Kakaibang init ang maramdaman niya, mayroong mali. Naglakad siya upang makaiwas sa tao ngunit nakita niya na mayroong isang babae na naglalakad sa gitna ng dilim.

'Ang init talaga, tangina.'

************

Si Claudia Clause D.  Barrenya ay nasa ikalawang taon sa kolehiyo.  Isa siyang deanlist at academic scholar.  Salat sa karangyaan ang kaniyang pamilya  kaya kinailangan niyang mag-aral ng mabuti upang makapagtapos.

"Tay, mauna na ako."

"Wala kayong pasok diba?"

Araw nang pagtatapos ng araw na iyon. Walang propesor sa unibersidad na kaniya pinapasukan ngunit kailangan niyang tapusin ang pagsasaliksik na inatang sa kaniya ng kaniyang propesor.

"I-eedit ko pa yung research na ginagawa ko."

"Umuwi ka ng maaga ha."

"Sige po tay"

Nang makapasok sa unibersidad ay agad siyang dumiretso sa silid-aklatan upang tingnan ang iba pang materyales para sa kaniyang pananaliksik.

"Sisi"

Nakita niya ang kaniyang kaibigan na nasa silid-aklatan din. Parehas sila ng kurso at magkaklase sila. Ang kanilang pananaliksik ay isahan lamang kung kaya't wala silang kagrupo at doble ang kanilang pagtatiyaga.

'Wala rin namang pinagbago kung may kasama o wala. Pabigat lang naman sila'

Ang kadalasan na nangyayari sa tuwing sila ay mayroong pananaliksik ay si Sisi ang madalas na gumagawa at tagabigay lang ng pera ang kaniyang mga kaklase.

'Palibhasa ay mga anak mayaman at walang alam kun'di magsaya. Buti at may iba na seryoso at masarap kagrupo pero kadalasan... tsk. '

Sa buong taon niya sa unibersidad ay hindi siya natutong uminom sa mga bar. Kung sakali man na may lakad silang barkada ay sinusigurado niyang hindi maaapektuhan ang kaniyang pag-aaral. Kadalasan ng kanilang pag-alis ay pumupunta sila sa mga kainan.

"Tapos ka na ba, Sandra?"

"Hindi pa nga eh. Kanina pa ako dito, ang hirap dudugo na talaga ang utak ko."

"Kaya mo yan"

"Oo nga pala, kilala mo 'yong Summa?"

"Summa ngayong taon?"

"Oo, Napaka guwapo at sabi nila ay mabait pa."

"Naku Sandra, nagpapaniwala ka naman sa kanila."

"Sus, sabihin mo wala kang pake sa mga pogi. Mukhang papakasalan mo ata 'yang mga libro eh."

"Wag kang OA, Sandra."

"Tingnan mo, guwapo ni bebe Yller mah labidabs!"

Pinakita ni Sandra ang larawan na kuha ng kaniyang cellphone. Nang siyasatin ni Claudia ang larawan ay napatango siya.

"Puwede na."

"Wow gurl, puwede na? Choosy ka? Ganda ah!"

Lumapit sa kanila ang librarian at pinagsabihan sila dahil sa ingay na kanilang nilikha.

Fucker Series #6: YLLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon