Chapter 1

39 0 0
                                    






"Let's go babe!"

"Tara na hinihintay na tayo nina Liam, thanks sa pag pick up babe!" Niyakap ko ang best friend ko na si Apollo pagdating niya sa mansion namin.

"No problem, ikaw pa malakas ka sakin!" Kinindatan niya pa ako "nasaan pala sina tita?"

"Bolero! Well nag shopping nanaman si mommy kasama ang mga amiga niya at si papa nasa office as usual, kaya tara na!" Aya ko sa kanya.

May medical mission ang Ivanov Medical Hospital na pag aari ng family nina Apollo ngayon. Isa lang ito sa chain of hospitals ng mga Ivanov bukod sa mga pharmacy nila around Asia. Na taon taon na nilang ginagawa.

At dahil only son lang siya ay sinundan niya ang yapak ng kanya mga magulang.
Surgeon ang papa ni Apollo, ang mama niya ay Ob-gynecologist at Cardiologist naman si Apollo.

At ngayon nga ay sinundo niya ako para pagtakpan sa parents ko dahil hindi nila alam na kasama namin si Liam. Hindi pa alam ng parents ko na may sineseryoso akong boyfriend ngayon.

Around Los Baños Laguna lang din naman so malapit lang. Every year din akong nagvovolunter sa medical mission ng hospital nila.

Since toddlers pa kame mag best friend ni Apollo. And to be honest never akong nagkaroon ng malisya sa kanya. Dahil purely brother and sister lang kame.

Kahit na si Apollo ang definition ng tall, dark and handsome sa mga wattpad stories at movies, dagdag pa nga na galing siya sa mayamang pamilya at sobrang talino ay hindi ko gusto na masira ang pagkakaibigan namin.

"Hi babe!"

Sinalubong ako ng yakap at halik ni Liam. Two months na kameng nagdadate at isa siyang businessman. Pinilit ko nga lang siya na sumama sa amin. Ang pinagkaiba nila ay mestizo si Liam at mas matangkad at moreno si Apollo.

"Okay lovebirds! Let's go!" Tawag sa amin ni Apollo.

Nagkakilala kame ni Liam sa isang party na dapat dadaluhan ng parents ko at ako ang naging representative nila dahil nga nagkaroon ng problema ang branch ng steel business namin sa Singapore kaya umalis sina mommy. And the rest is history.

Lagi ko ngang sinasabi kay Apollo na I'm very thankful kase nakilala ko na ang forever ko. Well, si Liam lang kase ang pinakamatal na naging boyfriend ko at feeling ko siya na ang forever ko.

Two weeks to one month lang tumatagal ang mga nagiging boyfriend ko. Bakit pa kase patatagalin kung di ka na masaya at wala ng thrill diba? Pinapahirapan niyo lang mga sarili niyo.

Agad natapos ang medical mission sa Laguna kaya kinagabihan ay umuwi din. At kinabukasan nga ay napagdesisyunan namin ni Liam na mag dinner date dahil may sasabihin daw siyang importante.

Nasa fine dining restaurant kame ng isang five star hotel around Makati. And kanina ko pa napapansin na kabado si Liam. May something sa kanya ngayon kase extra sweet siya.

"Babe, will you marry me!"
Out of nowhere ay propose niya sa akin. Napapunas ako bigla ng table napkin sa bibig ko.

Nagulat ako at hindi agad nakapagsalita. This is the best feeling in the world. I've been waiting for this to happen and now nangyayari na siya.

"Of course babe!" Masayang masaya ako kahit na hindi ganung proposal ang ineexpect ko sa kanya. Nappressure na talaga ako sa parents ko. Mas atat pa sila sa akin eh twenty six pa lang naman ako.

"Okay we'll get married after 6 months okay!"

"Okay."
Ayos na sa akin ang six months na preparation. By that time masasabi ko na kina mommy na ikakasal na ako "at ipapakilala na kita sa parents ko".

Matatanggap nila si Liam dahil isa din itong respetadong businessman at same circle ang ginagalawan namin. Although, hindi masyadong kilala ang family nila.

Actually hindi pa nakikilala ng parents ko si Liam, alam ko kase gusto nila na kame ni Apollo ang magkatuluyan. Pati ang parents ni Apollo ay yun ang ineexpect. Pero para na kameng magkapatid ni Apollo.

Siguro naman ay maintindihan nila kung saan ako mas sasaya. At alam ni Apollo yun dahil sinasabi ko sa kanya lagi na pag kame ang ikinasal ay parang incest na din yun. Dahil parang magkapatid na kame.




______




Thanks please vote and comment!❤️

My Bestfriend got me PregnantWhere stories live. Discover now