Ten: Double Confession

Start from the beginning
                                    

"N-nilalagnat ka" medyo napanic ako dahil sa taas ng lagnat nito... may konsesya naman ako kahit papano hindi ko lang mapigilang mag-alala dahil may lagnat sya, disregard the fact na uncomfortable ako sa presenya na ngayong inaapoy sya ng lagnat.

"D-dapat hindi kana sumama"

"I'm the Editor in Chief and mas kailangan ako dito specially it's a big project for the School Paper" I didn't know but this is just the time na hindi ko naramradaman ang akward sa pagitan naming dalawa...and I didn't know if it's good or bad!

"Still mas importante na makapag-pagaling ka" I'm not a bad person to let him endure his sickness may konsesya naman ako kahit papano.

"Eto lang pala ang kailangan para mag-alala ka sakin, kung alam ko lang matagal nakong nagpahawa ng sakit" he even joked his sickness kaya sinamaan ko sya ng tingin, masaya pa sya sa lagay na yan habang ako kinakabahan na natataranta sa kinatatayuan ko.

"Not funny Shin!" inirapan ko pa sya at nagboluntaryong bitbitin ang dala nito kahit hirap na hirap nakong magbit-bit ng mga dala ko.

"C-can you repeat my name again please" he look so weak on his voice at paputol-putol ang pag-ubo nito.

"Stop playing around at pumasok na tayo baka konsesya ko pa sakaling lumala pa yang lagnat mo!" I shouldn't be affected on his actions dahil ako ang malalagay sa alanganing sitwasyon sakaling pairalin ko na naman ang damdamin ko.

"Just say it and I'll be okay!" his smile was also weak kaya may kirot akong naramdaman sa puso ko, stop it Lance ikaw lang ang mapapahamak!...

Inalalayan ko sya hanggang sa tutuluyan naming dalawa at iwinaglit muna ang nagtatalo ng puso at isip ko... just for this time Lance... paalala ko sa isip ko at tuluyan syang pinaupo sa kamang nandito, good thing dahil dalawa ang kama at medyo malayo sa isat-isa.

Inilapag ko ang gamit nya habang nakaupo parin sya sa kama kaharap ko.

"P-pwede bang ganito nalang tayo araw-araw Lance?" napatigil ako sa paglalapag ng gamit nya dahil sa pag-cracked ng boses nito, I can hear his soft sobs kaya nanatili akong nakatalikod sakanya... Shin stop doing this to me!... ayokong malagay ulit sa alanganin, I'm done with those pains at ayoko ng ma-in-counter ulit ang ganung sakit and as much as possible kailangan kong ilayo ang puso ko dahil iba ang bawi ng sakit pag pinili ko ulit sundan to.

"Y-you should rest hihingi lang ako ng gamot sa lobby" hindi ko na nagawang lumingon pa sakanya dahil baka bumigay ang tuhod ko sa pag-iyak nya, baka naguguluhan lang sya ngayon dahil nakita nya lang ako, tama... baka naguguluhan lang sya

"L-lance give me another chance p-please?" mas lalo pang nabasag ang boses nya at lumalakas na rin ang pagiyak nya, your just confused Shin... pilit kong hinakbang ang paa ko palabas ng kwarto at bawat hakbang ko ay ang pagbigat nito... you should forget the past Shin tama na...

Tuluyang bumigay ang tuhod ko pagkalabas na pagkalabas ko sa kwartong tinutuluyan namin at napahulod sa nakarasang pinto... I'm done from those pain at ayokong umulit na naman sa umpisa at ako na naman ang talo sa huli.

.

.

.

They were having fun during the bon fire activity at halos lahat kilala na ang isat isa, i should be doing the same pero nangingibabaw ang pag-a-alala ko kay Shin na nag-pumilit na pumunta dito, bumuti naman na ang pakiramdam nya kanina at bumaba na ang lagnat nya, Mr. Gomez also told him na magpahinga sya pero nagpumilit talaga sya and now he's with his secretary, they even talking with each other habang pinagmamasdan ko sila sa upuan ko, it's seems that they were close to each other kaya napanatag akong may mag-aalaga na sakanya... you should be jealous right now... Out of somewhere natawa ko sa pag-singit ng isip ko, why should I? we don't have both business to each other kaya wala akong dapat ipagselos, dapat nga magpasalamat ako dahil may mag-aalaga na sakanya.... you don't have to ignore your fellings sometimes Lance! minsan kung ano pang madalas na i-deny yun pa ang kagustuhan mong gawin ang isang bagay...

IT'S ALWAYS YOU✓ (BOOK 2)Where stories live. Discover now