AGINALDO (AMERICAN INSPIRED STORY)

5 0 1
                                        


AGINALDO (AMERICAN INSPIRED STORY)Avenue 28.Lot 56. Block 4.Makapal na yebe ang bumabalot sa harap na bahagi ng maliit na bahay na may dalawang palapag sa isang di-kalakihang munisipalidad sa isang medyo malaking siyudad.Mula pa kagabi ang walang humpay na pagbuhos ng yebe na nagpadaragdag sa mga nauna nang pumatak at tumigas sa sementong daan at sa hagdanang tatlong baitang sa bahay na yari sa semento at pulang brick blocks.Ikadalawamput tatlo ng Disyembre. Taong 1975. Labindalawang taong gulang na si Bobby, isang batang Amerikano.At kagaya ng mga kabataang Amerikano ay nakasanayan na rin nitong maghanapbuhay ng kung anu ano para may maitulong sa pamilya. At para na rin maibili ang sarili ng kaunting aginaldo ngayong darating na pasko. At dalawang araw na lamang at Pasko na.Bagaman magisa lamang siyang supling at walang kaagaw ay di naman alintana sa kanyang murang edad na may kahirapan ng kaunti ang kanilang pamumuhay.Isang sapatero sa siyudad ang kanyang ama ng si Jim. At isang mananahi ng damit sa pabrika ang kanyang inamg si Betty.Kahit kapos minsan sa buhay at sa iilang bagay na kadalasang natatamo ng mga kaibigan niyang may kaya ay hindi niya kailanman nagawang magreklamo.Bagkus ay lagi siyang nagpapasalamat sa kabutihan ng kanyang mga magulang.Aanhin pa ba niya ang magreklamo kung wala naman itong maidudulot na mabuti sa kanya?Pagkatapos mag almusal ay dali daling nagpaalam sa kanyang mga magulang si Bobby na siya ay tutungo sa opisina ng tagapaglathala ng mga diyaryo at babasahin para magbakasakaling matanggap sa isang maliit na trabaho na gaya ng paghahatid ng mga bagong imprintang dyaryo at babasahin sa mga bahay bahay at bilang isang paper boy na may sariling ruta gaya ng ilang kabataan sa siyudad.Paunti unting bumuhos ulit ang yebe at siguradong ang lamig ng panahon. Walang gaanong sikat ng araw dahil napapalibutan ng iilang makapal na ulap sa himpapawid.Bubuga buga ng mainit na usok mula sa kanyang namumulang bibig si Bobby at inayos ang kwelyo ng napakakapal niyang kasuotang pangtaglamig.Malamig ngang sobra ngunit kailangan niyang magkaroon ng dagdag na trabaho para may pangbili ng kung ano man lang sa darating na ikadalawamput lima ng Disyembre o Araw ng Pasko.Mahaba habang lakaran ang kanyang ginugol hanggang marating niya ang lumang gusali na nais niyang pasukin.Makapal ang yebe sa labas at tila mas lalo pang lumamig kahit alas nuwebe pa lamang ng umaga.Lahat ng taong dumaraan ay nagmamadali. Yakap yakap nia ang kanilang mga sarili. Pakapalan ng mga suot para hindi tablan ng matinding ginaw.Umuusok ang mga bibig dahil sa tindi ng mababang temperatura.Sa minutong nasa harap na siya ng pintuan ng gusali ay paunti unti namang tumigil ang pagbuhos ng yebe t paunti unti ring sumikat ang araw.Biglang nagkaroon ng liwanag sa buong lugar. Kumikinang ang mga yebeng tumigas.Matagal bago pumasok sa loob ng gusali si Bobby.Sandali siyang nagmasid sa mga tindahang nakapalibot. Sa mga sari saring panindang tila nang eengganyo. Ibat ibang kulay. Ibat ibang disenyo.Lahat napakaganda. Lahat bago. Lahat ay naayon sa tema ng panahon.Ilang kumikinang na christmas lights ang nagpadagdag sa mala paskong atmospera. Pati na ang jukebox sa kabilang kanto ay puro awiting pampasko ang musikang tinutugtog.Tila tinusok ng karayom ang puso ni Bobby. Hindi niya mawari kung bakit