Chapter 4

165 13 0
                                    

"Girl, bakit ka ba umiiyak?!" Tanong sa'kin ni Estrella sa'kin umirap naman ako, hindi na naman ako umiiyak eh mapula lang ang mata ko kaya nga hindi pa ako makasalabas ng bahay para pumunta sa bahay nila Lance.

"Tumawag ka sa'kin tapos ayaw mo naman sabihin kung bakit ka naiyak, baliw ka ba?!" Umiiling niyang sabi. Napasimangot naman ako.

Nakapatay ang cellphone ko kaya hindi ko alam kung hinahanap na ba ako ni Lance, gusto ko naman agad pumunta sa kanila para hindi siya makahalata pero hindi ko magawa. Ang pula ng ilong at mata ko halatang kakagaling ko lang sa iyak alam kong magtatanong iyon at hindi iyon titigil hanggang hindi ako sumasagot sa kaniya.

"Basta Ellaine mag-sabi aba! Ilang taon mo na siyang gusto, high school pa lang ako no'n nung nakilala kita tapos ngayon college na ako, hindi ka pa rin na-amin. Aba Cole, umayos ka 'wag mo sayaningin ang oras. almost nine years na rin iyan." Sermon niya sa'kin, hindi naman ako umimik.

Nagpaalam na siya na ibaba na niya dahil aalis pa siya.

Pagkababa ng tawag ay agad ako tumayo saka humarap sa salamin.

"Okay na 'to." Sabi ko saka inayos ang sarili, gagawa nalang ako ng paraan para hindi niya mahalata.

Tumalikod na ako mula sa salamin at naglakad na papunta sa pinto ng kwarto ko. Pero hindi ko pa tuluyan na bubuksan 'yun ng biglang bumukas ang pinto.

"Kulet!" Sigaw niyang tawag sa'kin napairap nalang ako. Ang sakit! Itulak ba naman basta-basta 'yung pinto eh 'di tumalsik ako.

"Kulet! Gago, sorry!" Sabi niya saka ako aligagang inalalayan tumayo.

"It's okay." Sabi ko nang makatayo ako sa pagkakabagsak. Ano'ng ginagawa ni Lance dito?

Ang usapan namin ako ang pupunta sa bahay nila.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Nag-alala ako. Akala ko hindi kapa nakakauwi, kasi hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko. Kaya nagpasya na ako pumunta rito. Tapos sabi ng pinsan mo nandito ka sa kwarto mo umiiyak." Paliwanag niya

"Kulet, bakit ka naiiyak?"

Hindi ako sumagot, tinignan ko lang siya sa mata niya. Halata sa tono ng boses niya ang pag-alala. Pero matagal na naman ako ganito palaging nagsisinungaling sa kanya pagdating sa totoong nararandaman ko pagdating sa kaniya.

"Wala lang, ano... Nagkasagutan lang kami... ni Marga, pero wala lang 'yun." Ngumiti ako sa kan'ya, sorry Marga pero, wala na ako maisip mag-explain nalang ako sa'yo.

"Si Marga?" Tanong niya, pero bigla ako kinabahan. 'Yung boses niya parang never ko pa narinig ang tono na 'yun.

"Hayaan nalang natin, tuloy pa rin ba sa inyo?" Pag-iiba ko ng topic.

"Yeah..."

"Tara na."

***

"Ate nicole." Tawag pansin sa'kin ng kapatid ni Lance. Kanina pa kasi kami naglalaro, wala pa sila Tita at Tito kaya nakikipaglaro muna ako sa kapatid ni Lance habang siya ay naliligo.

"Bakit?" Malambing ang boses kong tanong at kinurot ang pisngi niya. Ang cute-cute talaga ng batang 'to, manang-mana sa Kuya niya. "Hindi ka po ba talaga girlfriend ni Kuya?" Inosente niyang tanong, bumuntong hininga naman ako bago mabilis na umiling.

Kung pwede lang na girlfriend ako ng Kuya mo edi masaya, kaso hindi eh. Hanggang bestfriend lang talaga.

It's so hard! Alam mo 'yung gusto mo 'yung tao, gusto mo naman umamin kaso ayaw mo masira ang friendship na meron kayo? Nakakabaliw!

Hindi lang kasi friendship namin ang mawawala kung sakali, pati na rin siya. Takot akong mawala siya kaya mas pipiliin ko nalang talaga ang manahimik. At least sa ganitong situation kasama ko siya, nakakausap at may connection ako sa kanya.

