Napanganga naman si Renjun after nilang marinig na sabihin ni Mark yun. Hindi naman nalalayo ang edad ni Mark sa kanila pero kung makapagsalita sya parang same age sila ni Taeil.

"Ang cool mo naman jan. Ako nalang kasi Mark." Biro pa ni Renjun at nagkunwaring hahalikan si Mark.

"Renjun ang harot. Parang wala si Yangyang sa tabi-tabi." Saway ni Winwin sa kanya.

"Hay nako hyung. Pagsabihan mo yun, ang gulo nya. Nabibwisit na kamo ako. Sagadin pa nya ako one more time, kay Mark na ako magpapaligaw."

"Kung ligawan ka eh." - Winwin.

"Ano Mark? You want fubu?"

"Hoy Renjun gago ka? San mo nalaman yan? Halika nga dito!" Tumayo si Taeyong at hinila si Renjun.

"Joke lang eh! Hyung joke lang talaga! Gusto ko lang syang asarin! Malay mo patulan."

"Bat naman fubu?" Tanong ni Jaemin na nagtataka. Si Renjun kasi hindi mo din mapredict minsan eh.

Akala mo nagbibiro, seryoso na pala.

"Eh ayaw nya kong ligawan eh."

"Bobo ka ba? Nakareserve ka kaya!" Singit naman ni Chenle kaya nilingon sya ni Renjun.

"Kanino? Hindi nga nagpaparamdam! Magsama nga kayo nun Jaemin!" Sabay tulak ni Renjun sa kanya.

"Anla bakit naman ako?" Jaemin pouted. "Manhid nga eh."

"Hindi ka din kasi nagpaparamdam. Ano ba yan? Malay mo kasi ayaw lang mag-assume." Sabat ulit ni Chenle.

"Woi! Yung mga sunod na talunan lumapit na dito!" Sigaw ni Donghyuck sa kanila.

"Tangina mo! Tingnan natin kung sinong talunan satin!" Sigaw ni Renjun pabalik kay Donghyuck.

"Handa akong maging talunan para sayo Hyuck!" Sabi naman ni Sungchan kaya tumingin sa kanya lahat ng mga kagrupo nya.

"Gago ang corny talaga." Sabi ni Winwin.

"Alam kong hindi normally ganyan si Sungchan pero nagpapakamais ang loko para kay Hyuck." Dagdag pa ni Taeyong.

"Hayaan nyo, kita nyong hulog na hulog eh."

Napatingin naman si Sungchan sa mga kagroup nya nang mapansin nyang nakatingin pala sila sa kanya. Napapailing lang si Mark sa kanya.

"Bakit?"

"Wala na bang mas icocorny yang banat mo?" - Jaemin.

"Papatalo ka jan? Pano kapag hindi ka sinagot non in the future?" - Renjun.

"Okay lang."

"Hoy Renato hindi ka sure! Kaya manahimik ka gago!" Sigaw ni Hyuck dahil narinig nya yung sinabi ni Sungchan.

Dahil sa sinabing iyon ni Hyuck, ngumiti ng malawak si Sungchan at namumula pa. Pati si Hyuck namula din sa sinabi nya dahil nagulat din sya sa ginawa nya. Tinatawanan tuloy sya ni Shotaro at Hendery.

"Si Jaehyun daw handa din maging talunan para kay Taeyong!"

"Hoy gago!" Inirapan ni Taeyong si Johnny.

Pinagtulungang hilahin ni Winwin at Jaemin si Sungchan dahil para itong tangang na stuck sa kinatatayuan nya dahil sa sinabi ni Donghyuck.

Sinulyapan pa ni Taeyong si Jaehyun at nagtaka pa sya na nakatingin ito sa kanya at nakangiti.

Ginagawa nitong gagong to?

The game goes on, ang team nina Taeyong ang huhulihin ngayon at si Jaehyun ang nasa unang line. Nakapasok naman ng mabilis yung iba sa line at si Taeyong ang naiwan sa first line.

Feelings that can't Ignore [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now