"Mommy, mommy, I want to go outside!" Makulit na hatak na lamang ni Jeric sa kanyang palda.


Kasalukuyan kasi silang nagpapahinga sa may silid nila matapos makapag-ayos ng mga gamit.


"Later baby," tapik na lang niya sa pisngi nito.


"We're moving!" tuwang-tuwang sigaw naman ni Jurius na nakasilip sa may bintana.


"Yes we are baby, so stop jumping there na!" sita niya na lang sa anak.


"So, saan niyo gusto pumunta, there's a casino here and a play area for kids along with a swimming pool," saad na lang ni Andrea dahil na rin sa pangungulit ng mga paslit.


"Mommy, I'm hungry!" maktol na lang ni Jeric sabay hatak ulit sa palda niya.


"Can we go get something to eat muna, mukhang gutom na iyong mga bata," pilit ngiti niya na lang sa kaibigan dahil na rin sa pangungulit ng mga anak.


"Sure, sure, let's go na boys, huwag na kayo magkulit kay mama niyo at nawawala ang beauty!" natatawang abot na lang ni Andrea sa kamay ng mga bata.


Tuwang-tuwa naman ang mga paslit na kumapit dito at halos magtatatalong pa habang papalabas sila ng kanilang kuwarto. Mabuti na lamang at mayroon talagang isinama si Andrea na mga yaya nito para mag-alaga sa mga bata.


Halata ang sobrang tuwa ng mga anak niya nang makapasok na sa malaking bulwagan kung saan napakaraming nakahilerang lamesa. Sa gitna nito ay mayroon nakahandang pabilog na buffet para sa mga naroon.


Agad silang naupo sa isa sa mga lamesa na malapit sa mismong buffet table para na rin hindi sila mahirapan na magpabalik-balik.


Abalang umoorder si Andrea sa isa sa mga waiter na lumapit sa kanila roon, nang maglikot na lamang ang kambal niya mula sa kina-uupuan ng mga ito at tila ba nagliwanag ang mga mata nang mapatingin sa kanyang likuran.


"Vanvan!" sabay na sigaw ng mga anak niya.


Mabilis na lamang ang pagsasalubong ng kilay ni Lucy sa pagtataka sa sinabi ng mga anak bago nagdesisyon na tumingin sa kanyang likuran. Mas lalo pang kumunot ang kanyang mukha nang makita ang maliit na paslit na tumatakbo na papunta sa kanilang lamesa, napalunok na lamang siya ng malalim nang makita ang ama nito na ngising-ngising nakasunod lamang dito.


"Jewic, Juwus!" tuwang-tuwang sigaw ng paslit pakasalubong ng kambal niya.


Malakas ang naging hagikgikan ng mga bata nang magyakap-yakap at halos nagtatatalong pa sa sobrang tuwa na makita ang isa't-isa.


"Play, play!" walang patid na sigaw ng mga ito.


Mabuti na lamang at nanatiling naka-alalay ang mga kasama ni Andrea na yaya sa tatlo.

Their Complexities (Book 3 of 3)Where stories live. Discover now