A RAINBOW AFTER THE RAIN

11 3 5
                                    


“Every end is a new beginning. It may stormy today, but it will not rain forever.”


Maalinsangan ang daan at makapal ang hamog na bumabalot sa palagid na sinasabayan ng malakas na ihip ng hangin. Pauwi na kami galing sa family bonding at kinakanta ang paborito naming kanta ni Vanessa Carlton na A Thousand Miles na kasalukuyang pinapatugtug sa radio ng kotse. Nasa backseat ako ng sasakyan habang nagmamaneho naman si Papa at nasa passenger seat si Mama.

Sandali pa'y biglang tumigil sa pagkanta si Mama kaya gano'n din ako. Nag-aalala siyang lumingon sa gawi ko at ngumiti ng tipid. Napansin kong pilit inaapakan ni Papa ang preno ng sasakyan pero patuloy at mabilis pa rin ang pag-andar ng kotse. Dahil sa kapal ng hamog, hindi na napansin ni Papa ang malaking truck na nasa kaliwa namin. At nang bumisina ang truck, huli na ang lahat.

"Pa! Ma! Hindi!"

Pinunasan ko ang mga luha na patuloy pa ring bumabagsak sa aking pisngi habang tinitingnan ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas ng bintana. Hindi ko pa nakita ang sarili ko na umiyak nang sobra dati. Nagising na lang ako mula sa panaginip na iyon at unti-unti ng sinasakop ng aking isipan ang lahat ng mga nangyari.

Dumadagundong ang kulog, bumubuhos ang malakas na ulan, at narito ako sa loob ng madilim na silid na ito kasama si Bella na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Dumako ang tingin ko sa kanya, umaasa na sana'y hindi ko siya naistorbo sa pagtulog nang ako'y sumigaw kanina. Tulad ko, wala na ring mga magulang si Bella. Bago pa lamang siya dito sa Bahay Pag-asa kaya naman ako ang inutusan ni Tiya Paula na magpagaan sa kanyang loob.

Pero paano ko mapapagaan ang pakiramdam ng paslit na 'to kung sarili ko mismo hindi ko magawang pagaanin.

Bumaba ang tingin ko sa aking paanan bago sumandal sa malamig na pader at niyakap ang aking paa. Ipinatong ko ang aking noo sa aking tuhod para maitago ang aking mukha. Mariin akong pumikit at pilit na pinipigilan ang aking paghikbi sa takot na baka magising ko ang batang kasama ko.

"May naalala ka na naman?" tinig ng isang pamilyar na boses mula sa aking harapan. Unti-unti kong inangat ang aking tingin at isang pares na mapupungay na mga mata ang sumalubong sa aking titig. Nakumpirma kong siya nga iyon dahil sa ilaw ng kandila na dala niya.

"Anong ginagawa mo rito? Kung ako sa'yo, umalis ka na kung ayaw mong mahuli ka na naman ni Ate Gia," mahina ngunit may inis na wika ko sa kanya. Pero sa halip na umalis siya, nanatili pa rin siyang nakatayo at hindi natinag sa pakikipagtitigan sa akin.

Tumingin ako sa gilid upang maiwasan ang kanyang tingin, ngunit umupo lang siya sa gilid ng aking kama at hinarap niya ako matapos niyang ilagay ang kandila sa ibabaw ng mesa sa tabi ng bintana. Nabigla ako sa ginawa niyang iyon kaya pinukol ko siya ng masamang tingin kahit na may luha pa ring patuloy na pumapatak sa aking pisngi.

"Napanaginipan kong tinatawag mo ako kaya ako pumarito. Sabihin mo sa'kin," sandali siyang napatikom at hinaplos niya ang aking basang pisngi gamit ang banayad niyang kamay, ipinaparamdam niya na ayos lang ang lahat, "May naalala ka na naman ba, Ulan?"

Tumango ako at nagsimula na namang tumubig ang mga mata ko. "Naalala ko na — lahat, Niko." My voice broke and the tears fell down my face once again as I wrapped my arms around my bended knees and covered my face on it.

Kasabay ng unti-unting pagbabalik ng mga ala-ala ko ay ang pagbalik ng masalimuot na nakaraan ko.  Hindi ko na magawang pigilan pa ang sarili kong umiyak ng impit. Ang hirap pala ng ganito. 'Yong sobrang bigat at sakit na ng nararamdaman mo pero wala kang magawa para ilabas lahat kaya tanging mahinang pag-iyak na lamang.

A Rainbow After The Rain | ONE SHOTWhere stories live. Discover now