Three: Papa's Boy i mean Papa's Man

1 0 0
                                    

Cedric's POV

*/Ring...Ring...Ring.../*

Sinagot ko ang tawag ni Papa kahit na nasa gitna pa rin ako ng Class at nakikinig sa walang kwentang pinagsasabi ng Adviser.  "C-cedric, a-anak m-mahal kita! H-huwag m-mong pababayaan a-ang sarili mo. M-magiingat k-ka, m-magpapahinga na si P-papa." nagulat ako sa sinabing iyon ni Papa. Ito na ba yung sinasabi niyang madali na siyang mamatay? Hindi pwede, hinihintay pa ako ni Papa na makagraduate.

Tumulo na ang luha sa mga mata ko. Nalulungkot, nagagalit at nasasaktan. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang maranasan ko iyon.

"P-papa!!!!!! B-bakit g-ganito??? P-papa h-huwag mo akong papabayaan. D-dito k-ka l-lang s-sa t-tabi k-ko! P-papa!!!!!Papa!!!!! Papa-"

Marami pang tanong sa isip ko pero binaba na ni Papa ang linya.

Umalis kaagad ako, tumakbo ng tumakbo. Kasabay ng ulan ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko alam kung saan ako parorooon pero titigil lang ako sa pagtakbo kapag nawala na ang sakit na nararamdaman ko.

Gusto kong puntahan si Papa pero alam kong delikadong pumunta ang isang katulad ko sa grupo nila. Gusto ko mang labagin ang paniniwala na yan, ay hindi ko pa rin magawa.

Hinhinigal, napapapagod, at nawawalan na ako ng lakas. Tumigil ako sa isang bus stop, at doon ko napagtanto na wala ng kwenta ang buhay ko. Wala na si Papa, kaya dapat mawala na rin ako.

Sinubukan kong tumawid sa kalsada, at gusto ko ng mamatay. Wala pang dumaraang sasakyan noon, kaya babad ako sa ulan. Lumipas na ang ilang minuto at hindi ko namalayang may bus na pararating at papalapit saakin.

Tumayo ako ng marahan at hinarap ang bus na tatapos sa walang kwentang buhay ko. Pero nagkamali ako nang agad na hininto ng driver ang bus.

Nakita ko pang bumaba ang driver at lumapit saakin na may dalang payong.

"Boy, bakit nagpapaulan ka? At anong ginagawa mo sa gitna ng kalsada. Jusq delikado ang ginagawa mo Boy. Saan ka ba nakatira? "

"Wala ka ng pakialam doon, ang dami mong sinasabi ni hindi mo nga ako kilala. " nakakairita, hindi ba naman ako binagga. Tapos ngayon mag-aalala siya, sana ay binangga niya na ako para hindi na siya magtanong tungkol saakin.

"Ganito nalang, sumakay ka nalang muna rito tapos ihahatid nalang kita sainyo. "

"Ayokong umuwi saamin, wala namang halaga ang tirahan ko! "

"Halika na, magkakasakit ka diyan. Sumakay ka nalang muna at sabihin mo sakin kung saan mo gustong bumaba. " sumakay na rin ako dahil mapilit talaga itong driver na to.

Tumabi nalang ako roon sa babaeng kaedad ko rin siguro. Yun nalang kasi ang bakanteng seat.

Hindi ko makita ang mukha nitong babaeng to dahil sa nakapaharap siya sa bintana. At dahil rin sa nakasuot siya ng black cap, mask, at naka jacket.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung saan nalang siguro tumigil to dun nalang. Marami naman ang katabing lugar ng Quezon, pero gusto ko yung mas malayo pa dito. Babalik nalang ako dito kapag kaya ko ng harapin ang pumatay sa Papa ko.

Nakatulog ako sa bus at hindi namalayang gagabihin na rin kami. Nandito pa rin sa tabi ko yung babaeng naka black. Tulog rin ata kaya hindi gumagalaw.

"Huwag! Hindi ko kayo pababayaan! Luke, Ben dito lang kayo sa tabi ko! " malungkot na banggit ng babae sa tabi ko. Halatang umiiyak, heartbroken ata.

Tinignan ko ng maayos ang babae at nakita kong tulog nga iyon. Siguro ay nananaginip lang siya.

Hinayaaan ko na lang siya at itinuon ko ang pansin sa mga paaralang dinaraanan namin.

'University of Sto. Tomas Batangas'

Huh? Nasa batangas kami? Anlayo na nito.

"Hoy, driver. Bakit nasa batangas tayo?" sigaw ko kaagad ng marinig ng driver na nagmamaneho sa harap.

