"hmmmm, bango" pagsinghot ni Mew sa leeg niya.

"Babeeee, ano ba nakikiliti ako"

"AHHAHAHAHAH, you're so cute" humagikgik ito at pinisil ang pisnge niya

Hahampasin niya sana ito sa braso pero nasalag nito ang kamay niya at pina-ikot siya na tila ba'y nasa party sila at nagsasayaw.

Humawak ang isang kamay nito sa bewang niya, isinasayaw siya ng mabagal.

"Sana ganito na lang tayo lagi, sana lagi kong nararamdaman ang ganitong pakiramdam."

Bigkas ni Mew at idinikit ang noo nito sa noo ni Gulf.

Nagsasayaw sila kahit walang tugtog, dinadama ang pagpintig ng puso ng isa't isa.

Ang katahimikan ang magsilbing musika na nagpapaganda sa kanilang swabeng pag-galaw ng mga paa.

Sabay na lang silang natawa ng biglang umapaw ang sabaw ng niluluto ni Gulf.

"Ayan, nagkalat na tuloy tayo." Nakangusong ani Gulf, parang batang nagtatampo.

Natatawa naman siyang nilapitan ni Mew at pinisil ang ilong.

"So adorable"

"Mewwwww- nakakailan ka na ha"

"HAHAHAHAHAHAHHA aow my baby is sulking"

Patakbong pumunta si Mew sa banyo.

Naiwan namang nakangiti si Gulf at ipinagpatuloy na ang pagluluto.

Mayamaya ay nakabalik na si Mew, at marahang umupo. Hinihintay na matapos ang pagluluto ni Gulf.

Nang natapos maghain ay naupo na rin si Gulf at matahimik silang kumain.

"Baby, bakit yung lumang phone mo pa rin ang gamit mo? Hindi mo pa ba ginagamit yung binili ko sayo?"

Umiling lang si Gulf sa tanong ni Mew.

"Why?"

"Eh...kase hindi ko alam gamitin."

"Sige, mamaya pagkatapos mo kumain umakyat ka at kunin mo then ituturo ko sayo kung paano, ako na ang bahalang mag lipit dito sa baba"

Nginitian ni Gulf si Mew at nagpatuloy na sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay dali daling umakyat si Gulf sa kwarto nila para kunin ang phone habang si Mew naman ay nililigpit ang pinag-kainan sa kusina.

Masayang hawak ni Gulf ang box ng cellphone at naghintay sa sala.

Nang matapos si Mew sa gawain ay dumiretso siya sa kinaroroonan ni Gulf at tumabi dito.

Bawat gagawin at bawat pipindurin ay tinuro niya dito, inilagay niya rin ang number niya.

"Come here baby, let's take a picture"

Pagkasabi nun ay agad niyang pinakandong si Gulf sa hita niya.

Pinindot niya ang button at nagpicture sila nang nagpicture hanggang sa magsawa.

Naka upo lang si Gulf sa hita ni Mew at hinahayaan niyang ito ang mag ayos sa cellphone niya.

"Here" inabot ni Mew ang cellphone sa kanya na agad naman niyang ibinulsa.

"Thank you babe, maraming salamat dito."

"You're always welcome, basta ikaw."

Nanatili lang sila sa ganung pwesto, at nilalambing ang isa't isa.

Hindi alintana ang mga bagay at tanong sa kanilang isipan.

Masaya lang at ninanamnam ang saya ng kasalukuyan.

Hindi inintindi kung ano ang bukas.

Ipinagsawalang bahala ang mga problema.

Nanood sila, naglaro at nagkaladyaan.

Buong maghapon lang silang ganun.

Sabay silang naglinis at sabay ring nagtootbrush...tipikal na gawain ng dalawang magkasintahan.

"Babe buhat" parang batang sambit ni Gulf.

Agad naman siyang binuhat nito papalabas sa banyo.

Inilapag siya nito sa kama at dumiretso sa pinto para sigiraduhing naka sara ito.

Humiga na sila at nagkuwentuhan hanggang sa tangayin ng antok.

"HELLO, MEW SUPPASIT JONGCHEVEEVAT...PINAPASABI PO NG AMA NIYO NA MAGKITA KAYO BUKAS. KAPAG HINDI DAW KAYO DUMATING SA TAMAG ORAS, ALAM NIYO NA ANG MANGYAYARI"












Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now