Journey 46

37 2 0
                                    

I know that we're having a moment right there but I can't help it! Masyado akong na overwhelmed. This is it!

Nag-paalam na kaagad ako kanina kay Kuya at sabi kong babawi nalang. Of course, He and Sharlene ask kung ano raw ang nangyari and I gladly told the good news.

Lahat ng members ay na-alerto. Actually, magkakasama na raw silang tatlo non, Si Stell, Josh and Sejun. Si Ken daw ay may pinuntahan. Madalas namang wala si Ken kaya medyo nagtataka na ako.

Agad akong pumara at nag-bayad sa driver ng tricycle. Patakbo akong pumasok sa company namin at hindi na ako hinarang ng guard since kilala na niya ako. Halos madapa dapa na ako sa pagtakbo sa pagpunta sa elevator. Nang bumukas ito ay hingal na hingal na ako na kumatok sa pinto ng studio.

"Andito na si Justin" rinig kong wika ni Sejun. Pumasok ako don at wala pa si Stell at Ken. Sabi nila ay may pupuntahan palang daw saglit si Stell habang hinihintay kami.

"Oy, Jah. Andiyan ka na pala, Musta pagkikita niyo?" tanong ni Sejun.

"Ayos naman kaso may plot twist amp" tumawa ako "We're having dinner that time nang tumawag si Josh tapos binalita niya nga iyon kaya medyo nagulat ako tapos nagpaalam ako sabi ko bukas nalang ulit" patuloy na pagkwento ko.

"What's the plot twist you said a while back?" tanong ni Josh. Halata na kating-kati na siya malaman. So I laugh bitterly.

"Crush ko, Pamangkin ko" natatawa kong wika.

"Gago?!" sabay na wika nila kasabay non ay ang pagbukas ng pinto at iniluwa sina Ken at Stell.

"Kami ba ang minumura niyo?" inosenteng tanong ni Ken so Sejun and Josh shake their heads.

"Bakit ganon nga reaction niyo? Anyare? Hm? Justin?" pang-iintriga ni Stell. I laugh and just shake my hands.

"Anak ni kuya Cj si Sharlene?!" patanong na wika ni Josh at malakas yon.

"Huh?!" gulat na wika rin ng dalawa. Ngayon ay nakaharap na sila saakin habang naka-indian sit.

"Totoo?!" hindi makapaniwalang tanong ni Stell.

"Chismoso niyo. Diba andito tayo, dahil sa go up? Bakit nasa akin tanong niyo? Maiba nga tayo! San ka galing Ken. Tinext kita kanina sabi mo, nakita mo na ako na bumaba sa tricycle. Bat ang tagal mo pa rin?" medyo nanghihinala na tanong ko.

"Tama naman yun. Nakita na kita kanina na nagmamadaling bumaba kaso may nakita akong itim na pusa. Look! Meet Kuro!" He said at may pinakitang itim na pusa na mabalbon at medyo mataba. "Ang galing nga eh, sabi nila malas daw ang itim na pusa but I guess not. See we have a good news?" masaya nitong tanong. Marahil ay dahil sa pusa.

"Teka nga. Kung saan saan na napunta usapan natin. Nawala na sa go up" paalala ni Sejun kaya natawa kami.

"Sino may laptop?" tanong ko. Nilabas naman ni Josh ang laptop niya at nagsimulang nagtitipa. Nakita ko na binuksan niya ang isang website kung saan makikita mo ang views ng isang video. Ganon na rin ang mga comments, likes and dislikes.

Nang tignan namin yun ay tuloy-tuloy ang pagtaas nito. Napatulala pa kami ng ilang segundo roon bago tumingin sa isa't-isa ng may malaking ngiti sa mukha.

"Get in the Zone?" Sejun ask.

"Break!" we all said


[This is what I want : Enaria_21]




This Is What I Want (SB19 SERIES #1) Where stories live. Discover now