"Boy, kanina pa kita tinatanong kung san ang baba mo pero hindi ka sumasagot. Dito talaga ang byahe ko, kung gusto mong bumalik sa Quezon, maghihintay ka pa ng tatlong araw. "

Ganun ba? Saan naman ako nito titira?

Kinuha ko ang wallet ko na may lamang mga atm ni Papa. Lagi kasi akong binibigyan ni Papa ng allowance, pati yung lima niyang atm card ay nasa akin. Ibabalance ko nalang lahat yun para malaman kung sakto na yun sa allowance ko.

"Aleciano Rozell Alonzo? " nagulat ako ng banggitin ng babaeng katabi ko ang pangalan ni Papa.

"Bakit? Kilala mo siya? "

"H-hindi, ikaw kaano ano mo ba siya? " nauutal pa nga.

"Papa ko." nakita ko pa ang gulat sa expression niya, para bang nakakita siya ng multo o ano.

"Huh? Papa mo? "

"Oo, bakit mo nga pala alam ang pangalan ng Papa ko kung sinasabi mong hindi mo siya kilala? "

"Baliw ka ba? Malamang, yang atm mo. Hindi ka ata marunong magbasa! " ay oo nga pala, nakita niya lang sa atm. Ay sandali, sinabi niya bang hindi ako marunong magbasa. Ay iba naman itong babaeng to.

Bumaba na ako dito sa harap ng BDO para icheck ang balance ng Atm ng Papa ko. Mabuti nalang at meron pang 52k sa isang atm ng Papa ko. Dalawa lang dito sa lima ang may laman. Kaya ang allowance ko ay 72k.

Naghanap na rin ako ng condo dito, at sa wakas ay nakahanap rin ako. Malapit ito sa Walter Martz kaya pwede kong lakarin nalang ang Mall at bumili ng grocery.

Binigay na saakin ang susi ng condo unit na nakuha ko. Mayroong 3 palapag ang condo na ito. At may 4 na unit sa bawat palapag. Pinili kong pumuwesto roon sa ikalawang palapag, at nasa dulong unit ako dahil sa nakikita ang view nito sa kalsada.

'Magbabago ako para kay Papa! Ipaglalaban kita Papa! Hahanapin ko ang pumatay sayo. '

##########After 4 Years###############

Buti naman at naisipan ng ilipat ako sa Class A. Hindi kasi kinakaya ng mga kaklase ko ang kagwapuhan ko, at umay na umay na ako roon.

Pinakilala na ako ng Adviser nilang buntis. Organizado ang upuan nila kumpara saamin. Maayos at malinis rin ang room nila kumpara saamin. Iba talaga kapag Class A. Mga nerds ang nandito, walang shawty.

"BAKIT BA DITO MO NAISIPANG LUMIPAT? KUNG SA TINGIN MO PAGPEPYESTAHAN KA DITO, THEN PIKIT KA NALANG! " nagulat ako sa maarteng to na bigla nalang sumigaw.

"MS. LOWELL!!! What do you think you're doing? Gusto mo bang magkaroon ng record uli sa guidance?" nakita ko pang napahiya ng kaunti yung maarte haha. Iba talaga mangsermon ang buntis.

"Well, it's okay Miss. Mas okay nga yung nahanap ko na ang katapat ko, mas interesting!" palusot ko rin, masaya rin kasi sigurong asarin to. Shawty na rin to, slight lang.

Chix rin naman. Short hair, Singkit, Maputi pero maarte. Ganyan ba talaga ang mga pa-hard to get? Maganda nga, maarte naman.

Umupo ako sa likod nung babaeng sumigaw kanina. Dun daw yung available na seat kaya dun rin ako.

"Hi Cedric! Ako si Aria, pwede mo rin akong imine hihi. " nagpacute pa itong nasa harapan kong katabi yung maarteng nilalang.

"Well, wala kasi akong gusto sayo. Cenxia na, ganito talaga kapag gwapo may nasasaktan. "

"Yoc, ganyan ba talaga pag Pilosopo na kailangan pang lumipat ng Class A? " sabat naman nitong maarteng to.

"Ano ba naman Vivianne, ang ganitong mga hottie hindi dapat sinasama sa target natin. " anong target na pinagsasabi nitong Aria?

"Hoy, ikaw lahat nalang ata sayo hottie. Mag internet love ka nalang. Bopols ka maghanap ng real love mo eh. " haha, nagiinternet love rin pala ang mga to.

"Vivianne, tumigil ka nga. Porket hindi premium yung internet love mo, pati lovelife ko dinadamay mo na. "

Vivianne? Yan pala ang pangalan mong loko ka. Haha,  Vivianne... Vivianne... Vivianne... Ansaya sigurong tripan nito.

Lovely Mission Under Investigation...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lovely Mission Under Investigation Where stories live. Discover now