"Tiba-tiba tayo nito pag-nagkataon! Sabi na nga ba at mayaman ang mga ito eh!" Hinubad ng mga ito ang suot na relo at mga alahas sa katawan ng pamilya.

Fuck! I didn't expected that I'll witness this kind of robbery here in province, akala ko sa Maynila lang. Kung akala nila na wala pang taong dumaraan dito at masukal pa, well, they're wrong! Malas lang nila at ginawa pa nila ito ngayong araw.

Fuck this! Mukhang mapapasabak nanaman ako sa gulo. Hindi ko naman pwedeng hayaan nalang sila. At may babae pa.

Tumayo ako at binuksan ang nakasarang jacket ko revealing my black racerback to inhale some fresh air. I used my towel to wiped my sweat.

"Ano? Tuluyan na ba natin ang mga ito?" Sabay tutok ng baril sa ulo sa mga ito.

"Akin nalang 'yang bata. Sayo na ang Nanay, mukhang bata pa at sariwa." Sabi no'ng isa.

"Teka lang, mga pre!" Sumulpot ako sa likuran nila. "Hep, hep! Relax lang!" Kalmadong sabi ko nang itutok naman nila saakin ang kutsilyo nila.

"Umalis ka na, Miss! Kung ayaw mong madamay dito!"

"Ano mga pre? Patayin na rin natin ito? Baka magsumbong pa."

"Naku pre! Huwag muna..." Pinalibutan nila akong apat. Pinagmasdan ko naman ang mga naka-luhod sa harapan. I saw their weary eyes. Para bang sinasabi nila saakin na dapat hindi na ako nakialam pa. Ang mag-asawa ay nakahalukipkip, samantalang ang anak nilang babae ay basang-basa na ng luha ang mukha.

Tinulak ako ng isa sa kanila at napaluhod sa harapan no'ng babae. Naramdaman ko ang hapdi sa bukong-bukong ko. Maging ang siko at tuhod ko ay masakit. Letse!

I looked at the girl in front of me, crying. I wiped her tears away.

"Stop crying." Malambing na sabi ko sa kanya at bumaling sa nanay niya. Gusto nilang magsalita pero hindi nila magawa dahil sa telang nakatali sa bibig nila. "You'll be safe. Trust me."

"Isama na natin ang isang 'yan! Pwede na rin namang pakinabangan!" Marahas akong lumingon sa kanila.

Namuo ang galit sa dibdib ko at napakuyom ako ng kamao. I remove my jacket and put it on the girl's body at tumayo. Pinanlisikan sila ng mata, isa-isa.

"Maganda at sexy. Swerte talaga tayo ngayong araw!" Sabay pasada ng tingin sa katawan ko.

Boys will always be boys. Makakita lang ng maganda at sexy, naglalaway na agad.  Letse! Babastusin pa ako?

"Ano, miss? Mukha namang masarap ka at—" Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita ang  payat na lalaki at agad ko siyang binigyan ng malakas na suntok sa mukha. At dahil sa patpatin siya, siya'y bumulagta agad sa buhanginan.

One down, three to go.

Mabuti nalang at nag-aaral ako ng martial arts sa tulong ng isang kaibigan sa Maynila kaya marunong akong makipaglaban.

"Letse ka!"

May isang humablot sa braso ko at sinampal ako ng pagkalakas-lakas dahilan ng pagkadapa ko. Nalasahan ko pa ang dugo sa gilid ng labi ko. Agad akong tumihaya at mabilis na sinipa ang paa ng lalaking umambang lalapit saakin.

I give him punch to strike the bottom of his jaw and then to his ribs. Napaluhod siya sa ginawa ko. Siniko ko ang likod niya at nawalan siya ng malay.

"Tumayo ka, Miss!" I stopped when I felt a knife was pressed right on my neck. Dahan-dahan akong napatayo at napataas ng kamay. "Langya! Pinapahirapan mo kami! Sino ka ba?" Nanggigigil na sabi nito.

"Fuck!" Mura ko dahil sinampal ulit ako ng isa pang lalaki habang ang isa naman ay mahigpit ang hawak sa magkabilang braso ko. Isang sampal ulit ang nakuha ko at halos mapasubsob na ako sa lapag kung hindi lang ako nahahawakan ng kasama niya.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