"Ah,sa templo namin? Hindi. Hindi naman kami nakakaramdam ng gutom dun kaya hindi kami kumakain,"matapat niyang sagot rito.

Kitang-kita ang pagkamangha sa mga mata nito sa sinabi niyang iyun.

"Ang weird talaga,"mayamaya bulalas nito.

Nangunot ang noo niya sa sinabi nito.

"Weird? Ang alin?"tanong niya sinabi nito.

Agad na umiling ito saka bumuntong-hininga.

"Nevermind. Nagugutom na ko,"usal nito.

"Ipagluluto kita!"bulalas niya.

Napataas ng kilay ang babae. "Talaga ba?"

Ang ngiti sa mga labi niya ay nauwi sa pagngiwi. "Pwede ko naman alamin,"napapahiyang turan niya.

Muli ito napabuntong-hininga. "Ako na magluluto kung gusto mo matuto pwede mo ako panuorin para malaman mo,"saad nito na kinalaki ng mga mata niya sa katuwaan.

"Talaga?! Tuturuan mo ako?!"excited niyang sabi.

"Tuturuan? Okay,ituturo ko na lang sayo para mas malaman mo madali ka naman siguro matuto tutal naman...kakaiba ka,"anito na kinangiti niya ng malaki.

"Sisimulan natin sa basic muna gaya ng pagpiprito nito,"anito sabay angat ng hotdog sa harapan niya.

"Gusto ko matutunan lutuin yan saka gusto ko malaman kung masarap ang lasa,"excited niyang sabi.

Napatitig sa kanya ang dalaga. "Grabe,kakaiba talaga,"bulong nito saka may hinanap ito ng kung ano hanggang sa may inabot ito.

"Did you know what is called this one?"tanong nito sa hawak nito.

Naningkit ang mga mata niya at mariin na tinitigan ang bagay na hawak nito.

Saka siya napangiti. "Kawali!"

"Tama,"tatango-tango nitong sabi saka nito iyun nilagay sa kalan.

"Ako magbubukas. Nang dumating ako dito inaral ko na kung paano gamitin ang mga bagay na naririto,"saad niya.

Napatitig sa kanya ang dalaga at makikita sa mga mata nito ang pagkaamuse nito.

"Okay,"mayamaya usal nito at hinayaan siya na magbukas ng kalan.

Excited na pinihit niya ang kalan upang lumabas roon ang apoy. Isang pihit lang ay may apoy na iyun na labis na kinatuwa at mangha niya na nilingon niya ang dalaga na titig na titig sa kanya.

Bigla na naman siya nakaramdam ng kaba dahil sa pagtitig ng mga mata nito sa kanya.

"Ahm,anong unang gagawin?"untag niya rito.

Napakurap-kurap ang dalaga na tila natauhan ito. Tumikhim ito bago siya sinagot.

"Maglagay ka ng mantika,"anito.

Agad na inalala niya kung ano ang mantika at mabilis naman niya iyun naalala at makita na nasa gilid lamang na nasa lagayan.

"Mantika,"nakangiti niyang iniharap rito ang hawak na lalagyan ng mantika.

"Yes,maglagay ka ng kaunti,huwag masyado marami para hindi siya mamantika kapag naluto na,"turo nito sa kanya saka maingat na nagbuhos siya sa kawali.

Determinado siyang matuto at makikinig siya rito  ng mabuti.

"Tama na ba?"sulyap niya rito.

"Yes,that's enough,"sagot nito.

"Anong sunod?"agad na tanong niya.

"Painitin mo muna ang mantika at kapag mainit na saka ilalagay ang hotdog,"sagot nito at tinandaan niya iyun sa isip.

"Paano nga pala malalaman kung mainit na ang mantika?"kuryuso niyang tanong.

Inabot nito ang kamay niya at pareho sila natigilan ng dalaga pero agad siya nakabawi.

Ang bilis ng tibok ng puso niya!

Tumikhim ito at iginiya ang kamay niya na hawak nito sa tapat ng kawali.

"Ibuka mo ang palad mo,"mahina nitong sabi na kaagad niyang sinunod. Bahagya nitong ibinaba ang nakalahad niyang palad sapat lang para hindi siya mapaso.

"Ganyan ang ginagawa ko kapag nagpapainit ako ng mantika. Malalaman mo kung mainit na siya kapag naramdaman mo sa palad mo,"sabi nito na labis niya kinamangha .

"Ang galing.."mangha niyang sabi.

"May ibang paraan naman pero mas madali ito,"saad nito na hindi tumitingin sa kanya dahil nakatitig siya rito at naramdaman nito iyun.

Naramdaman na niya ang init sa palad niya.

"Mainit na ang mantika!"turan niya.

Binitawan agad siya nito.

"Sige,pwede mo na ilagay pero alerto ka lang minsan kasi tumatalsik ang mantika kapag nagpiprito,"paalala nito.

"Ganun ba..layo ka kaunti baka bigla tumalsik pagkalagay ko,"aniya na agad naman umatras ng kaunti.

Pagkalagay niya ng isa bahagya nga tumatalsik ang mantika kaya maingat ang bawat lagay niya dahil ayaw niya matalsikan ang dalaga hindi na bale siya matalsikan kaya niya yun.

Napabaling siya sa iniabot ng dalaga sa kanya.

"Gamitin mo ito para mashuffle mo sila ng sa ganun maluto ng mabuti,"sabi nito na agad naman niya kinuha .

Napangiti siya habang piniprito niya ang hotdog.

"Ang dali lang pala nito!"bulalas niya.

"Huwag mo lang susunugin hindi na masarap yun,"anang ng dalaga na kinalingon niya rito.

"Paano ko malalaman kung luto na siya na hindi nasusunog?"

Lumapit muli ito sa kanya. Kapag bahagya nagkulay brown na sila,luto na sila,"sagot nito.

"Ganyan?"kinakabahan niyang sabi. Ayaw niya masunog iyun dahil ito ang unang beses na matututo siya magluto.

"Yes,luto na yan,patayin mo na ang kalan,"utos nito na agad niya sinunod.

Nalanghap niya ang amoy ng pinirito niya. Ang sarap ng amoy!

"Amoy pa lang ang sarap!"natatakam niyang turan.

Napabaling siya ng marinig niya ang tawa mula sa dalaga. Kaagad din naman ito sumeryoso.

"Masarap talaga yan,hanguin mo na,"anito sabay abot sa kanya ng plato.

Namamangha naman siya nilagay iyun sa inabot nitong plato sa kanya.

Humarap siya sa dalaga.

"Maraming salamat sa pagtuturo,Danica! Sana marami pa kong matutunan sayo habang nandito ako sa lupa!"buong puso pasasalamat niya rito.

Isang tango lang ang tinugon nito pero makikita sa mukha nito ang pagkamangha.

Natuon na ang atensyon niya sa hawak na plato at agad na kumuha siya ng isa para tikman iyun.

"Ang sarap!"bulalas niya ng malasahan niya ang hotdog.

Starry Starry Love Series 5 : Kennet Vaid by CallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now