Chapter 29

4.3K 127 0
                                    

Tahimik akong naghuhugas ng kamay ko ng magsalita ito.


"Hey, are you mad at me?" tanong nito habang ako ay walang kibo parin sa kinatatayuan.



"Look, sasabihin ko naman sayo" sabi nito dahilan kaya napataas ako ng kilay.




"Really? Kaya pala lately puro ka excuses, tapos lagi ding wala si Drake" sabi ko at pinunasan na yung kamay ko.




"I'm sorry Verona.. And kung ano man yang nasa isip mo.. Yes, kami na" sabi nito at hindi na ko nagsalita pa pabalik, lumabas na lang ako at naiwan siyang mag-isa.




Pagkalabas ko ay nagulat ako magkausap si Drake and Alexander.




"Yeah bro! I didn't expect na magiging kami" rinig kong sabi ni Drake.



"Dang bro! Congrats! Hindi niyo man lang samin sinabi" sagot naman ni Alexander.



Natahimik silang dalawa ng kinuha ko na yung gamit ko kay Alexander.




"Sige bro! Una na kami" pagpapaalam ni Alexander kay Drake at ngumiti lang ako.




Pumunta na kami sa starbucks kung saan dun napag usapan na magkita kita after mamili. Pagkarating namin ay wala pa sila, maya maya ay dumating na din sila Yves.



"Bro! Order na tayo" yaya ni Drake kay Alexander.



Pumayag naman si Alexander.



"What do you want?" tanong nito at umiling lang ako senyas na ayoko.




Naiwan kami ni Yves sa isang table. Nakikita ng peripheral vision ko na nakatingin ito sakin ngunit di ko ito sinasalubong.




"Huy! Verona.. Sorry na kase, wag kana magtampo" panimula nito.



Hindi ko parin ito pinapansin. Dahil alam niyang di ko parin siya papansinin ay lumapit siya sakin at niyakap ako.




"Don't worry, hindi ko na ulit gagawin yung dati" sabi nito at napasinghap na lang ako.




"Alam mo sa tagal na nating magkaibigan ngayon ka pa naglihim sakin about sa magiging boyfriend mo" sagot ko.





"Hindi ko muna sinabi sayo kasi nga diba alam mo naman, na maharot si Drake. I'm still testing him if lokohan lang ba yung samin or hindi. Kaya I'm so sorry if hindi ko agad sayo sinabi" sabi nito at napatango na lang ako.



Totoo naman na maharot si Drake, mahilig kumausap ng girls and so on.




"Kailan pa naging kayo?" tanong ko.




"UAAP" sagot nito at napatango na lang ulit ako.





Dumating na sila Demi pati si Nadia. Wala sila Martha and Chloe, marami naman na daw silang pang-outfit sa Ilocos kaya di na sila sumama bumili.




"Ang tagal niyo namang bumili" bungad ko at nanlaki mga mata ko ng ang dami nilang bitbit na plastic bags and paper bags.



Anak ng teteng, pang isang buwan na yung binili nilang damit na susuotin.




"Huy mga sis! Days lang tayo dun bakit pang 1 month binili niyo?" tanong ko at napangisi si Yves.





"Gosh Verona! Outfit is a must!" sagot naman ni Nadia.




"By the way! Niyaya ko si Oliver sumama sa Ilocos and he agree" taas kilay na kinikilig na sabi ni Nadia.





"Edi kayo na" sagot ko naman.




"Ang bagal mo naman kasi! Alexander lang yan oh" pagpaparinig ni Demi.




Next na dumating is sila Alexander dala dala na yung inorder. Nagulat ako dalawang drinks and pastry binili ni Alexander. Nalibre pa nga.





"Hala? Bakit mo ko binilhan?" tanong ko at nilapag na yung tray sa table.




"You should eat, libre ko naman" sabi nito at kitang kita na nagpipigil ng kilig tong mga babaeng to.





"We're just friends guys less issue okay?" pagpapalinaw nito.





Pain.



Friends.




Okay.




Umayos na ng upo sila Demi at maya maya ay dumating na din yung sa kanila. Nagkuwentuhan lang kami kung anong plano namin after grumaduate and so on.




"I'm working with our company after I graduate" sagot ni Nadia.




"I am going to manage our business' sa Canada, so yeah aalis ako ng pinas" sabi naman ni Demi.




"I'm planning mag-work sa company nila Verona—" natigilan ito sa sasabihin ng marealized na nasabi nito na meron kaming kumpanya dito.




"Wait what?" gulat na tanong ni Nadia.





Halata kong nagulat din ang iba kaya naman ay napapikit ako ng mariin.





"You have a company pala di ka nagsasabi spill" sabi ni Demi.





"Ahh yeah? We have and hindi ako sanay na pinupublic yung company namin, gusto ko lang talaga mamihay ng simple" pagpapaliwanag ko.





"Yeah sabagay, pangit ding maiba yung treatment sayo ng tao just because you are rich and high standards" sabi naman ni Demi.






"But what company yung inyo Verona? Wait, is that the S.CHEZ Company?" gulat na tanong ni Nadia.




Tumango ako senyas na oo, isa sa kilalang kumpanya ang kumpanya nila Nadia. I'm sure naging kasosyo na din yun ni Daddy, but since global company na yung kayla Nadia, marahil nahirapan na si Daddy makisabay.

Chasing The Moon (College Series #1)Where stories live. Discover now