"Hindi ko po kailangan ng awa, Nay. Alam mo iyan." I said with a cold tone. "Kaya ko pong ipagtatanggol ang sarili ko. Na kahit wala ang tulong ng ibang tao, kaya ko."

Nagulat siya sa sunod-sunod na sinabi ko. Lumapit siya saakin at hinaplos ang mukha ko.

"Nasasaktan ka na, Nak. At hindi ko nakakayang nakikita kang ganyan."

"Hindi po ako nasasaktan, Nay. Huwag na po kayong mag-alala."

"Magpahinga ka na. Baka dumugo pa 'yang sugat mo." Pinal niyang sabi at lumabas na ng kwarto.

Tanghali na ako nagising dahil sa pagaalboroto ng aking tiyan. Lumabas ako at nakita si Nanay, naghahanda ng pagkain. Hindi siya pumasok sa trabaho?

Sumulyap siya sa akin at bumalik ulit sa ginagawa. She's just worried kaya siya nagagalit saakin ngayon.

Naghilamos muna ako bago lumapit sa kanya at umupo na.

Walang nagsasalita saamin. We stayed silent for a long time. I don't want to talk about what happened yesterday so I remained silent. Pero hindi na niya napigilang magsalita.

"Huwag mo na ulit gagawin 'yon, Rielle." malumanay na sabi niya.

"Huwag na kayong mag-alala saakin,kaya ko ang sarili ko."

"Hindi ko lang maiwasan, Rielle. Paano kung napuruhan ka? Paano kung natamaan ka?"

"Hindi naman masakit, Nay. See? I'm still alive and kicking!" Biro ko.

"Huwag mong gawing biro ang nangyari." Sabi pa niya. "Tingnan mo nga 'yang katawan mo? Linggo-linggo,may bago. Naku,Rielle! Maawa ka naman sa katawan mo. Mukhang hindi na 'yan nakakatikim ng kaginhawaan."

Nagsimula na kaming kumain habang siya ay serom pa rin ng sermon sa akin. Hindi siya pumasok ngayong araw para bantayan ako kahit hindi naman na kailangan.

"Nay, paano niyo po nalaman na ako ang—" She cut me off.

"Paanong hindi ko malalaman? Eh, bata ka palang, ako na nag-alaga sayo. Kilalang-kilala na kita. Alam ko naman na hindi mo natitiis na tulungan ang mga nangangailangan. No'ng sinabi ni Ma'am Alena na babae ang nagligtas sa kanila at samahan pa na bagong mukha ng babae, ikaw agad ang naisip ko." Mahaba niyang paliwanag.

Bago pa ako maka-react, pumasok na si Andeng at ang tatlong lalaking tropa niya sa loob. Nagmano sila kay Nanay.

"Maiwan ko muna kayo. Andeng,bantayan mo ang ate Rielle mo." Sabi ni Nanay at iniwan na kami.

"Hi, Rielle!" Bati ni Fernan at Ralph. Si Kevin naman nakatitig sa damit ko.

"Ate, dugo ba iyan sa manggas ng damit mo?" Nag-aalala tanong ni Andeng. Napatingin din ang dalawa. "Saka, diyan sa labi mo? Bakit may pasa? Nakipag-away ka ba? Bakit may ka may sugat?"

Wait...hindi nila alam?

Hindi naman kita ang sugat ko dahil mahaba ang manggas nitong damit na pinahiram saakin ni Cross kagabi pero may bahid na ng dugo.

I just give her a cold stares. Napaatras sila sa ginawa ko. I just don't want them to be so loud and nosy!

"Uhm...u-upo na muna k-kayo...kukuha ako ng m-maiinom." She stuttered bago tumalikod. Umupo naman ang mga tropa niya.

Tinalikuran ko sila para sana pumasok na sa kwarto ko pero naintriga ako sa sinabi ni Ralph.

"Buti nalang talaga hindi nasaktan si Senyorita Venice no? Ang lakas naman ng loob ng mga holdapper na 'yon na puntiryahin ang pamilyang Sullivan! Mga dayo pa naman sila at dito pa naisipang pumunta!" Nanggigigil na sabi nito. Natigil ako saglit at umupo sa sala. Pinakinggan sila.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now