"Sayang po Ate, gusto ko pa naman po kayo maging girlfriend ng Kuya." Sabi niya, hindi nalang ako umimik at ngumiti nalang.

"Alam mo ba Ate, lagi ka ikwinekwento sa'kin ni Kuya, kung gaano ka raw katalino at kagaling sa school." Agad ako napakunot ng noo sa sinabi ni Rex, hindi ko napigilan ang sariling mapangiti. Flex na flex sa kapatid huh?

"Talaga?" Galak kong tanong habang hindi nawawala ang ngiti sa labi.

Sunod-sunod siyang tumungo. "Opo, lagi niya sinasabi na hindi raw niya kaya mabuhay ng isang araw na hindi ka nakakasama po." Dagdag na sabi niya na mas kinangiti ko, pero agad din nabawasan ang ngiti sa labi ko ng maalala ko na hindi pala ako ang gusto.

"Gano'n ba? Kaibigan kasi ako ng Kuya mo kaya gano'n." 'Yun nalang ang sinabi ko saka ginulo ang buhok niya.

Maya-maya ay naramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Rex kaya nilingon ko 'yun, agad naman nahagip ng mata ko ang bagong ligong si Lance.

Nakasuot siya ng volleyball jersey na may pangalan ng school namin sa harap at sure akong apelido niya ang nakalagay sa likod pati na rin ang number ten. Hindi naman sa asumera ako pero, favorite number ko ang ten at hindi ko alam kung bakit 'yun ang number na pinalagay niya sa jersey niya, halos apat na taon na 'yun ang number niya hindi siya nagpapalit.

"Poging-pogi ka na naman sa'kin." Pagmamayabang niya bago naupo sa tabi ko, inirapan ko lang siya kunwari nagtataray kahit ang totoo ay ang pogi naman niya talaga sa suot niya. Kahit anong suot yata niya pogi siya sa paningin ko, siya iyong poging hindi nakakasawa tignan kung baga.

"Taray talaga." Bulong niya bago tumawa.

"Pakialam mo."

Tumawa siya. "Rex, baba kana roon, nando'n na sila Mama." Utos niya sa kapatid niya akmang tatayo na rin ako para samahan si Rex nang pigilan ako bigla ni Lance at hilahin ulit paupo ulit.

Narinig ko na naman sumara ang pinto hudyat na nakalabas na ang bata masama ko naman nilingon si Lance. Masakit din 'yung pag-hila niya sa'kin 'no.

"Bakit?" Inis kong tanong, sasamahan ko lang naman 'yung bata ayaw pa niya ako payagan.

"Dito muna tayo." Sabi niya agad naman kumunot ang noo ko at nagtaka.

Ano na naman kaya ang trip ng lalaking 'to?

Gano'n nalang ang gulat ko ng hapitin niya ako palapit sa kan'ya at kinulong sa braso niya. Marahan ko rin naman pinulupot ang braso ko sa bewang niya at gumanti ng yakap. "Bakit?" Mahinahon ko nang tanong. "Gusto ko lang ng yakap mo." 'Yun lang ang sinabi niya bago ko naramdaman binaon niya ang mukha sa balikat ko.

"'Yung totoo?" Tanong ko, alam ko may problema 'to. Ayaw lang sabihin sa'kin.

"Wala naman. May narinig lang ako kanina." Sabi niya habang magkayakap pa rin kami. Ano naman kaya ang narinig ng lalaking 'to at parang binagsakan ng langit at lupa.

"Ano'ng narinig mo?"

Bumuntong hininga siya bago nagsalita. "Wala ka naman gusto sa'kin, 'di ba?" Tanong niya nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya.

"Bakit mo naman na tanong 'yan..." Kabado kong sabi. Shit may narinig ba siya na kung ano?!

"Ayoko lang masira friendship natin, mahalaga ka sa'kin kulet, super special mo sa'kin. At alam mong may gusto akong iba ayaw lang kitang masaktan, kaya tinatanong kita." Sabi niya, simpleng mga salita lang 'yun pero parang sinaksak ang puso.

"Ah... Wala akong gusto sa'yo ano ba." Sabi ko saka pekeng tumawa. Kasi ang totoo hindi lang ito basta gusto, mahal kita eh.

Mas pipiliin ko nalang masaktan ng patago, kaysa masira ang pagkakaibigan natin na matagal nating binuo. I'm sorry, Lance kung palagi ako nagsisinungaling pagdating sa feelings ko sa'yo.

Chasing My Bestfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now