ganoon na lamang ang sensasyong bumalot sa kanya.Siyay napakagat labi.Sa di kalayuan mula sa kanyang kinatatayuan, natatanaw ng bughaw niyang mga mata ang isang imaheng nagpakirot sa kalooban niya.Panay ang kanyang lunok ng mainit at maraming laway at dali daling bumalik sa harap ng pagawaan ng mga diyaryo at babasahin.Hindi na siya muling tumingin sa dako pa roon. Sa dakong nagpabagabag sa kanyang tahimik na isipan.Agad niyang tinungo ang pakay. At sa halos isang oras na pakikipag usap ay nabigyan din siya ng maliit na trabaho bilang tagapaglako at tagapaghatid ng mga diyaryo at babasahin sa iisang ruta.Habang papalabas ng gusali at bitbit ang bag na naglalaman ng mga babasahin at diyaryong ilalako, ipinikit ni Bobby ng maiigi ang kanyang mga mata.Ayaw na niyang tignan pa ang pigurang nasa dako pa roon dahil mas lalo lamang siyang nakakaramdam ng kirot at pighati.Bakit siya mag aalala ng ganoon na lamang? Hindi naman niya kadugo o kaanu ano iyon? Wala siyang responsibilidad.Ngunit bakit sa mura niyang isipan at puso ay naroon na ang isang matinding emosyon? Isang uri ng emosyon na ngayon lamang niya nadama.Habang naglalako ng mga diyaryo at babasahin, paminsan minsang pumapasok sa isip ni Bobby ang pigura doon. Sa dakong tabi ng lugar ng tindahan ng mga laruang pambata sa loob ng salamin.Sa nialang na iyon. Sa nilalamig na nilalang na mas mababa pa ang pamumuhay kontra sa kanya.Alas kwatro ng hapon.Naroon ulit ang nilikha ng Diyos. Ngunit hindi na ito mag isang nakatayo. May kasama na itong mas matanda sa edad. At gaya din ng nasaksihan niya kanina, nakatingin pa rin sa loob ng salamin ang dalawa at mariing pinagmamasdan ang galaw ng mga laruan.Kumita ng tatlong dolyar si Bobby sa unang araw ng kanyang trabaho. Malaking halaga na ito ng salapi. Medyo masaya na siya dahil sa wakas ay may pangdagdag siya sa kanyang ipon.Ala singko ng hapon ngunit parang gabi na. Wala na ang dalawang nilalang sa harap ng tindahan ng mga laruan.Papalubog na din ang sumikat na araw at paunti unting pumapatak ulit ang yebe.Umuwi sa bahay nila si Bobby at inilagay sa isang maliit na alkansiya ang kinitang pera.December 24, 1975.Naroon pa rin sa harap ng tindahan ng mga laruan ang dalawang bata.Mukhang may nais sa mga bagay na makulay at nagbibigay buhay sa mapanglaw na estado ng isang musmos.Bago lumisan para maglako ulit ng mga diyaryobat babasahin, nagpasya si Bobby na lapitan ang dalawang paslit. Na may edad na anim at apat.Halatang mga palaboy sila dahil sacdumi na nakaguhit sa namumutlang mga mukha at tagpi tagping mga kasuotang pangtaglamig.Tumabi sa dalawang bata di Bobby at pinagmasdan ang mga laruang gumagalaw sa loob ng salamin.Mga manikang sing gaganda ng mga diwata. Tren na umiikot sa riles. At marami pang ibang bagay na gustong makamtam ng kahit na sinong bata.Hindi mapigilan ni Bobby ang sarili. Para siyang matandang lalaki nang magsalita."Ano ba ang tinitingnan niyo sa loob? Halos oras oras andito kayo."Sumagot ang batang babae. Iyong edad anim.Sa halip na deretsang sumagot: "Ang gaganda ng mga manika. Ang gaganda ng mga damit.""Oo..." Segunda ng pangalawa na isa ding babae at edad apat. "Akin yong pula ang buhok. Sa akin siya laging nakangiti."Napalunok ng maraming laway si Bobby.Dalawang batang masayang pinagmamasdan ang mga laruan.Hanggang sa puntong..."Ang ganda niya Mommie!" Ilang minutong lumipas at nabili na rin ng mayamang babae ang isang manikang may kulay itim na buhok. Napatingin sa dako ng pintuan ng tindahan ng mga laruan ang dalawang bata.Mababakas sa mga namumutla nilang mga mukha ang napakatinding inggit at panghihinayang habang pinagmamasdan ang batang babae naanak ng mayaman habang nilalaru laro na ang nabiling manika."Wala na ang manyika," mababang saad ng batang edad anim. "Hindi ko na siya muling makikita dito. Malulungkot na ako..."Napapakagat labi si Bobby na nananatili pa rin sa harap ng salamin.Ramdam niya ang napakatinding kalungkutan sa boses ng paslit.Aalis na sana si Bobby nang muling may bumili sa isa pang manika. Sa manikang kulay pula ang buhok."Wala na..." Mangiyak iyak na sambot ng batang babae. "Ang manyika."Napahigpit ang hawak ni Bobby sa strap ng newspaper bag sa nasaksihan.Para bang tagos sa kanyang puso ang pait na nadarama ng dalawang paslit.Umalis ng tuluyan ang dalawa at gayundin si Bobby para maghatid ng dyaryo sa mga bahay bahay.Mabilis na naubos ang mga panindang babasahin.Marahil ay gagawing pangregalo ng ilan.Alas tres ng hapon.Pabugso bugso ang patak ng mga yebe.Yong unang yelong kumapal sa daan, sa kalsada, sa estero at sa saang banda ay muling napatungan ng preskong yebeng singputi ng gatas.Lahat ng tao ay nagmamadali. Ang dami nilang dala.Mga pagkain. Mga pang aginaldo. Wala silang pakialam sa iba basta nasa tama lamang ang patungo ng kanilang mga paa.Gayundin kay Bobby na palabas ulit ng gusali ng babasahin at nasa bulsa ang apat na dolyar at limampung sentimong kinita sa paglalako.Sinalubong siya ng malamig na simoy na hangin at mga butil ng puting snowflakes.Pababa na ng pababa ang temperatura.Papalubog na ang araw kahit mag-aalas kwatro pa lamang ng hapon.Napakalakas ng mga cassete players na tumtugtog ng mga Christmas songs at nagpapasiklaban ang mga naggagandahang Christmas lights sa mga tindahan sa palibot.Masaya ang atmospera. Halatang Pasko na. Bisperas at maaamoy mo ang simoy na tagos sa kalamnan.Naglakad patungo sa kaliwang daan si Bobby para umuwi na.Ngunit parang iba ang laman ng kanyang puso at isipan.Parang hindi niya kayang umuwi. Ah. Hindi pa...Mamaya na...Maagang naghanda ng hapunan ang kanyang ina at silang tatlo kasama ang kanya ay nagsalo sa mainit na sopas at tinapay.Pagkatapos ay nagpaalam siyang magpapahinga sandali sa loob ng kanyang silid sa ikalawang palapag ng bahay.Kumukutitap ang mga christmas lights na nakapalamuti sa medyo may kataasang christmas tree sa salas."Merry christmas," bulong niya.Sa gabing yaon. December 24,1975.Hindi magawang pumikit ni Bobby. Nagdedebate sa maraming bagay ang kanyang isipan.Alas dies Tahimik na sa loob at labas ng bahay.Wala na rin ang apoy sa malaking chiminiya. Tanging usok na lamang ang natira mula sa chestnut woods na ipinanggatong kanina. Pati na ang kumikislap na christmas tree ay wala na ring buhay at kulay.Mula sa ilalim ng kanyang kama ay tahimik niyang inabot at inilabas ang maliit na alkansiya. Binuksan niya ito at binilang ang naipong pera.December 25, 1975.Masayang nagsalo ang mag anak.Pagkatapos ay nagtungo silang tatlo sa kabisera para bumili ng mga regalo para sa isat isa.Bumili si Bobby ng apron at mga simpleng kagamitan sa kusina para sa kanyang ina.At ilang kagamitan naman sa paggawa ng sapatos para sa kanyang ama.Sunod ay pumasok siya sa loob ng tindahan ng mga bisikleta.Ito na ang araw na kanyang pinakamimithi. Mabibili na rin niya sawakas ang pinapangarap na bisekleta.Katabi ng tindahan ng mga bisekleta ay ang tindahan ng mga laruan.Hindi niya napansin ang dalawang batang nasa harap ulit ng salamin at pinagmamasdan na naman ang mga bagong manika sa loob.Isang pula at itim na bagong bisekleta ang napili ni Bobby. Babayaran na sana niya ang bisekleta sa kahera nang walang anumang mapagawi sa labas ang kanyang tanaw.Halos durugin ulit ang kanyang puso nang magtama ang kani kanilang mga tingin."P-pasensya na ho," paghingi niya ng dispensa sa kahera. "Pero sa susunod ko na lang hi bibilhin itong bike."At agaran siyang lumabas at nagtungo sa loob mismo ng tindahan ng mga laruan.Nasa harap pa rin ng salamin ang dalawang bata at pinagmamasdan ang mga laruang kung baga ay paganda pa ng paganda.Ngunit agaran ding napalitan ang galak sa kanilang mga mukha ng lumbay nang muling mabili ang natitirang dalawang manika.Napaiyak na ng tuluyan ang dalawang bata. Kitang kita ni Bobby kung paano nasaktan ng lubusan ang dalawang paslit nang kunin ng tindera ang mga manika."Sandali! Mga bata!" Tawag ni Bobby sa dalawang bata na lulugo lugong naglalakad pauwi.Malayo na ang mga ito."Mga bata! Sandali!"Lumingon sa kanilang likuran ang dalawang bata at nanglaki bigla ang mga bata.Agad agad silang tumakbo patungo sa kinatatayuan ni Bobby.Dala dala ng huli ang mga manika mula sa tindahan."Merry christmas sa inyo," naluluhang sambot nito habang ibinibigay sa dalawa ang mga laruang manika.Walang pagsidlan ang tuwa sa mga mikha at mata ng dalawang maswerteng kapus palad na mga bata.Tumulo nang tuluyan ang kanilang mga luha at mahigpit na yumakap kay Bobby para magpasalamat at magwish ng isang maligayang kapaskuhan.Huminga ng malalim si Bobby.Ahh.Mas masarap pala sa kanyang kalooban ang ginawa niya.Di niya lubos akalain na magagawa niyang maghandog ng simpleng aginaldo sa dalawang mas mababa ang estado ng buhay sa kanya.Ika nga it is better to give than to recieve.Sa di kalayuan, sa shop ng mga leather, nagmamasid ang mga magulang ni Bobby. Kitang kita nila kung paano isinakripisyo ng kanilang anak ang pagbili ng bisekleta para maibigay sa mga batang nangangailangan ng pera na para sana sa kanyang bisekletang aginaldo."We are so proud of you son," nagagalak na sabi ng kanyang ama. "Pero bakit mo naisipang isakripisyo ang bike sa mga manika?"Nagkibit balikat si Bobby. "Tama naman ho ang ginawa ko. Nararamdaman ko kasing mas kailangan nila ang mga laruang iyon...""E yong bike?" Tanong ng kanyang ina. "Hindi na ba iyon mahalaga sa iyo?"Muling nagkibit ulit ng balikat si Bobby. "Di bale na ho. Sa susunod ulit. Mapag iipunan ko pa naman..."Ngunit alam ng mga magulang ni Bobby na matagal na niyang pinag iipunan ang pambili ng bike.Mula sa leather wallet ay inilabas ng kanyang ama ang isang resibo at ibinigay sa kanya."Basahin mo iho.""Merry christmas son. You really did a great thing. Me and Mamma are so proud of you. Get your bike son. It is paid in full."Isang napakaliwanag na ngiti ang sumilay sa labi ni Bobby."Thanks Dad. Ito na ho ang the best christmas ever. And the best gift I have ever recieved."At masayang kinuha ni Bobby sa bike shop ang matagal na niyang inaasam na aginaldo para sa sarili.MERRY CHRISTMAS ONE AND ALL!!PHOTO NOT MINE.CTTO.42You, Merelie Alisna Vailoces, Rufina Rabago and 39 others2 CommentsLikeComment

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AGINALDO. AMERICAN INSPIRED STORY.Stories to obsess over. Discover now