Naparolyo lang ito ng mata sa kanya bago sumipsip sa straw ng inumin nitong special na mix drink. Muli na lang siyang napalagok sa kanyang bote dahil sa tila pagka-uhaw nang mapadako ang kanyang mata sa mga namamasa nitong labi, naroon ang walang patid na paghahatak ng kanyang utak sa pagnanais na matikman ang lambot at sarap noon muli.


"I'd rather not, since I really don't want to experience all those stress again," bulalas na lang ni Lucy bago mapabuntong hininga.


Napatalumbaba na lamang ito sa lamesa bago nito muling gamiting ang straw para laruin ang yelo na nasa inumin.


Napatawa na lang siya ng pagak sabay yuko dahil sa biglaan panliit at inis. "I didn't mean that part?" agad na lang niyang bawi bago pa man mapunta sa kung saan ang usapan nila.


Ayaw niya rin naman masira ang magandang simula ng kanilang kuwentuhan, lalo pa at sa pagkakataon iyon ay hindi siya nilalayuan nito.


"Well, it's all I can remember since it's what you always did and have not stopped to do," makahulugan at may panunuyang saad ni Lucy.


Nilagok na lang ni Andrew kaagad ang bote na hawak upang kumuha ng lakas ng loob, naroon rin kasi ang kakatuwang paninikip sa kanyang dibdib dahil na rin sa katotohanan na wala na siyang ibang pwedeng gawin ng mga sandaling iyon, kaya kahit naroon ang tila paglabag ng kanyang loob ay minarapat niya ng ilabas ang bigat sa kanyang dibdb.


Ilang malalalim na hininga ang kanyang pinakawalan upang kahit papaano ay mapahupa ang tila pagkasamid upang masabi ang ninanais.


"I was never going to leave you." Napayuko na lamang siya habang inaalog-alog ang hawak na bote.


Sinusubukan na isantabi ang hapding nararamdaman dahil na rin sa walang patid na bugso ng pagsisisi na nanunumbalik sa kanya.


Tumuwid kaagad ang mukha ni Lucy nang pakabalingan siya. "And yet you left when we needed you the most," halos bulong na sambit ni Lucy.


Tila parang sinaksak na lamang siya nang maalala ang dahilan ng pait sa likod ng boses nito, naroon na ang matinding hapdi sa kanyang mga mata sa pagpipigil ng mga luha nang sumagi nanaman sa kanyang isipan ang pagkawala ng kanilang kambal na siyang dahilan at puno't dulo ng matinding galit ng babae sa kanya, pero kahit na ganoon ay hindi niya nais magpatinag dito.


Muli siyang lumagok sa hawak para dagdagan pa ang lakas ng loob dahil tila tinatakasan na siya ng tapang at kompyansa ng mga oras na iyon.


"I was coming back!" pagdidiin niya na lamang nang harapin na ang babae.


Isang pagak na tawa ang malakas na kumawala kay Lucy sa narinig. "To what? You already ruined everything," mapang-asar nitong singhal.


Napaigiting na lamang ang kanyang panga dahil sa kung anong sakit na nadama. "We're both at fault here," bulalas niya pakakuyom sa hawak na bote ng alak.


Halos nagtataas na ang baba ng kanyang dibdib dahil na rin sa kakaibang hirap sa paghinga mula sa kung anong paninikip roon. Naroon naman kasi ang katotohanan na wala naman talaga siyang balak makipaghiwalay dito noon, subalit napikon lamang siya dahil na rin sa walang patid na pangungulit ng abogado nito, pagmamatigas ng babae na makipag-ayos, pati na rin ang madalas na pagbabanta ng kakambal ng babae.

Their Complexities (Book 3 of 3)Where stories live. Discover now