CHAPTER 1

8.8K 195 11
                                    

___rain pov__

"RAINNNNNNN" . Napatayo ako nang marinig ko ang pangalan ko. "Bakit?" tanong ko sa tumawag sa aken.



"Kanina pa kita hinahanap,pinatatawag ka ni lola, lagot ka sa tatay". wika ni Kuya Renz meet my Renz Sebastian ang aking Kuya, ikalawa sa aming magkakapatid.




"bakit magsusumbong ka?" tanong ko sa kanya




"Oo,kung saan saan ka pumupunta" sagot naman nito




"Pasensya naman po, nasira ang bike ko umuna kana sabihin mo kina lola na susunod ako aayos ko lang tong bike ko" wika ko sa kanya at pinagpatuloy ang pag-aayos ng bike ko.




"Sige, pero bilisan mo" wika nito at umalis na.




Pagkaalis ni kuya renz inayos ko na ulit ang aking bike. 



Ako si Miyuki Rain Sebastian, bunso sa aming magkakapatid ang totoo ampon lang ako nina Tatay pero wala ako paki-alam ang mahalaga Mahal nila ako at ganun din ako sa kanila. Hanggang 2nd year high school lang ang natapos ko dahil hindi ko makayanan ang panglalait nila sa ginagawa ng Tatay ko,  Ano bang paki-alam nila kung magnanakaw ang tatay ko hindi naman sila inaano. Oo nga masama magnakaw,  pero sana imbis na laitin nila kami sana tinutulungan nila kami.



"Yes! tapos na rin ang pag-aayos ko ng aking bike makauwi na nga" wika ko




"Rain", narinig kung tawag sa akin, paglingon ko sa likod andun si gerald,binatang kasamahan nina tatay.



"Bakit?"- tanong ko



"Puwede ba tayong magdate?" tanong niya saken



"Ayoko,at saka sabi ni tatay bawal ako makipagdate" wika ko sa kanya at sumakay na sa bike ko. "sige una na ako kanina pa ako hinahanap samin e, salamat pala sa libreng gawa ng bike".



"Ah, ok lang,basta ikaw, rain my loves" wika ni Gerald



"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo" wika ko sa kanya at  umalis na ako doon, hindi pa ako nakakalayo eh may humarang sa akin na matandang lalaki.. 

Simple Girl Turned to a GangsterWhere stories live. Discover now