Hindi siya sumagot at sa halip ay tumitig pa rin sa mukha ko, mula sa mata papunta sa ilong hanggang sa leeg. Gumegewang pa ang ulo niya na parang sinisilip ang tagong bahagi ng mukha at leeg ko, inaalam kung may tama ba ako hanggang doon. Animong ayaw niyang may maiwan dahil hindi magtatagumpay ang paghihiganti niya.

"Maniwala ka sa 'kin, Taguro, hindi ko 'yon ginusto." Hindi ko na maitago ang pag-aalala sa mukha pero nagagawa pa rin 'yong pigilan ng dibdib ko. Nagkukusa dahil takot din makaramdam ng sakit. "Hanggang ngayon ay hindi ko maalala kung ano ba talaga ang nangyari sa 'kin. Maniwala ka naman sa 'kin, oh? Bigyan mo ko ng isa pang chance, Taguro. Nagsasabi ako nang totoo sa 'yo." Sinabi ko iyon nang sobrang bagal at uutal-utal.

"Deib"

"Yes, I look at other girls, I can say if they're beautiful, sexy or not. But when I say I am yours, I am yours, babe. I'll stay in love and committed to you, and only you no matter what. And no one else." Laking pasasalamat ko dahil nairaos kong makapagsalita nang mahaba at sunod-sunod. Hinihiling ko na lang na sana ay nasabi ko ang lahat sa kaniya at maintindihan niya 'yon.

"Sensui," mariing tawag niya.

"Babe..."

"Nang gabing 'yon mismo," tumitig siya sa mga mata ko. Sobrang lalim na para na namang kinakausap ang kaluluwa ko. "Nang sabihin mo ang lahat nang 'yan sa 'kin ay naniwala na ako sa 'yo, Sensui. Kaya hindi ko na kailangan ang paliwanag mo, okay?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Babe..."

"I believe you, I believe in you,"aniya na titig na titig sa mga mata ko. Mababasa ro'n ang pagiging sinsero niya at mahihimigan ang pagpapakatotoo. "Trust me."

Trust me...

Nagpaulit-ulit 'yon sa tainga ko, masarap sa pakiramdam. Nag-init ang parehong gilid ng mga mata ko pero agad ko rin 'yong pinigilan. Nagbaba ako ng tingin at malalim na huminga.

"Thank you, babe," sinsero kong sabi. "I trust you."

Sandali siyang natahimik, inirespeto ang naramdaman ko. "Pero gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa 'yo," mahinahon niyang sinabi habang nilalaro ang hibla ng buhok sa noo ko. "Ito..." Itinuro niya ang mata ko. "Ito..." Itinuro niya naman ang namamaga at nangingitim kong pisngi. "Ito..." Itinuro niya ang pumuputok sa bugbog kong labi. "Lahat ng nasa katawan mo, gusto kong idetalye mo sa 'kin kung paanong napunta lahat 'yan sa 'yo."

Kinabahan agad ako. Kung bakit ba kasi hindi ko napaghandaan ang mga tanong niya. At kailangan talagang detalyado? Bukod do'n ay hindi ko alam kung paanong magkukwento. Nag-aalala ako masyado at maging 'yon ay bawal sa 'kin ngayon.

"Uhm, Maxi?" lumapit si mommy sa 'min, hindi pa man ako nakakapagsalita. "Hindi pa siya pwedeng magpapalit-palit ng emotions ngayon. Baka ang pagkukwento ay maka-affect sa condition niya." Nakikiusap ang mga mata ni mommy. "Kahit kami ay hindi nagtatanong dahil pinagbawalan kami ng mga doktor. Kung pwede ay ipagpaliban na muna natin? I hope you understand."

"Kahit pangalan lang," giit ni Taguro na basta na lang lumingon sa 'kin. "Siya na lang ang pagpapapaliwanagin ko," dagdag niya na tumingin sa labi kong putok pa rin. 'Tsaka umangat ang paningin niya at iginala 'yon sa buo kong mukha.

Should I tell her? 'Ayun na naman 'yong iba't ibang klase ng pagkalito sa isip ko. Naiipit na naman ako sa pagsasabi nang totoo at paglilihim dahil iniisip ko ang kalalabasan.

"Hindi ko alam ang pangalan ng mga 'yon, Taguro."

Hindi ko alam kung kasinungalingan ba iyong matatawag dahil totoo namang hindi ko alam ang pangalan ng mga 'yon. Maliban kina Almeyra at Eerah Anitha ay hindi ko na kilala ang mga bumugbog sa 'kin. Ang tanging alam ko lang ay mga kaibigan ni Eerah Anitha ang mga 'yon.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon