4: Lazada

195 3 0
                                    

"Maam kayo po ba si Mary Cris Leponce?"tanong ng mamang nakalazada 

nagtataka naman ako dahil wala akong natatandaan na nag-order ako.

"Opo'kuya bakit po?"

"Order nyo po maám bayad na po "

"Huh?wala po akong inoorder at sino po nagbayad?"pagtataka kong sagot dto.

"ito wla naman po nakalagay na pangalan if sino po nagbayad eh"

Kinuha ko na lang iyon at nilagay ko sa kwarto nagpasalamat na lang ako kay kuya.

Alasiyete na ng Gabi  napag isipan kong buksan ang laman nung lazada.

"AHHHHHH!" napasigaw ako sa nakita ko.

Dahil hindi kung anuman ang regalo ang nakita ko,Kung di manika na kahawig ko.

Napakaganda ng pagkakagawa nito.ibinalik ko na lang agad ang manika at tinago agad sa ilalim ng kama ko.

kinaumagahan ay aalis ako upang pumunta ng palengke.

May nakita akong matanda na panay masid sa aking bahay hindi ko alam pero parang pamilyar ang mukha nya pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.

papalapit ng papalapit sya sakin.

nang lumapit sya sa akin ay hinawakan nya ang aking  kamay at bigla siyang tumitingin sa aking mata.Hindi ko naman sya pwedeng itaboy.

"Anak,Itapon mo ang manika!,Itapon mo na ang manika!" hinihingal niyang sabi.

"Lola!sino na naman kausap nyo,Halika na  po"aya ng bata.

Bumalik ako sa kwarto ko at agad-agad na kinuha ang manika sa ilalim ng kama ko.

Agad ko itong sinunog sa likod-bahay.

isasama ko sana ang box sa pagsunog pero nakita ko ang picture ko sa box.

Agad kong sinama din yun.

Ang picture ko na yun ay may matanda sa likod.

Nagtataka man pero di ko na inalam.

Simula nun di na nagpakita sakin ang matanda.




Within The Shadows : Tagalog  Short Horror StoriesWhere stories live. Discover now