Part 3: Ang Paglalakbay ni Miguel

8.5K 287 11
                                    

PAUNAWA:

“Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po.

 Ang Alamat ni Prinsipe Malik

AiTenshi

 

Part 3

Ilang oras matapos kong itapon sa ilog ang lumang kahon, laking gulat ko ng bigla nanaman itong mapunta sa ibabaw ng aking study table at ngayon ay unti unti itong nag bukas. Tila inaanyayahan niya akong silipin kung ano ang kanyang laman. Nakaka kilabot ang mga pangyayari ngunit "bakit ko naman katatakutan ang isang maliit na kahon?" tanong ko sa aking sarili kaya naman buong loob akong lumapit upang masilayan ang nilalaman ng engkantong bagay na ito. Parang noong isang araw lang ay halos ibalibag ko ito upang mag bukas, samantalang ngayon naman ay walang kahirap hirap nitong binuksan ang kanyang sarili. Parang nanadyang ewan lang!

Pag lapit ko sa aking lamesa, marahan kong sinilip ang laman ng kahon at doon nga ay tumambad sa aking panigin ang nasa loob nito. "Isang kwintas na ang pendat ay kabibe at isang malaking shell na animo bahay ng suso."

"Eto lang pala ang laman bakit kailangan pang itodo ang pag kandado dito? Isang lumang kwintas at bahay ng suso? anong gagawin ko dito? Alangan naman isuot ko ang kwintas at kiskisin ng pakanan o pakaliwa ang kabibe at doon ay magiging isang sirena ako. Hindi bagay sa akin maging si Dyesibel dahil malaki ang katawan ko at wala sa aking ambisyon ang palitan si Claudine Bareto upang maging si Marina," pagmamaktol ko sa aking sarili at muli kong isinara ang kahon.

Matapos kong gawin ang aking term paper, nanatili pa akong nakatutok sa harap ng internet dahil naisapan kong mag research ko mayroon ngang naka talang related studies tungkol sa mga sibilisasyon sa ilalim ng dagat. At heto ang aking nakita.

Ayon sa isang akda na isinulat ni Benjamin Radford na isang Science Contributor, may isang sibilisasyon na itinayo maraming panahon na ang nakakalilipas at tinawag itong “Lost City of Atlantis”. Sinasabing ang sibilisasyong ito ay gumagamit ng mga advance technologies upang maging masagana at mas mayaman. Ang alamat ng Atlantis ay naging sentro ng atensyon ng mga scientist at mga mananaliksik sa buong mundo. Lahat sila ay pinag aaralan kung saan lugar ito itinayo o kung bakit ito nilikha. Maraming mga dokumento na nag papatunay na minsang simibol ang sibilisasyong ito, may mga libro, lumang pahayagan, kasulatan at kung ano ano pa. Sa modernong panahon naman ay ginawan narin ito ng mga pelikula, bagong version ng alamat o kahit sa mga documentation station sa telebisyon kagaya ng history at geographic channel ay pinalalabas ang tungkol dito.

“Lost' City of Atlantis: Fact & Fable”

 by Benjamin Radford, Live Science Contributor

Atlantis is a legendary "lost" island subcontinent often idealized as an advanced, utopian society holding wisdom that could bring world peace. The idea of Atlantis has captivated dreamers, occultists and New Agers for generations.

Unlike many legends whose origins have been lost in the mists of time, we know exactly when and where the story of Atlantis first appeared. The story was first told in two of Plato's dialogues, the "Timaeus" and the "Critias," written about 330 B.C.

Ang Alamat ni Prinsipe MalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon