan ka ng aking asawa na palutang lutang doon sa pampang ng dagat kaya’t inuwi ka nya rito. Taga san ka ba iho at ano ang pangalan mo?" tanong nito.

"Ako po si Miguel at taga Luzon po ako, saan ba ito? Mindanao ba ito o Visayas?" ang tanong ko habang iniaangat ang aking sarili mula sa higaan. "Luzon? Ngayon lamang ako nakarinig ng ganyang lugar iho. Maaaring hindi ka nga taga rito dahil kakaiba ang kausotan mo noong matagpuan ka ng aking asawa na walang malay sa dalampasigan. At alam mo ba na tatlong araw ka nang natutulog at ngayon ka lamang nagising." pag sasalaysay nito.

"Anong lugar po ba ito? Maaari po ba na samahan ninyo ako sa istasyon ng polisya upang makapag report ako. Baka hinahanap na ako ng aking mga magulang doon sa aming lugar."

"Ang lugar na ito ay tinatawag na Apresia o mas kilala sa tawag na "Hidden Coral." Ang hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng polisya at istasyon iho. Bago lamang ito sa aking pandinig."

"Apresia o Hidden Coral? Ngayon ko lang po ito narinig at mukhang wala naman ito sa mapa ng Pilipinas." bulong ko sa aking sarili. "Ah eh, mawalang galang na po lola, saang lugar po ba ito sa Pilipinas? Batid ko pong nandito lang tayo sa bansa dahil pareho tayong nag sasalita ng tagalog."

"Pilipinas? Ngayon ko lamang narinig iyan. Nag iintidihan tayo dahil mahiwaga ang lugar na ito, ang bawat salitang lumalabas sa aking bibig ay kusang isinasalin ng hangin upang maintindihan mo at ganoon din naman ikaw sa akin. Ang bawat salitang iyong binabanggit ay kusang nag iiba sa aking pandinig kaya’t naiintindihan kita. Sa makatuwid ang ating salita ay mag kaiba, nagiging wika nyo lamang ito kapag aming pinaka walan at isinalin na ng hangin. Ganoon din pag dating sa amin, gamit ang aming sariling salita, dinadala ito ng hangin at isinasalin sa iyong wika. Ito ang dahilan kaya’t nag kakaintindihan tayo. Ito rin ang dahilan kaya mas maraming dumarayong mangangalakal sa lugar na ito dahil mahiwaga ang hangin, walang problema pag dating sa komunikasyon." paliwanag ng matanda. "Ako nga pala si Alona. Pero mas kilala ako sa tawag na "tandang ona". Iyon na lamang din ang itawag mo sa akin."

"Kung ganoon, nasa isang planeta ako?" ang tanong ko. "Maaari iho. Ngayon ko lamang narinig ang mga lugar na sinasabi mo. Sa isang daang taon kong mapapalagi sa mundong ito ay ngayon lamang ako nakarinig ng ganoong lugar."

"Isang daan? Hindi po ba kayo nag bibiro? Mukha lamang po kayong 60 at mas bata pa. Malakas pa kayo at hindi ganoon katanda."

"Hindi ako nag bibiro iho. Ganoon na ako katanda. Sadyang makapangyarihan lamang ang lugar na ito kaya’t hindi namamatay ang aming katawang lupa."

"Edi confirmed! Wala nga ako sa planet Earth. Nasaan ba akong lupalop?" ang tanong ko sa aking sarili. "Mainam pa iho ay mag kumain ka muna at mag pahinga, bukas na bukas din ay sasamahan ka namin sa palasyo ng taga pag bantay upang matulungan ka nya." wika ni tandang ona.

Ang Alamat ni Prinsipe MalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon